Natahimik ako bigla at naestatwa sa kinatatayuan habang nakatitig sakanya. Ang galit na galit kong napuno sa dibdib ko ay bigla nalang naglaho.
Agad na sumilay ang saya sa kaloob-looban ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Parang matamis na may pait sa huling tikim.
Nawala ang atensyon ko kay Xyzoe ng marinig ko ang paghikbi ng babae.
Mabibilis ang pagtulo ng luha nya habang di makapaniwalang nakatitig sa kaharap. Pati rin naman ako ay di makapaniwala. Akala ko mas paniniwalaan nya ang babae kesa saaken.
"I-I'm sorry."
"Bakit saaken ka nagsosorry? Bakit hindi ka sakanya magsorry?" namutla ng tuluyan ang babae. Pati ang mabilis na pagpatak ng luha nya ay kusang natigil sa mga pisngi nya. "Kung di mo kaya, wag ka na ring magpakita sakanya... even on me."
"K-kuya, hindi ko naman s-sinasadya. Atsaka sino ba sya para ganyan ka magalit saaken?" hindi ko nakita ang reaksyon roon ni Xyzoe. Kasalukuyan syang nakatalikod saaken habang nakaharap sa babae.
"She's a friend." naestatwa muli ako sa pangalawang pagkakataon. Napayuko ako at mahigpit na napahawak sa sandalan ng upuan. "A friend from Clan. You won't try to deal with that, right?"
Hindi ko nakita o narinig ang ano mang sagot nya dahil nanatili akong nakayuko. Sinusubukang...hindi. Walang rason para pakinggan kung ano mang nararamdam ko.
"Leave."
Pumikit ako ng madiin bago humakbang paalis roon. Nanginig ang tuhod ko dahil alam kong napapahiya ako. Hindi sa maraming tao kundi dahil sa ekspektasyon ng nasa isip at kalooban ko.
"You'll leave the food I bought for you?" agad akong napatingin sa likod. Nakapamulsa itong nakatayo sa tabi ng lamesa. Wala na rin ang babae kanina na di man lang ako nakabawi. Tss.
"D-dadalhin ko nala-"
"You will eat it here." malamig nyang sambit. Binuksan ang kutsarang nakabalot kaya agad akong naalarma.
"Ako na!" inagaw ko sakanya ang kutsara bago napatingin sa paligid namin na puro nagmamasid saamen. "P-pwede ka ng umalis. Kakainin ko ito. Salamat." naupo ako di na sya tinapunan ng tingin.
Wow. Puro naman 'to gulay at prutas.
Kumagat ako ng prutas na apple bilang simula ko. Pinapakitang nagsasabi ako ng totoo na kakainin ko talaga ang binili nya para makaalis na sya.
"I'll go ahead-"
"Sige na!" pagtatapos ko ng usapan habang ngumunguya. Malayo ang tingin sa pwesto nya kung saan nasa gilid ko lamang.
Limang minuto ang nagdaan na nakatayo paren ito sa gilid ko. Malaki at matangkad sya kaya nakikita ko talaga sya sa gilid ng mga mata ko. Tiningnan ko sya ng nakakunot noo para ipakitang nawewerduhan ako sakanya.
Nakapamulsa parin ito.
"W-wala ka bang gagawen?"
"Do you really want me to gone?"
Unti-unting sumikip ang dibdib ko sa tanong nya. Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga dahil alam ko sa sarili ko na kahit na ako ay di alam ang sagot sa tanong nya.
"Hindi naman-"
"Then, good. Because I don't have plan too." laglag ang panga ko sa sagot nya. Para bang nahinto ako sa huling naging galaw ko.
Umiwas ako ng tingin at napapikit ng madiin. Ito na nga ang sinasabi ko. Mangyayare ito. Na darating ang araw na di ko na rin alam paano sumagot sa mga tanog ng di ko kayang masagot sa huli.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘