RUNNAWAY
Sa tatlong buwang walang pasok, ginugol ko ang sarili ko sa paglalaba. Ang dating sinabi ni aling Tina na trabaho ay pinatos ko na. Pero ang labahan lang na ipinapalaba sakanya ng Mayor ang nilalabahan ko. Kalahati sakanya at kalahati saaken. Mabuti na iyon kesa sa wala. Kailangan kong mag-ipon para sa darating na pagkokolehiyo ko.
"Oh, ito iyong sayo." nakangiting sambit ni aling Tina. Kung makukuha ko ang buong sweldo ay sobrang laki na 'yun. Swerte talaga ni aling Tina.
"Sige. Salamat." iyon lang ang sinabi ko pagkatapos kong abutin ang kunting halaga ng pera. Alam kong may sasabihin pa sya pero pasinsya sya,wala akong oras.
Pumasok ako sa bahay habang binubulsa ang perang nakuha ko. Nagkunwari akong pagod para di mapakialaman ni nanay.
"Amanda!" hindi ko sya sinagot at dire-diretsong naglakad papuntang kwarto. "Kinakausap kitang bata ka! Ano itong tumawag sa telepono!?" natigil ako at agad nanlaki ang mata.
Tumawag?...Tumawag sila!
"Amanda!"
"Hindi ko alam, Nay."
"At ako pa ang pinagluluko mo? Pumasok ka sa eskwelahan nila?" diing tanong nya. Humarap ako sakanya ng nakakunot noo.
"Ano naman po ngayon? Mag-aaral ako,nay!"
"At sakanila pa?"
"Ano naman ngayon!? Mag-aaral lang naman ako-"
"At sa tingin mo ganun lang 'yun!?" sigaw nya. Natigil ako at inis na tinitigan sya. "Wala kang alam tungkol sa pamilya nila! Bakit hindi ka nalang makinig saaken,Amanda!?" umiling ako at tumalikod na. Wala paring magbabago sa desisyon ko. "Amanda!" sinarhan ko ang pinto ng kwarto ko ng malakas. "Hindi ka aalis dito! Hindi ka mag-aaral!"
Agad akong napaupo at agad nanubig ang mata ko.
Karapatan ko naman 'yun,diba?
Alas tres pa ng umaga ay agad na akong umalis ng bahay. Dala-dala ko ang ibang damit ko. Oo. Lalayas nga ako. Ayaw kong magkaroon ng hadlang ang pag-aaral ko.
Nag-iwan ako ng sulat kay nanay na wag na nya akong pumuntahan. Uuwe ako pagnakuha ko na ang gusto ko. Mababa lamang yun na hindi umabot sa tatlong pangungusap. Hindi na mahalaga kung nakapagpaalaman ako o hindi. Ang mahalaga ay makaalis ako dito ng walang problema.
Lumabas ako at tinanaw ang kapaligirang madilim paren. Hindi ko narin maaninag ang daanan ng bahay namin.
Bakit walang bituin sa langit? Bakit sobrang madilim? Bakit? Huh!? Pati ba naman kayo hindi sang-ayon sa pag-alis ko!?
Natigil ang pagbuhos ng luha ko ng mapapikit ako dahil sa sinag ng ilaw.
"Amanda?"
Mas lalo akong napapikit ng marinig ang boses ng anak ni aling Tina. Tumunog ang motor nya ng lumapit ito. Mabibisto ako nito eh!
"S-saan ka pupunta?" nagtataka nyang tanong habang nakatitig sa mga dala ko.
"Wag ka ngang maingay!" saway ko sakanya ng pabulong. Pinatay nya ang ilaw ng motor nya at bumaba roon.
"Saan ba ang punta mo?" bulong nya rin. Inirapan ko sya bago tumingin sa bahay namin.
"Pakialam mo ba!" sigaw ko ng pabulong ulit.
"Lalayas ka ba?" tanong ulit nya. Kinunutan ko sya ng noo dahil sa pakikialam nya.
"Bakit ka ba nagtatanong!"
"Lalayas ka nga? Nang ganitong oras?" malaki ang mata nito habang tinatanong iyon. Parang gulat na gulat.
"May naglalayas bang kailangan umaga?" inikutan ko sya ng mata. Napaisip sya roon tapos nagkamot. Bakit ba lahat ng nakapaligid saaken ay puro tanga?
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
Fiksi Umum"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘