Chapter 42

28 3 0
                                    

Nagulat ako ng makita si Rax sa labas ng kwarto ko. Nakaigting ang panga habang nakatitig saaken.

"Anong-"

"I'm here with a doctor to consult your wounds, Manda. You didn't tell me this! And you didn't even bothered to cure it?" sermon nya. Ngumuso ako at binuksan ng mas maluwag ang pinto. "Come in, Doc." napatingin ako sa kasama nyang lalake. Nasa mid-30's ito at malawak na nakangiti saaken bilang pagbati.

"Kukuha lang ako ng maiinom nyo. Anong gusto nyo po, Doc?"

"Remove the 'Po', I'm still 31, ms.?"

"Apran, Doc." sagot ko ng may ngiti. Sinilip ko ang nakaigting bagang na si Rax habang nakatingin sa doktor. Binalik ko muli sa doktor ang tingin ko.

Lumiwanag ang mukha ng doktor na para bang may ibang ini-expect.

"Apran..?" sasagot na sana ako kaso mabilis na sumingit si Rax.

"She's Zalfredo, Doc. Can you proceed at the kitchen para kunin ang iinumin ng bisita mo, Manda?" madiing sambit nya.

"Hindi ko pa nakukuha ang gusto nyang-"

"Just anything!" singhal nya bigla. Madiin itong bumuntong-hininga at kinuha ang cellphone sa bulsa nya. Ngumisi akong tumalikod at umambang hahakbang na nang marinig ko syang magsalita muli. "Hello! Where are you? Can you accompany me here at Amanda's room?..Just come here. She's flirting with consultant." nanlaki ang mata ko.

Sinong kausap nya!?

Mabilis kung tinungo ang kusina at mabilis na nagtimpla ng kahit na anong makita ko sa refregarator. Agad ko iyong dinala sakanila at nilapag iyon sa lamesa habang masamang nakatitig si Rax sa doktor.

"Thank you, ms. Apr-Zalfredo." ngiti nya. Ngumiti ako at naupo sa tabi ni Rax.

"Consult her para makauwe kana." nalaglag ang panga ko sakanya.

"Rax!" saway ko. Umirap ito.

"What? What do you want me to do? Support you from flirting? Akala ko ba si Xy ang gusto mo?" nanlaki ang mata ko at mabilis na napabaling ang ulo ko sa doktor. Umiinom ito pero ang tenga nya ay nasa amin. Binalik ko ang tingin ko sa nakaigting panga ng kapatid ko.

Bigla ata kumidlat at nagbago ang pananaw nya? Lalo pa't narito si Mexiel, mas imposible na iyon.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong gusto sakanya!" pagsisinungaling ko. Sobrang hiya na talaga ako sa doktor na kaharap namin.

"Tss. You wasted to much tears for him. Don't deny that to me. Let's see if you can still manage to flirt in front of his presence." natampal ko ang noo ko sa frustration.

Para syang bata.

"Can I see your leg?" tumayo ako ng hingiin iyon ni Doc.

"What!? What legs are talking about, Fred!" napanganga ako at napaere ang pwet ko sa pag-upo.

"Your acting like his boyfriend, Raxiel. I saw the wound on her legs. I'm here to check that, what's with you?"

Natigil ako at napatingin kay Rax. Seryosong-seryoso kasi si Doc sa pagkakasabi 'nun. Pinasadahan saglit ni Rax ang binti ko bago inis na nagbuntong-hininga.

"Fine." pagtatapos nya at humalukipkip na tiningnan kame. Binalik ko ang tingin ko kay Doc bago ako naupo sa tabi nya. Nginitian nya ako at nilapag ang isang unan sa pagitan namin.

"Lay down your leg here."

"He's now touching her legs, dude." marahas akong napalingon kay Rax. May kausap na naman ito sa cellphone. Nakataas ang kilay saaken.

The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon