Linunok ko ang panibagong pagkaing sinubo ko. Masasarap ang nakahanda ngayon sa harap namin pero hindi ko man lang iyong malasahan.
Hanggang ngayon ay hindi pa tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Abnormal na. Naghalo-halo na ang lahat ng pakiramdam ko. Naiinis, nagugulat at naaawa. Hindi dapat ako narito.
"Saan ka nakatira ngayon, eha?" umangat ang ulo ko sa kaharap ko. Sa lahat ng tao dito sya lang di man lang tumitingin saaken ng matagal. Daddy nila Lance.
"She's living at tito Max Condominium. Zyxoe's place." si Rax ang sumagot. Nasa tabi ko sya habang katabi naman niya ang daddy nya na tahimik lamang.
"I didn't know you're already at your family school, eha. Masaya kame dahil finally, we met you." nakangiting pahayag ng mayor.
"We just hope your trustworth women to trust to. Raniel is weak like what you see. You must know how to sympathize people around you. Bago ka palang. So, try to move aside first-"
"Sophie." pampipigil ni mayor. Asawa nya. Pormado itong tumikhim bago tinikom ang bibig.
Alam ko ang ibig sabihin nya. Pero wala akong balak na mamulubi sakanilang yaman. Sariling sikap ko ang gagamitin ko para maabot kung ano man ang gusto ko.
Iyon ang hintayin nyong magawa ko.
"By the way, Amanda. I love your dress. You looked more pretty and gorgeous." komento bigla ni Neerrah para basagin ang sinumulang usapan ng kanyang ina.
"Mom picked that dress for you, sis." nangunot ang noo kong napabaling kay Rax. Nakangiti ito sa tabi ko habang nasa tabi nya ang daddy at mommy nya na nakangiti ng tipid na parang naghihintay ng kung ano mula saaken.
"Really!? You know what, Manda? Tita Melia is former designer at U.S. Pinatigil lang dahil tito need her especially handling the businessess." masayang sambit ni Neerrah ulit.
"I'm sure, Amanda can help me." nakangiting pahayag ng mommy ni Rax. Napayuko ako at natahimik.
"Of course. My daughter is smart as me. She can be your right hand, hon! I'm excited for that!" natahimik bigla ang hapag.
Hindi ko napigilang balingan sya mula sa kinauupuan ko. Nakangiti sya sa lahat na unti-unti ring nawawala ng mapansing walang natuwa sa sinambit nya.
"Hindi nyo po ako anak."
Hindi ko na pinansin ang pagbasag na kung ano. Nasa pagitan lang namin iyon kaya alam kung dahil iyon sa gulat.
Binasa ko kung paano unti-unting napapikit ang mata nya sa sinabi ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Marco at ang pagtikhim ni Barreen.
"Amanda.." tawag pansin saaken ni Rax. Hinawakan nya ang kamay kong may hawak na kutsara para lamang pigilan sa ano mang balak kung isunod mula sa sinabi ko. Ngunit di ko iyon pinansin at nagpatuloy sa kagustuhan ko.
"Wala akong balak tumira at kilalanin kayo."
"Eha, please." pampipigil ng asawa nya. Mahinahon at takot ang naramdaman ko sa tono ng boses nya. Walang halong galit o kutya.
"Ayaw ko lang pong paasahin ang asawa nyo, mrs. Zalfredo. Narito ako dahil inimbita ako ni Dean para sa importanteng bagay na hindi ko alam kung bakit kasama pa kayo sa importanteng iyon. Kung may nakita po kayong ibang dahilan sa pagpunta ko, humihingi po ako ng paumanhin. Nandito po ako sa lungsod nyo hindi para magpalit ng apelyido at makasama kayo sa iisang bubong kundi ang maganda sa magandang paaralan nyo. Sana nga lang po hindi ito ang maging dahilan para alisin nyo ako sa eskwelahan nyo."
"..No. Of couse not. I won't do that. I just want to say that.. P-please, slow down your words. My husband' health is crit-"
"I'm okey, Melia. I'm okey." matigas na pampipigil ng asawa sakanya.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘