"Who stopped the music?" umalingawngaw sa paligid ang manipis na boses na iyon. Alam ko kung sino yun. Isa o dalawang beses ko pa lang naririnig iyon sa buong buhay ko, kabisado ko na ang manipis na boses na iyon.
Tumaas ang kilay ko ng lumabas mula sa gilid ang naka red two piece na si Christel. Nakatali ang buhok nito at walang kahit anong saplot maliban sa two piece nya.
Tss.
Anong maganda dyan?
Inikot ko ang mata ko sa kanya pagkatapos ko syang pagmasdang basa sa harap ko.
"Happy birthday, birthday girl." hindi nakalagpas saaken ang pagiging sarcastic ni Lance doon. Tumaas ang kilay ni Christel at ngumisi habang nakatingin kay Lance ng may pandidiri.
"I didn't invite you here, Lance. Did you forget what you did in front of our schoolmates? Well, sorry. I think you forgot that I don't easily forgive sins." nakangiti nyang saad. Binandara nya lalo ang katawan nya saamen habang nakacross arm sa harap namen.
"Like how you couldn't forgive your sins?"
Nangunot ang noo ko sabay tingin kay Lance ng nakangiti rin. Tiningnan ko si Christel na unti-unting nawawala ang ngiti nya. Tumingin sya sa paligid na halos lahat sila ay pinanonood ang sumbatan nila nang sekreto.
Nagulat nalang ako ng tumawa sya bigla at lumapit ng walang pag-aalinlangan kay Lance. Humaplos ang kamay nito sa balikat ni Lance habang nagtititigan sila. Nakangiti si Christel habang si Lance ay wala ng ngiti sa mukha.
"You won't like dealing with me, soldier-" nanlaki ang mata ni Christel kasabay 'nun ang pagsinghap ng nasa likod namin ng bigla itong hilahin ni Lance sa bewang nya kaya mas lalo silang nagkadikit.
"I'll love to deal with your case, Christel." kita ko ang pagngisi ni Lance bago nilapit ang bibig sa tenga ni Christel. "..you sinful creation." mabilis na tinulak ni Christel si Lance at galit na umalis sa gitna ng eksena.
"What was that?" napalingon kame sa likod. Si Neerrah iyon, kasama sina Raxiel, Marco, at Barreen.
"Akala ko ikukulong mo na, kuya!" napatingin ako kay Marco na tuwang-tuwa na naman.
"Malapit na." sagot ng katabi ko.
"Older sister." napatingin ako kay Raxiel. Lumapit ito saaken at niyakap ako. "I'm sorry." bulong nya.
Bakit ba ang drama nya lage?
"Ang sweet talaga ni Raxiel!" rinig ko sa likod namin.
Doon lamang ako biglang napaso.
Nasa publiko kame!
"Saan ba ang banyo dito?" agad na tanong ko bilang rason ng pag-iwas.
"I can lead you, Amanda." tumango ako kay Neerrah at nagpahila na ako sakanya.
Pumasok ako sa loob pagkarating namin at agad ring lumabas kahit ang totoo ay hindi naman ako magbabanyo. Bumalik ulit kame roon at naupo sa isa sa mga upuang nakadisplay sa gilid-gilid.
"Your avoiding the people around you, right?" hindi ko sya nilingonan at nanatiling nakatitig sa mga taong nagkakasiyahan sa pool. " You know what, I think they're wrong about you." napatingi ako sakanya ng may pagtataka. "I mean, hindi ikaw iyong taong walang pakialam sa iba. You still care about what people around you could utter. Your still not that bad as hell." tawa nya.
"I'm bad, Neerrah. Believe me." tsaka ko lang binalik ang mata ko ulit sa pinapanood ko. Narinig ko ang pag-irap nya. Nilingonan ko sya ng nakakunot-noo. Tinaasan nya ako ng kilay ng makita akong ganun ang tingin ko sakanya. "Bakit magkasama kayo nung lalakeng iyon?"
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
Ficción General"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘