P R O L O G U E

1.8K 115 32
                                    

[A kindly reminder, bare with my flaws and this is all fictional as I didn't intend to cause any harm to everyone. I don’t tolerate negativity so  if you intend to spread negativity please leave quietly nor force you to like my work.]



•••

“Her POV”

April 1 2010, 'Yan ang narinig ko sa isang bata simula nang magising ako sa gilid ng kalsada sa tapat ng malaking University na ito at isa lang ang alam ko,
Hindi nila ako nakikita. Wala akong alaala o ideya kung ano ako, tanging ang lugar na ito ang nakagisnan ko kung kaya pauli uli lang ako rito.

Tumingala ako sa langit, payapa at maaliwalas, may nakatira rin bang nilalang doon?

"Siguro hindi lang ako nag-iisa."

Sabi ko sa kawalan.

"Para kang t*nga."

Mabilis na hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na ‘yon. Isang lalaking pareho ng damit sa mga tao na nakikita kong dumadaan rito, nakatingin siya sa akin.

"N-nakikita mo ako?" Tanong ko sa kaniya at naglakad papalapit sa gawi nito.

"Hindi ba obvious? Tsk." Napahinto ako, Nilagpasan niya lang ako kaya napakurap-kurap ng ilang beses mga mata ko.

M-may nakakakita sa akin! Agad ko siyang sinundan.

"Teka lang, katulad rin ba kita?" Tumigil siya sa paglalakad, sinamaan ako ng tingin kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Hays! Magkaiba tayo okay? Ikaw multo ako tao. Kaya 'wag mo akong kausapin dahil kung may makakakita  sasabihin nilang nabab*liw na ako."

Tumayo bahagya ang kilay ko, ano ang multo?
"Ano ang multo? Ano ang nababaliw? Pasensya na wala ako maalala na kahit ano." Mahina kong tugon tapos tumigil siya sa paglalakad.

"Ayaw mo bang alamin kung sino ka? Alam mo, mahirap ‘yan para kang baby na walang alam pero may kakilala ako na matutulungan ka."

Kumurap ako dahil hindi ko talaga siya maunawaan. Tanging mga naririnig ko lang na ‘langit, assignment, teacher’ kadalasan naririnig ko.

"Hindi ko alam. Tutulungan mo ba ako?"

Parang may kung ano akong naramdaman sa parteng dibdib ko.

"May unfinished business ako kaya hindi kita matutulungan na malaman kung sino ka pero may kilala akong makakatulong sayo tulad ng sinabi ko kanina kung narinig mo."

Napangiti ako sa kaniya.

"Child abuse." Pagsusungit nito. Ayan na naman siya sa salitang hindi ko alam!

"Teka ano bang business mo?"

Sumeryoso naman siya.

"Malalaman mo rin." Nauna na siyang maglakad kaya sinundan ko muli siya.

Huminto kami sa isang bahay.

"Diyan ba nakatira yung tutulong sa akin?"

Tanong ko at naghalumbaba.

"Oo," Umalis na ito.

"Hoy teka paano ko malalaman na siya na?!"

"Kapag nakita ka niya." Sabi nito.

Napa-nguso nalang ako sa inis. Nagsimula na akong maglakad papasok at kakatok sana sa pinto nang maalala kong multo nga pala ako. Pumikit ako at akmang ilulusot ang kamay ko sa pinto nang bumukas ito at iniluwa ang babae na nakatingin sa akin.

"Aaaaaaaaah!" Sigaw niya, nanlaki ang mga mata ko at napasigaw rin.

"Nyaaaaaaaah!" Tili ko.



To be continue...

Dedicated to : @sinful_lips

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon