CHAPTER 98
(As I edit this chapter, nagulat din ako kung bakit 5 years na kaagad so I gagawan ko nalang po ng special chap ang nangyari sa loob ng 5 years, anyways enjoy reading!)
Zarina's POV
5 years na ang nakalipas, parang nag-fast forward ang nangyari at 4 years old na sila Aze at Haze si Timothy naman, nasa office niya hehe busy raw at nga pala nagresign nako sa pagiging sekretarya nya dahil asawa nya raw ako at 'di ko na daw kailangang magtrabaho dahil mapapagod lang raw ako.
"Waahhh mommy si kuya!" Tumakbo si Haze papunta sakin sabay yakap, I saw Aze na may hawak hawak na tipaklong.
"Hahahahaha! Mom look... I found a grasshopper" masiglang sabi nito at pinatingin sakin.
"Kuya can you put that thing away from me" takot na sabi ni Haze.
"Aze put that outside the house, alam no namang natatakot ang kapatid mo" utos ko sakanya tumango naman ito at nilabas yung hawak-hawak nya.
Akalain nyo yun 4 years old palang sila pero nakakapagsalita na ng maayos, and for 5 years Aze became adventurous while Haze is very fragile but likes to prank anyone. I remember Aze asking his father to buy him a snake as a pet, pero hindi kami pumayag dahil bata pa siya and Haze will be afraid of it, nasa kaligtnaan ako ng pagiisip ng bigla nalang may nagtext sakin.
From: Honey
Honey, gagabihin ako sa paguwi kaya wag mo na akong hintayin.
To: Honey
Why? May nangyari ba sa company?
From: Honey
Yeah so don't wait for me okay?
To: Honey
Okay, take care
From: Honey
Okay, I love you
To: Honey
I love you too.
Timingin ako sa kambal na nanonood ng cartoon sa sala kaya umupo ako sa tabi nila, "mommy sino pong nag-text?" Tanong ni Aze.
"Daddy nyo" sagot ko.
"What did he say po?" Tanong ni Haze.
"Malelate raw sya ng uwi kaya mamaya maaga tayong matutulog okay?"
Tumango silang dalawa kaya napangiti naman akobut I feel that somethings not right? Nakaramdam ako ng kaba.
*ding*dong*
Kaya agad kong binuksan ang pinto and I saw Lee, Rhaine and Sum with there kids.
"Waah! Anong ginagawa nyo dito?"Tanong ko sakanila.
"Ang mga anak namin gustong-gustong makipaglaro sa kambal mo" sagot ni Sum nga pala buntis na uli silang tatlo ahahahah! Si Sum malapit nang manganak mga 1 month nalang manganganak na sya ng lalaki. Si Rhaine naman 3 months nalang manganganak na at si Lee 15 days pregnant.
Umupo kami sa sofa bed habang naglalaro sila Aze, Haze, Basty (Sebastian), Kenzie, Ely at Pry.
"Nakapagtanghalian naba kayo?" Tanong ko sakanila.
"Nope" sabay sabay nilang sagot.
"Great! dito nalang kayo magtanghalian, sinong gustong sumama sakin sa pagluluto?" Tanong ko.
"Ako nalang" pagpiprisinta ni Lee kaya pumunta kami sa kusina.
Rhaine's POV
Nasa sala kami ni Sum ngayon habang sila Zarina at nagluluto sa kusina natatawa na ngalang kami pagmay ginagawang kalokohan ang mga anak namin.
"Huhuhuhu!" Nagulat kami ni Sum ng bigla nalang umiyak si Pry lalapitan sana namin ng bigla namang lumapit si Haze kaila Basty.
"Hey what did you just do to Pry?" Sagot nya, nabigla kami ni Sum ng magsalita si Haze ng diretsong English.
"Ppfftt! HAHAHHAHAHAHAH! I CAN'T DO THIS ACT HAHAHAH!!" Sabay sabay nilang sabi tss! Akala naman namin totoo na pssh!
Hindi ko maiwasang mapaisip ang magiging ugali ng mga batang toh unahin na natin ang mga anak nila Zarina. Si Aze ang gwapo ng batang ito at siguro magiging adventurous sya at base sa pananalita nya at para syang si Timothy.
Si Haze naman napakagandang babae ng batang toh maganda ang awra nya siguro maraming manliligaw sakanya at she's good at pranking at parang si Timothy rin sya kung makapagsalita.
Anak ni Lee at Theo si Sebastian akala mo anghel ang pangalan, anghel rin ang ugali, siguro kaugali sya si Theo kahit na ang kamukha nya si Lee. Anak namin ni Kyle siguro lalaking mabait ang anak namin hihi kasi mabait ako hahahah! Tsaka kahit na kamukha nya si Kyle ako parin ang favorite ng anak namin. At anak nila Yuhan at Sum ang gaganda ng anak nila nagmana kay Yuhan ang kambal pero baliktad ang ugali nilang dalawa si Ely may pagka-brat ng konti at si Pry naman napakamahinhin.
Nagulat ako ng kulbitin ako ni Sum, "tulala ka yata? Ano namang iniisip mo?"
"Ah, nothing inaantok lang ako pero ayos lang ako" hihi tinatamad ako magexplain.
"Mom gutom na ko" sabi ni Kenzie sakin.
"Maghintay ka muna kakain na tayo mamaya maglaro ka muna" sabi ko sakanya at nakipaglaro na nga lang sya.
"Guys tara na kumain" rinig naming sabi kaya nauna na ang mga bata sa table.
"Mommy did you cook our favorite?" Tanong nila Aze at Haze.
"Of course we cook all your favorites so eat well" sabi ni Zarina at nagsimula na making kumain.
To be continued...
YOU ARE READING
Book 4:Way Back To His Arms✔
Teen FictionExpect The Unexpected "Why can't you give him a second chance?" "Bakit pa?.... Eh ako nga ang unang nakipag-hiwalay diba?" "But he still need you" "Sum pwede ba wag na natin syang pagusapan" ------ Timothy Jazekiel Ramirez is a multi-billionaire wh...