3rd Person Point of View
Somewhere in a distant place where no mere human can see, ang isang palasyong napapaligiran ng matatas na pader at libot ng maitim na kalangitan na may pagkidlat.
May isang lalaki ang nakatingin sa isang malaking bintana na kung saan ay tanaw na tanaw nito ang nakapaligid sa palasyo.
Sa likod niya ay nakaluhod ang kaniyang anak
"Dad, I know what I'm doing just give me a chance to prove it to you"
Pagmamakaawa ng binata sa kaniyang ama.
"And what will you do if you fail? I will never accept you again in this palace"
He said coldly habang nakatalikod pa rin sa kaniyang anak.
"I... Just trust me on this father. I promise I will never fail you again. I will surely get her"
Nakaluhod pa rin siya ngunit nakatalikod pa rin ang kaniyang ama.
Humarap naman ang kaniyang ama na may galit sa mukha
"I'll give you a chance and if you ever fail again, you know the circumstances. Now, get up" utos niya sa anak niya.
"Yes father"
Tumayo na ang binata at masaya niyang hinarap ang ama.
"Now leave. I don't want to see your face"
Umupo siya sa kaniyang trono at umalis naman na ang binata.
Meanwhile...
Nakahanda na si Lori para pumasok ngunit nagdadalawang isip ang dalaga kung papasok ito o hindi dahil sa nangyari kahapon.
Hindi pa rin nawawala ang mga pasa sa kaniyang mukha na dulot ng pagsipa sa kaniya nila Cindy kahapon.
Tumulo ang luha niya nang maalala niya ang kaniyang mga magulang.
Madalas kasi na kapag inaapi siya ng iba, pinagtatanggol siya ng kaniyang mga magulang at kapag naman ito'y umiiyak, niyayakap siya ng mga ito.
Lori's Point of View
Hindi ko namalayan na tumutulo nanaman pala ang luha ko nang maalala ko sila mama at papa.
"I wish mom and dad were still here. Ma, Pa, sana hindi niyo na lang ako iniwan mag-isa"
Tumigil naman ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang phone ko.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko tsaka sinagot ang tawag kahit di ko tinitignan ang caller ID.
"H-hello?"
Sagot ko kahit medyo sinisipon ako.
"Hello Lori, I'm sorry busy ako kahapon kaya hindi ko nasagot yung mga messages mo"
I know naman na busy siya eh.
"It's okay Coli besides sinabi mo naman na pinapatawag ka ng dad mo diba?"
At bigla akong sinipon, ah! Traidor na sipon.
"Hey are you okay? Umiiyak ka ba?"
Nag-aalala niyang tanong.
"O-oo ayos lang ako wag kang mag-alala. Nanood lang kasi ako kagabi ng ano yung nakakaiyak na movie tapos umiyak ako kaya sinipon ako"
Pagpapalusot ko sa kaniya. Ayaw kong mag-alala pa siya sa'kin.
"Oh okay haha I'll see you at school then. Goodbye!"
Good thing he bought it.
"Okay, bye!"
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...