Chapter 28 - Birthday Gift

1.1K 42 0
                                    

Lori's Point of View

It has been how many weeks at mas lalong nagiging sweet sa'kin si Athan. Hindi ko maiwasang kiligin pero hindi ko pinapakita sa kaniya 'yun.

For the past weeks, binibigyan niya ako ng flowers, chocolates, and even groceries. I don't want Eclipse to find out about him courting me. Mas lalong magkakagulo lalo na't kapag nalaman ng buong school.

Today is his birthday, I don't want to give him any gifts dahil ayaw kong mabawasan ang ipon ko. Isa pa, I think I have the best birthday gift for him.

"Hey bumangon ka na! May pasok pa!" Pambubulabog ko sa natutulog na Athan. "Ngaarng" reply niya sa'kin, aba! Umakyat ako sa higaan niya at nagsimulang lumundag-lundag dito.

"Ano ba 'yan Lori" reklamo niya. "Bumangon ka na kasi! Teacher kang naturingan pero late ka pang nagigising sa estudyante mo!" Panenermon ko sa kaniya. Tinakpan niya ng unan ang tainga niya at natulog ulit.

"Bumangon ka na!" Hinila ko ang kamay niya but he won't budge! Ayaw mong gumising ha? Umupo ako sa tiyan niya at bigla siyang nagising sa sakit. "Lori!" Reklamo niya sa'kin. Tinuro ko ang orasan na may pagmamayabang.

"I know! I know! Oo na tatayo na ako" natalo din kita sa wakas. "Baka gusto mong umalis sa tiyan ko? O baka naman may gusto kang iparating na iba sa'kin?" He smirked at me at naramdaman ko na nag-init ang pisngi ko.

Natauhan ako at biglang tumayo sa pagkakaupo sa kaniya pero hinila niya ang kamay ko kaya napahiga ako sa tabi niya. This time, the tables are turned. Ako naman ang nasa ilalim niya at siya naman ang nasa ibabaw.

"Let go of me Athan!" Pero imbes na pakawalan niya ako, hinawakan niya pa ang dalawa kong kamay sa kamay sa higaan niya. Palapit nang palapit ang mukha niya that made me froze.

"A-athan" na lang ang nasabi ko tapos iniwas ko ang mukha ko habang nakapikit. I was waiting for him to force a kiss on me, however hinalikan lang niya ako sa noo. Napamulat ako at nakita ko ang mapang-asar niyang mukha.

"What?!" Nagba-blush kong tanong. "Nothing. Or you want me to continue something?" He asked smirking.

"Let go of me!" Sa wakas nakawala ako sa pagkakahawak niya sa'kin atsaka tumayo ako bigla. Humiga naman siya na tawang-tawa sa mukha ko.

"TEASE!" Sigaw ko sa kaniya atsaka tinadyakan ang tagiliran niya na napahinto siya sa pagtawa niya.

"Aray! Masakit 'yun!" Simangot niyang pag-iinarte. "Mas masakit pa jan ang aabutin mo kung hindi ka pa maliligo ngayon na!" Aakmang susuntukin ko siya pero agad siyang pumunta sa banyo para maligo. Mabuti naman!

I'll just wait here for him to finish. Sa sobrang tahimik dito, paghinga ko na lang siguro ang maririnig mo. Humiga muna ako saglit sa kama ni Athan.

I was dozing off pero narinig ko na bumukas ang pinto ng banyo ni Athan kaya bigla akong napaupo. Lumabas siya na tuwalya lang ang nakatakip sa lower part niya at basang-basa ang buhok.

He's so masculine, mayroon din siyang 6 pack abs at muscles sa braso niya ganon! 'Di mo aakalaing mayroon siyang mga ganon kasi kung titignan mo, payat lang siya pero malaman din pala.

My god! What am I even thinking? But, but, but! Oh my god.

"You like what you see?" He smirked at lumapit sa'kin. I snapped out of my imagination nang nasa harap ko na siya. "Eek!" Pinikit ko ang mga mata ko at iniwas ang mukha ko.

"It can be yours just by saying a simple yes" rinig ko sa tono niya ang pang-aasar. Humarap ako sa kaniya at inismiran siya. Pinagkukurot ko siya sa braso niya para umatras siya. Binato ko ang unan niya sa kaniya at sapul naman sa mukha.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon