Ris' Point of View
"Anak" rinig ko ang malambing na tinig ng isang babae. Lumingon ako sa likuran ko ngunit wala akong makita kundi ang kulay puting kapaligaran lamang.
"Anak ko" sabi ulit nito at tumingin naman ako sa harap. Nakita ko ang isang babae na mukhang pamilyar sa'kin. "----" ang sabi ko ngunit tila ba wala akong narinig na pangalan pero ang alam ko ay nagsalita ako.
"Halika anak, sumama ka sa'kin" umakto siyang parang hinihintay niya akong yakapin siya. "Hindi pa siya handa -----" ang sabi naman ng isang babae na lumitaw sa tabi niya.
"Sino ka?" Ang tanong ko dito. "Malalaman mo rin anak" ngumiti ito sa'kin na may halong lungkot. "Hanapin mo ang medalyon anak" utos nito sa'kin. "Para saan?" Nalilito kong tanong.
"Paubos na ang oras -----" pagpapaalala ng pamilyar na babae sa kaniya. "Anong ibig ninyong sabihin?" Nalilito ko pa rin na tanong sa kanila.
"Alalahanin mo anak, hanapin mo ang alahas na may kakaibang hugis dahil ito ang kailangan mo ngayon" pagpapaalala nito sa'kin.
Nagising ako bigla at ang bilis ng kabog ng puso ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Pamilyar sa'kin ang isang babae.
Maliwanag pa sa'kin kanina ang mga mukha nila pero ngayon ay tila ba nakalimutan ko na.
"Hanapin mo ang alahas na may kakaibang hugis" napaisip ako bigla sa huli niyang sinabi. Para saan? Ano ang meron sa alahas? Alahas na may kakaibang hugis? Parang may nakita akong ganon.
"Ah!" Sumakit nanaman bigla ang aking ulo dahil sa pag-aalala sa panaginip ko. Tumayo ako at pumunta sa banyo upang maghilamos. What was that dream all about?
Binuksan ko ang kurtina sa madilim kong kwarto at madilim pa ang kapaligiran. Napatingin ako sa orasan at tama nga ang hinala ko. Sobrang aga pa ngunit sa tingin ko ay hindi na ako muli pang makakatulog.
Kumuha ako ng isang papel at isinulat ang aking mga natatandaan mula sa aking panaginip. Ang daming mga pangyayari ang nagaganap ngayon. Isinulat ko na rin ang aking mga nasaksihan mula kahapon at ang aking mga nadama. When will this problems ever fade?
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...