A month has passed by at ito na ang pinakahihintay ni Lori sa lahat. Ang Prom night na may temang Masquerade Ball. Maraming pangyayari ang naganap bago ang masayang gabi na ito. Pero isa nga ba itong masayang gabi o isa nanaman na malungkot na gabi?
Earlier
Lori's Point of View
I can't believe this! Hindi pa rin tumatawag si Athan sa'kin! Mamayang gabi na ang Prom hindi pa siya nagpaparamdam sa'kin ng isang linggo. He promised me na isasayaw niya ako sa gabing pinakahihintay ko!
Oh Athan where are you? I miss you so much. Nasaan ka na Athan? Nag-aalala ako sa'yo.
Right now, I'm preparing my things para mamaya. Sinabi lang nila last week na isa pala itong Masquerade Ball! Paano kung pumunta si Athan sa Ball at hindi niya ako mahanap? Paano kung mamaya pumunta siya? Nah, he will surely find me with this dress he and Ebony gave me.
Paano ba naman na hindi ito ang isusuot ko ngayon ay dahil may nagnakaw ng gown na ginawa ko. Kahapon lang nawala ang gown ko kaya kulang na ang oras kung gagawa pa ako ng bago.
I was about to cry last night nang mabalitaan ko kay mimi na nawawala ang pinaghirapan ko, but then naisip ko na isuot na lang ang itonng binigay ni Ebony.
Speaking of, alam kaya nila kung nasaan si Athan? Nag-aalala na kasi talaga ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ulit ang number ni Athan pero wala pa ring sumasagot.
Iiyak na ba ako? Because I miss him so much that it kills me. Humanda ka sa'kin Athan pagbalik mo. Tinawagan ko rin si Ebony at tita Diamanda pero hindi rin daw nila alam kung nasaan si Athan.
"Thanks Ebony. By the way, I'm using the gown you gave as my Prom gown, Is it alright with you?" Panghihingi ko ng permiso sa kaniya. "Why ate? What happened to your gown that you made yourself?" Nag-aalala din niyang tanong.
"Ano kasi, kagabi ko lang nabalitaan na nawawala ito. May nakapasok daw sa shop na pinagtatrabahuan ko tapos kinuha 'yung pinaghirapan ko and I don't know what to do. Wala rin naman akong pera pambili ng mamahaling gown at kulang na ang oras ko para gumawa ng bago. I'm really, really sorry about this. I promised that I will wear it at my w-wedding but I'm about to break that promise" nalulungkot kong sabi kay Ebony.
"It's alright ate, I can make a new one for your wedding day. And we'll let you know kapag may updates na rin kay kuya. Ate tawagan mo rin kami kapag nakita mo na si kuya Athan, alright?" Tanong niya sa'kin. Ang bait naman ng batang ito, nakakataba ng puso.
"Yes, alright. Thank you so much Ebony" mangiyak-ngiyak kong sabi sa telepono. "No problem ate" sagot niya sa kabilang linya.
Pumunta ako sa unit ni Athan but there are still no trace of him here.
"Just where the hell are you, Athan? Hindi na nakakatawa" para akong siraulo dito kung titignan mo dahil kinakausap ko lang ang hangin. I miss everything about him, his scent, his smile, his laugh, at 'yung mga pang-aasar niya.
Sa loob ng isang linggo, araw-araw kong inaayos ang unit niya dahil kung sakaling bumalik siya, maayos na ito at hindi na niya po-problemahin. Sa loob din ng isang linggo, parang wala akong kabuhay-buhay.
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...