Lori's Point of View
Excited na ako sa Halloween party mamaya! I searched for costume ideas and ang napili ko ay yung kay Scarlet Witch.
Hindi naman na ako masyadong gumastos dahil mayroon naman akong black dress para sa ilalim at ang bigay ng pinsan ko na scarlet colored jacket. Mamayang gabi pa naman ang party at may pasok pa rin ngayong umaga.
Mas lalong naging malapit pa kami ni Athan, hindi na parang naiilang ako. I admit, naiilang pa rin ako sa kaniya dati dahil nga isa siyang guro at ako naman ay kaniyang estudyante.
Siguro dahil na rin sa siya na lang ang natitira kong kaibigan at lagi ko siyang nakakausap. We had so much fun nung pumunta kami ng beach.
Flashback
Hinahabol ako ni Athan, para kaming mga bata dito na nagtatampisaw sa dagat.
"Wait till I get you!" Pagbabanta niya. Humarap ako sa kaniya habang tumatakbo, tumatakbo ako ng nakatalikod, I sticked my tongue out at tumakbo na ulit."Habulin mo ako!" Pang-aasar ko. Sa 'di inaasahang pangyayari, natalisod ako ng isang shell lang. Yes, ISANG SHELL NA MALIIT! Nararamdaman ko na unti-unti akong nahuhulog, slow-mo kumbaga.
Nakatingin ako sa kalangitan habang hinihintay kong bumagsak ako sa puting buhangin. Nakita ko si Athan at ang kaniyang nag-aalalang mukha na papalapit sa'kin at bigla akong bumagsak sa kaniyang bisig.
He has this worried look in his face na nakatingin sa'kin at natatawa ako ngayon sa mukha niya. Hindi ko napigilan ang tawa ko at napahagikgik na ako.
"Hindi ka dapat tumatawa sa ganitong lagay mo" nag-aalala pa rin niyang sabi. I pinched his cheeks, at may nahalata akong dimples sa pisngi niya.
Ngayon ko lang nalaman 'tong dimples niya! Pinindot-pindot ko ang dimples niya at medyo natawa siya. Tinulungan niya muna akong tumayo at bigla niya akong niyakap mula sa likod ko.
"Akala mo nakalimutan ko na? Hindi ka na makakatakas!" Hinigpitan niya pa ang yakap niya para hindi ako makawala atsaka kiniliti niya ako.
Present
Hinatid din niya ako nang gabing iyon. That gave me butterflies in my stomach right now just by thinking about that. It also makes my heart flutter.
This is just so wrong pero kung itatago ko naman, hindi naman niya malalaman 'di ba? Anong hindi niya malalaman? Ang alin ba?
"Hey anong iniisip mo?" Speaking of the devil este kay Athan.
"N-nothing" pick yourself together.
"Pupunta ka mamaya?" He asked.
"Anong mamaya?" Walang kamuwang-muwang kong tanong sa kaniya."Don't you know? 'Yung Halloween party!" Pagpapaalala niya.
"Oh, akala ko kung ano. Yes, I'm going" I said get ahold of yourself pero yung tanong lang na iyon hindi mo pa alam?
"Parang wala ka sa sarili mo ngayon?" Napansin niya ba?"H-hindi naman. Excited lang ako dahil mamaya na yun. Tumango-tango siya, I'm glad he bought it.
"Tuturuan mo pa rin ba ako bukas? Sa mga susunod na araw?" I asked out of curiosity. "Napatanong ka bigla?" Balik niyang tanong. Umiling ako and I just say Nothing. Masyado na ba akong nagiging halata?"Anong costume mo mamaya?" Tanong niya ulit. "Secret!" I sticked my tongue out again na parang bata.
"Aabangan kita mamaya" pagbabanta niya at hinampas ko siya sa braso niya.
"Bakit?" Tapos kiniliti naman niya ako. Suddenly, may pumasok bigla sa room at napatingin kami kung sino man iyon. Nagliliyab ang mata ni Colin na nakatingin sa'ming dalawa."Lori, why are you with him?" Tanong niya. Totoo ba ito? Kinakausap na ba niya ako? Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at tinignan siya ng punong-puno ng pagtataka.
"M-masama ba?" I asked him.
"Ano na lang ang sasabihin sa'yo ng iba? He's a teacher, Lori! Get back to your senses! Alam kong hindi ka taong sinasabi nila" galit niyang sabi. "Bakit ano ba ang sinasabi nila?" Sa totoo lang, I'm disappointed sa sinabi niya.
"They said you're a--""Enough!" Pagpigil ni Athan sa sasabihin niya. "We all know na hindi totoo ang mga iyon and yet ganiyan ang itinatatak mo sa utak ni Lori? What kind of friend are you?" Pagtatanggol sa'kin ni Athan.
"Kung alam mo pala na hindi ganong tao si Lori, bakit hindi mo siya pinagtanggol? Bakit hinayaan mo lang silang pagsalitaan ng masasakit si Lori?" Sumbat ni Athan sa kaniya. Colin clenched his fist and stormed out the classroom.
"Anong nangyari dun?" Tanong ko kay Athan. "Nevermind him, he'll do no good to you" inis na sabi ni Athan. Mukhang na bad mood si Athan dahil sa kaniya, it's still bothering me.
Nag-focus na lang ako sa mga klase ko at para na rin mamaya. Hindi pumasok si Colin ng Math time kaya bigay na bigay ni Cindy ang katawan niya kay Athan pero umiiwas naman siya sa kaniya.
After the class, I rushed towards the shop dahil kailangan ko pa rin na magtrabaho kahit na mayroong party mamaya. I finished up exactly on time at nagmadali akong umuwi sa bahay.
When I got home, naghihintay si Emi sa pinto at naglalaro naman ang mga kuting. They're growing up so fast and I'm so proud of myself because of that.
Inihanda ko na ang mga susuotin ko at naligo na. Two hours before the party kaya mas maigi na ang maghanda na ako kaysa rush. I immediately change into my costume at naglagay ng iba pang accessories.
Saktong-sakto ang kwintas na kulay pula dahil parang mukha na rin itong kwintas ni Scarlet Witch. I curled my hair a little and did my makeup, it turned out just like what I wanted!
Nakarinig ako ng kaluskos kaya unti-unti akong lumapit sa narinig kong may kumaluskos. Sinilip ko kung ano o sino ang nangahas manloob sa bahay ko at nakakita ako ng isang malaking tao at bigla itong naglaho. Nakakita ako ng papel na nakapatong sa lamesa at binasa ko ito.
You look beautiful tonight, mon chéri.
Is this the vampire who saved me at ang kinauutangan ko? Biglang lumapit si Emi sa'kin at naglambing.
"I'm sorry wala na akong time makipaglaro sa'yo Emi. Babawi ako" he replied, para talagang tao itong si Emi.
"Take care of your babies okay?" Of course, I can't let them starve kaya siyempre nag-iwan ako ng pagkain. Kinuha ko na ang boots ko na sinuot ko nung nag-date kami ni Athan last Sunday.
Date? What am I thinking?
Ano nga pala ang sasakyan ko papuntang academy? Naku, lagot na! Lumabas ako ng bahay dahil iniisip ko na bike lang ang masasakyan ko pero may nakaparada nang sasakyan sa harap ng bahay ko.
May lumabas na lalaki dito na parang bampira, napaatras ako dahil hindi ko kilala kung sino ito. Should I run? Nakakapa ako ng stick at kinuha ko ito para ipalo kung sino man ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Aray! Aray! Ako 'to!" Pagsangga niya sa mga palo ko sa kaniya.
"Sir Athan?" I came back to my senses when I heard his voice.
"Yes it's me! Look at my hair, it's me!" He proved it sa pamamagitan ng buhok niya."You creep! Akala ko kung sino na! Malay ko ba kung.. Kung kidnapper? Kung vampire na gustong saktan ako?" He hugged me to calm me down.
"Relax it's just me. Walang makakapanakit sa'yo kapag nandirito ako sa tabi mo" I calmed after he said that.
I think I heard that line before.
"Wait, naniniwala ka na?" Tanong ko sa kaniya. "Sa alin?" Napakunot ang noo niya.
"Vampires?" Pag-aalinlangan kong tanong. He chuckled and let go of me.
"I am a vampire" pag-amin niya at napanganga naman ako."Y-you are?" Gulat kong tanong sa kaniya.
"Yes! Look at me, Rawr!" Isip bata talaga ito. "Akala ko naman totoo na. Your fangs look so real" hinawakan ko ito at iniwas naman niya."B-baka matanggal" ang sabi niya and I giggled. "Tara na kaya?" Pagyaya ko sa kaniya.
"Alright" pumasok na kami sa kotse niya at pumunta na kaming academy.End of part 1
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...