Chapter 31 - The War Begins Part 2

934 34 0
                                    

Drancia - ito ang underworld kung saan ang mga bampira at iba pang halimaw ay nakatira. Sa ngayon, nakabalik na ang magkapatid sa kanilang tahanan sa Drancia.

Château Du Crinamorté - ito ang kastilyo ng pamilyang Crinamorté kung saan dati nakatira ang prinsesa ng underworld na si Eclipse. Sinasabi ng iba na patay na ang Hari ng Drancia ngunit wala pang sapat na katibayan dito.

Aedaisti de Le Voux- ang tawag sa clan, pamilya o grupo ng bampira na iisa ang layunin. Ang clan na kabilang ang pamilyang Le Voux at sila rin ang namumuno dito

Narating na ng magkapatid ang Drancia at sinalubong agad sila ni Ebony. "Are you alright, brother? Alalang-alala sa'yo si mama" nag-aalalang tanong nito sa kuya niya.

"Si kuya lang ba ang iatatanong mo kung ayos lang siya?" Nagtatampo naman na tanong ni Alaric. "Shut up kuya. By the way, where's ate Eclipse?" Nagtinginan ang si Athan at Alaric at sinenyasan ni Athan na si Alaric na ang magpaliwanag sa kapatid nila.

Nalungkot din ang dalaga sa balita at pinaupo muna sila. Dinalhan sila ng maiinom na tsaa habang naghihintay.

"Athan, my son, are you alright?" Nag-aalala pang tanong ni Diamanda, ang reyna ng Aedaisti clan. "Yes mom, ayos lang ako. I need to save Lori" 'yan pa rin ang nasa isip ni Athan.

"We will save her, we will save her. Magpahinga ka muna anak, alam kong mahirap tanggapin lahat nang ito sa isang araw lang" payo ng kaniyang ina.

"Mom, tell me how can I calm down kung alam kong maaaring manganib ang buhay niya?" Tila bang nababaliw na sabi ni Athan.

"Shh we'll think of something okay? Wala naman siguro silang gagawin sa kaniya dahil kailangan nila ang kapangyarihan niya. Don't worry my child" niyakap nito ang panganay niya. Napaiyak na rin si Athan sa piling ng kaniyang Ina dahil sa halo-halong mga emosyon.

Naawa si Diamanda sa kaniyang anak. Alam niya kasi na sobra na ang naranasan ng kaniyang panganay mula pa noong bata sila. He lost his lover and she can't even remember him.

Kinaya niya ito kahit masakit at hindi nagreklamo, hinintay niya nang matagal na panahon tapos ngayon ay aagawin sa kaniya.

He even trained at a very young age. Wala nang mas sasakit pa para sa isang ina na makita niya ang kaniyang anak na nadudurog ang puso.

Samantala

"Tapos na ba 'yan?" Ang tanong ng isang lalaki sa kasama niyang babae. "Manahimik ka jan, kung hindi, hindi matatapos ito" naiiritang sabi ng babae.

Nakalapat ngayon ang palad ng babae sa isa pang babaeng walang malay. Tila ba ay may ginagawang mahika ito sa katawan nito.

"Don't forget the plan. She's mine and he will be yours. You will not hurt what's mine and same as to yours" pagbabanta ng lalaki sa kaniya.

"How many times do you need to tell me that? I get it it, alright! Patapos na ako kaya manahimik ka nga" pagtataray nitosa kaniya.

"Vere enim memoriis celare plus odio odio habebis inimicum tuum. Anima switch" pagsasabi ng babae at natapos na rin ang kaniyang ginagawa. "Tapos na!" Atsaka binato niya ang lalaki na nakaupo habang umiinom ng wine.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon