Chapter 37 - Void

803 26 0
                                    

Athan's Point of View

Two days have already passed by and Lori's still not awake. Naaawa ako sa kaniya dahil hindi naman niya deserve ang lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon.

Tinignan ko ang mala-anghel niyang mukhang, ang mahahaba niyang pilikmata, ang matangos niyang ilong at ang labi niya.

She's still sound asleep. Sobrang tahimik dito ngayon at ang tanging maririnig mo na lang ay ang cardiac monitor na patuloy na gumagawa ng ingay.

Kahit natutulog si Lori ay napakaganda pa rin niya. Ang tanging sumusuporta na lang at nagsisilbing pagkain niya ay iyong mga tinuturok sa kaniya ng mga doktor.

My love, please wake up soon. Hindi ko na kayang nakikita kang nakahimlay sa hospital bed at may mga karayom na nakatusok sa katawan mo. Hinawakan ko ang malambot at medyo nanlalamig niyang kamay atsaka hinalikan ito.

"Mon amour, gumising ka na. Patawad kung hindi dahil sa'kin ay hindi mangyayari sa'yo ito. I should've told you what I really am" bulong ko habang nakadampi pa rin ang kaniyang mga kamay sa aking labi.

Nakaramdam ako bigla ng gutom dahil kasabay ng pagkakaratay niya dito ay ganon din ang araw na hindi pa ako nakakakain ng maayos.

"Wait for me here I'll come back for you. Since the day na nahimlay ka dito, hindi pa ako nakakakain ng maayos, cupcake. Alam ko na kung gising ka ngayon, hindi mo papabayaang magutom ako at tiyak na mapapagalitan mo ako mahal ko" sambit ko sa hangin na tila ba ay kausap ko siya.

Pinainom na rin ako ni mama ng dugo para hindi ako magwala ulit gaya ng ginawa kong kamalian. Sa ngayon, ang kailangan ko ay pagkain ng tao.

Tatayo na sana ako nang biglang gumalaw ang daliri ni Lori. "Lori? Gising ka na?" Napaupo ulit ako at hinawakang muli ang kamay niya.

"Please wake up cupcake. I miss you so much" pagmamakaawa ko sa kaniya. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha at minulat niya ng dahan-dahan ang kaniyang mga mata.

"A-athan?" Nauutal niyang pagtawag sa pangalan ko. "Gising ka na nga sa wakas!" Napayakap ako sa kaniya dahil sa sobrang tuwa.

"What are you doing here? Rather, where am I?" Tanong niya sa'kin ngunit hindi ko muna siya sinagot bagkus tinawag ko muna ang doktor sa teleponong nasa loob mismo ng kwarto.

"Doc, gising na po ang pasyente!" Ang sabi ko sa telepono atsaka binaba. "I can't believe you really are awake!" Niyakap ko ulit siya ng mahigpit na para bang wala nang bukas.

"Athan, h-hhindi ako makahinga" binitawan ko siya habang nakangiti sa kaniya. "I'm sorry cupcake. I was just so excited and happy dahil gising ka na" aakto rin sana siyang uupo ngunit hindi ko pinayagan dahil hindi pa sinasabi ng doktor kung pwede na siyang magsikilos.

I want what's the best for her. Pumasok bigla ang doktor at nurse upang tignan ang lagay ni Lori. The doctor asked her kung may nararamdaman pa ba siyang iba pero wala naman na raw.

"You can eat na Ms. Sandoval but bibigyan ka namin ng pagkain mo na makakabuti para sa'yo. You can't eat salty foods right now" payo ng doktor sa kaniya atsaka tumango siya.

"Kayo po ba ang nagbabantay sa pasyente?" Tanong naman sa'kin ng doktor. "Oho may ibibilin ho ba kayo?" Tanong ko naman din sa kaniya.

"Painumin niyo po siya ng gamot na ito upang mabilis na lumakas ang resistensiya niya" tumango-tango naman ako at ibinigay niya sa'kin ang mga gamot na iinomin ni Lori.

"Narinig mo naman ang doktor 'di ba? You need to eat" pagpapaalala ko sa kaniya atsaka umupo. "Yes I know narinig ko hindi na ako bata" sunod-sunod na sabi niya na nagtataray pa. What am I gonna do with you my love kung ganyan ka.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon