Chapter 33 - Two Souls, Two Soulmates

924 31 0
                                    

Ris' Point of View

"Tayo" utos sa'kin ng lalaking nasa harap ko. "Ha?" Nagtataka kong tanong. Hinila niya ako ng dahan-dahan patayo. "B-bakit?" Ang tanong ko sa kaniya pero hindi niya ito sinagot.

"S-sino ka?" Dagdag na tanong ko pero hindi niya sinagot ito, instead hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap niya ako ng mahigpit. Nabigla ako sa ginawa niya at hindi nakagalaw.

"Hindi mo na rin ba ako naaalala?" Tanong niya sa'kin na para bang nalulungkot. "Hindi ko alam" ang sagot ko dahil hindi ko naman talaga alam.

"Eclipse... Ako 'to, si Colin. Ang cauliflower mo" hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya o mawiwirduhan. Natawa na lang ako pero hindi ko pinahalata sa kaniya na tumatawa ako.

"Ba't ka tumatawa?" "Ba't mo alam?" Agad ko din na tanong pagkatapos niyang nagtanong. "Ang bilis mo din maka pick up" "ang corny mo" tapos humalakhak ulit ako.

I feel funny with him at nawala 'yung sakit na nararamdaman ko kanina sa puso ko. He makes me laugh and I don't know if it's just me o 'yung boses na bumubulong sa'kin.

"Ayan... Mas maganda ka kung nakangiti ka, pero mas maganda kung mukha mo ay mukha pa rin ni Lori" bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin. "Lori? What do you mean?" Tanong ko sa kaniya.

"Nothing. Ang mahalaga ay ikaw 'yan Eclipse at ako na ang lalaking mamahalin mo" ang sagot niya sa'kin at natawa ulit ako sa sinabi niya. "Lalaking mamahalin ko?" Humalakhak ulit ako.

"Ano ba 'yang mga joke mo ang corny. By the way, anong ibig sabihin mo na ako si Eclipse?" Curious kong tanong sa kaniya. "Because YOU ARE Eclipse" I don't know I can feel something like grudge and happiness inside me pero nag-uumapaw ang happiness kaysa sa grudge. Anong meaning nito?

"I love you, Eclipse" bigla-bigla niyang sinabi at natawa ulit ako. "Ang bilis naman niyan! Hindi pa nga kita kilala ng masyado. To be honest, parang kapatid naman ang turing ko sa'yo" I feel safe by his side at the same time uneasiness.

"Hanggang ngayon ba naman, kapatid pa rin ang turing mo sa'kin?" Nakayuko niyang tanong. "What d'ya mean?" Tanong ko ulit. Nalilito na talaga ako sa mga pangyayari ngayon. Wala kasi talaga akong maalala kahit ano sa mga nakaraang pinaggagagawa ko. "Nothing" ang tanging naisagot lang niya sa'kin.

"Kung hindi mo ako kilala, magpapakilala ulit ako sa'yo" pagkatapos ay ngumiti siya sa'kin. "Sino ka?" Tanong ko ulit sa kaniya at napangiti naman siya.

"I'm Colin Luop Ulrick, baby" sabay kindat niya. Hinampas ko ang braso niya dahil sa pakindat effect na ginawa niya. "You can call me Coli or Luo" dagdag niya pa.

"Wait, Luo? Where have I seen that name?" Tanong ko sa sarili ko atsaka kinuha ang piraso ng papel kung nasaan ang schedule ko. LUO.

"You're Luo?!" Nabigla kong tanong sa kaniya. "Yes I am. Why?" Balik niyang tanong sa'kin. "Ayon sa schedule ko, may meeting daw tayong dalawa" tapos tinignan ko ulit 'yung papel at tumingin pabalik sa kaniya.

"Ahh... That's not a meeting" ang sabi naman niya. "Kung hindi meeting, ano naman?" Nagtataka ko ulit na tanong sa kaniya. "It's a date, baby. Come on!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako kaya wala akong nagawa kundi napatakbo na rin dahil tumatakbo siya.

"Teka lang! Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kaniya. "Sa lugar kung saan tayo pwedeng mag-date" sagot niya tapos huminto kami sa harap ng isang itim na kotse.

"That doesn't answer my question! Malay ko ba kung mapagkakatiwalaan kita? Paano kung kidnapper ka pala?" Tanong ko ulit sa kaniya. "Trust me babe, give me a chance. Hindi na rin bata kung kidnapping! Kaya nga tinawag na KIDnapping dahil hindi ADULTnapping" pagjo-joke niya sa'kin.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon