Lori's Point of View
Pagdating ko agad sa condo ni Athan, nakatulog agad ako. He let me use his bed, sabi niya kasi sa couch na lang daw siya matutulog.
Actually, he just insisted na dito muna ako matulog since hindi pa daw tapos na maayos ang ang mga gamit ko sa kabilang condo room.
Yes, you read it right. Pinaghanda niya ako ng sarili kong room kung saang condominium siya nakatira, ang dami ko nang utang na loob sa kaniya.
Let's see, let me try to sneak up past him para makapunta sa kabila. This is harder than I thought kasi everytime na may maririnig siyang kakaluskos parang nagigising siya that's why I have to be very careful.
I tiptoed all the way to the door and it's a success. Ang natitirang obstacle na lang sa obstacle course na ito ay ang pinto ng kay Athan at sa room ko.
I don't have to worry in going back in here kasi binigay ni Athan 'yung password ng condo niya sa'kin para kung sakali daw ay pwede akong bumalik kung may kailangan daw ako. And... Done!
At last, nakalabas na ako. Ano nga pala ulit ang room number ko? Oh I think I remebered it. Sa left side pagkalabas mo agad ng room niya makikita mo agad ang room ko.
I entered the password at... Bumukas! Pumasok na ako sa loob ng room ko and it left my jaw hanging. Why? Sobrang ayos na ng room ko. Lahat nakalagay na sa dapat nitong kinalalagyan. Mas maayos pa sa pagkakaayos ko sa bahay namin.
But, I miss my house na kung saan ako lumaki. Happy memories and sad memories were all left behind there. Lahat din ng picture namin, maayos nang nakasabit sa pader.
Kapag tinitignan ko talaga ang mga litrato na ito, naaalala ko lahat, bumabalik ang lahat. Mayroon din ibang gamit na napalitan tulad ng couch, telebisyon, cooking utensils, at iba pa. Do I really deserve all this? I deeply sighed habang nakaupo sa couch.
"Myeow!" Emi? Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko ang tatlo na naghihintay sa'kin. Napatayo ako bigla at niyakap ang tatlo kong pusa.
"How I missed you guys so much!" The three of them snuggled into my arms. "Kumain na kayo?" Tinignan ko 'yung feeding station nila na binili ko at nakahinga naman ako ng maluwag dahil 'di sila pinabayaan ni Athan.
"Stay right there okay? Maghahanda lang ako" agad akong kumuha ng uniform at naligo. Sad to say, I need to leave them for school. I kissed them goodbye at lumabas ng room ko. Gising na kaya si Athan? Papasok ba siya?
As I was about to open his room, bigla itong nagbukas at ako naman 'tong si tanga na diretsong papasok na hindi namamalayan na nandoon din pala si Athan.
It all went so fast at nang maglapat ang labi naming dalawa, biglang bumagal ang takbo ng mundo na parang kami lang dalawa ang taong nakatira dito.
My heart's beating so fast at gulat na gulat talaga ako sa pangyayari. His lips... His lips were just so, so, so soft. It's like a honey is added to his lips that made it taste sweet.
Hindi ko napigilang mapapikit sa kalagitnaan ng halik na hindi sinasadya. Hinatak niya ako papasok sa loob ng room niya at sinarado ang pinto.
Naramdaman ko ang lamig ng pinto niya nang isandal niya ako dito habang nakalapat pa rin ang labi namin sa isa't-isa. He cupped my cheeks while kissing me slowly but with full of love, I can feel it between our kisses.
"I Love You Eclipse" he said sa kalagitnaan ng paghahalikan namin. Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya at natulak ko siya palayo sa'kin. Parehas kaming nabigla sa mga pangyayari kahit parang na-hypnotize niya ako sa halik niya.
BINABASA MO ANG
His Property
RomantikHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...