Chapter 31 - The War Begins Part 1

972 32 0
                                    

Lori's Point of View

I ran so fast to get away from that place hanggang makarating sa isang lugar na maraming puno.

Bakit hindi niya sinabi sa'kin? I hate him SO much! Bakit hindi niya sinabing bampira siya? Is it because he also want to drink my blood? Oh my god, I'm so harsh to him.

Hindi ko sinasadya ang nasabi ko sa kaniya, my emotions took over me. Isang linggo! Isang linggo siyang hindi nagparamdam sa'kin tapos makikita ko na lang siya sa loob pa mismo ng academy kung nasaan ako na umiinom siya ng dugo!

Athan naman, you're making me crazy! Naiinis ako sa'yo, ano pa ba ang tinagatago mo sa'kin? Napaupo ako sa sobrang pagod at kakaiyak, nalilito ako ng sobra.

I should've let him explain, Lori anong ginawa mo? I can forgive him if I want to pero tumakbo lang ako palayo sa kaniya and said those harsh words.

I'm sorry Athan if I hurt you, I'm really sorry. I just can't take the fact na kahit ikaw may tinatago pala na sikreto sa'kin. I can't imagine na mawawala rin siya sa'kin because I love him!

Alright, it's settled. I'm going back and let him explain dahil mahal ko siya. Mapapatawad rin niya kaya ako? 

I don't care kung ubusin man niya ang dugo ko basta wala akong pakialam dahil mahal ko siya and I'm going back!

Babalik na sana ako pero bigla na lang parang tumigil ang mundo at susunod na nakita ko ay ang madilim na kalangitang punong-puno ng nagniningning na mga bituin at ang maliwanag na buwan.

Naramdaman kong tumama ang likod ko sa matigas na bagay na sa tingin ko ay puno. Ang sakit! Nanghihina ako at hindi ako makagalaw sa sakit na nararamdaman ko. Napaubo ako ng dugo at nagiging blurry na ang vision ko.

"Somebody... H-help" pagmamakaawa ko habang namimilipit sa sakit. Biglang sumagi ang tanong sa isipan ko ulit si Savior. Is he also Athan?

"A-athan... Savior... H-help me" napaubo ulit ako ng dugo. Is this the end? Am I gonna die here alone? Paulit-ulit kong sinambit ang pangalan ni Athan at nawalan na ako ng malay.

Meanwhile

Athan's Point of View

I have regained some of my strength after drinking some human's blood pero wala pa ring kwenta ang lahat dahil galit ngayon sa'kin si Lori. How fool of me!

Hindi sana mangyayari 'to kung hindi ako kinulong ng isang buong linggo! They're plotting something and I know lahat ng ginagawa nila ngayon ay upang paglayuin kami ni Lori.

"What're gonna do now my stupid big brother?" Pang-aasar pa ni Al. "I don't know" naiinis ko namang tugon.

"How stupid are you, bro? I thought we agreed about this before? Ang sabi ko, ako na ang bahala kay Lori habang wala ka pa sa katinuan at pumayag din si dad and mom doon. At paano ka nakatakas sa barrier na ginawa ni mama?" 'Di makapaniwala niyang tanong sa'kin at parang may halo pa itong pang-aasar.

"I know! Alright? Hindi ko rin alaam kung paano ako nakaalis! I underestimated the enemy at ngayon wala na ang pinakamamahal ko! Ayaw na niya sa'kin!" Naiiyak kong sabi.

"Jeez brother, you're crying out loud para ka nang bakla. Hindi mo ba alam sobrang nag-aalala sa'yo si Lori? Buti na nga lang lagi akong nasa tabi niya" nakangisi nitong pang-aasar.

"Kung hindi lang kita kapatid Al, papatayin kita" naiinis kong sagot sa kaniya. "Relax, hindi ko siya aagawin sa'yo. Pwera na lang kung mas gusto niya sa'kin" dagdag pa nito. I glared daggers at him at ngumisi naman siya.

"Ano nga ba kasi ang nangyari sa'yo at nawala ka ng isang linggo?" Tanong ulit niya. "It's the enemy's doing" tipid kong sagot sa kaniya at kinuwento ang nangyari.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon