Ris' Point of View
A week has already passed at nagkaroon ako ng mga panaginip na pare-parehas lang. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Who am I? Is it really me, Eirles, or am I somebody else? I'm really confused.
I was walking down the hallway ng academy at sobrang tahimik dito dahil wala pang halos katao-tao. Napakatahimik at ang lamig dito dahil medyo maaga pa lang din. May narinig akong kaluskos sa likod ko kaya napalingon ako bigla.
"Meow" ang sabi ng isang puting pusa at naghikab ito. Lumapit ito sa'kin at kinuskos ang katawan sa paa ko. This cat looks so familiar. Everybody looks so familiar.
"Are you hungry Emi?" Emi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko. Saan nanggaling ang pangalang Emi? Bakit ko binanggit ang pangalang iyon? Bigla na lang ba itong pumasok sa isipan ko o talagang kilala ko ang isang pusang ito?
"I'll call you Emi, do you like that name?"
Napaupo ako sa sahig nang biglang may isang pangyayaring pinasulyap sa'kin ng aking isipan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Emi. Emi. Emi.
Sumasakit ulit ang ulo ko dahil sa pag-iisip at paulit-ulit kong pagbanggit ng pangalang ito. Tumakbo ang pusa papalayo sa'kin at pumunta sa isang silid.
"Sandali lang!" Tumayo ako bigla kahit sumasakit pa ang ulo ko at sinundan ang pusa. Hinihintay ako nito sa harapan ng isang malaking pinto at tila ba hinihintay ako nito.
"Why did you run off so suddenly?" Hingal na hingal kong tanong sa isang pusa. Nabigla ako sa tunog ng pagbukas ng pintong malaki.
Nagbukas itong mag-isa at tumakbo ulit ang pusa papasok dito. Dahan-dahan din akong pumasok dito at namangha sa nakita ko. Puno ng mga ginintuang gamit ang nandito.
May mga imahe rin na nakasabit sa mga pader. Pati ang frames ng mga paintings, pintuan, at iba pa ay ginto. Nakita ko ulit ang pusang kulay puti at tila ba pinapahiwatig niya na sundan ko siya.
Hindi ako natatakot sa lugar na pinasukan ko bagkus parang ang gaan-gaan ng awra nang pumasok ako dito. Pumasok naman ang pusa sa isang kwarto.
Hinayaan ko munang mauna siya at tinignan pa ng maigi ang mga nandito silid na ito at pagkatapos ay sumunod ako sa kwarto kung saan tumakbo ang pusa. Parang kanina lang nakabukas pa ito bakit ngayon nakasarado na?
Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahang pinihit ito. Luckily, nakabukas naman pala. Nang makapasok ako ng tuluyan, biglang sumarado ang pinto na mag-isa.
Ano nga ba ang lugar na ito? May mahika ba ang lugar na ito? Ang dilim dito kaya hinanap ko kung may switch ng ilaw. Nabigla na lang ako nang biglang bumukas mag-isa ang mga ilaw kaya napatingin ako sa itaas.
"What a beautiful chandelier" bulong ko sa sarili ko. "Thank you for complimenting that chandelier. Ang kapatid ko mismo ang nagdisenyo jan" napatingin ako sa lalaking nagsalita at nanlaki ang aking mga mata. "Athan?" Gulat kong tanong nang makita ko siya.
"You remember me, mon amour?" Instead na ako ang magulat, tila ba siya ang nagulat dahil binanggit ko ang pangalan niya.
"I'm so glad you remembered me. I'm sorry sa mga ginawa ko sa'yo mahal ko" lumapit siya sa'kin at aaktong yayakapin ako ngunit umatras ako at nakahagilap ng isang matalim na bagay. Isa itong matalim na maliit na kutsilyo at tinutok ko sa kaniya ito kaya napatigil siya.
"Woah, easy, easy. Sorry kung nabigla kita. I was just so excited" umatras naman siya sa ginawa ko at binaba ko din agad ang patalim. "I don't know you pero alam ko lang ang pangalan mo. Hindi ko rin kilala kung sino nga ba talaga ako" pagpapaliwanag ko sa kaniya at bigla naman siyang nalungkot.
"I know you" sambit niya. "I know you since birth. I've loved you since birth" pagpupumilit niya. "I'm... I'm sorry wala talaga akong maalala" bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko at bumabalik ang mga halo-halong emosyon na nadama ko noong nakita ko siya.
"I will help you regain your memories and your body. All you have to do is to trust me" inalok niya akong umupo sa isang sofa. "What do you mean my body?" Nalilito kong tanong sa kaniya.
"It's... It's hard to explain. Pero alam kong hindi iyan ang totoo mong katawan. You are Lori, hindi magkakamali ang puso ko pagdating sa minamahal ko" umupo na din siya sa isa pang upuan.
"Do you mean, ako 'yung babaeng kausap mo noong isang araw? Naguguluhan ako" pagsasabi ko sa kaniya. "Mayroon ka bang kakaibang nararamdaman sa katawan mo? May mga emosyon na hindi mo dapat nararamdaman ngayon?" Tanong niya sa'kin.
"Kapag malapit ka, may mga halo-halong emosyon akong nararamdaman. At nananaginip ako ng paulit-ulit na sinasabi ng dalawang babae na may dapat daw akong hanapin" sagot ko sa tanong niya.
"Naaalala mo ba kung sino ang dalawang babae na tinutukoy mo? Ano ang binilin nila sa'yo?" Is this a n interview? "Should I trust you on this?" Nag-aalala din ako dahil baka maling tao ang pagkakatiwalaan ko.
I have a feeling that I shouldn't trust anybody right now except for myself. He took a deep breath at hinarap niya ako. I can see it in his eyes, he's sincere. Should I really trust him kahit ganito ang nararamdaman ko tuwing malapit siya?
"Look, ano ba ang dahilan ko para lokohin ang taong mahal ko? I know mahirap magtiwala sa mga taong nakapaligid sa'yo dahil nalilito ka kung sino ka talaga ngayon. But I promise you, hinding-hindi kita lolokohin. Hindi ko na gagawin ang pagkakamaling ginawa ko sa'yo dahil ayaw kong mapunta ka sa kamay ng kasamaan. Just please, just give me one more chance to make things right and trust me" pagmamakaawa niya sa'kin. He's right and I also want to know who I really am.
"Alright, pero hindi mo muna makukuha ang buong tiwala ko. Kung napatunayan mong karapatdapat kang pagkatiwalaan, I'll give my whole trust on you" sana tama ang desisyong ginawa ng puso ko.
"Thank you so much. I love you so much. Thank you for trusting me again, I won't break your trust" nayakap niya agad ako kaya wala naman akong magawa. Sobrang bilis na talaga ng tibok ng aking puso ngayon pang yakap niya ako.
Napalitan ng isang emosyon ang naghalo-halong emosyon na nadama ko kanina. Napalitan ito ng pagmamahal na alam kong hindi ko dapat ibigay pa sa kaniya dahil hindi niya pa napapatunayan ang sarili niya.
"Paano mo nga ulit nalaman na ako ang babaeng tinutukoy mo?" Tanong ko ulit sa kaniya at binitawan na niya ang pagkakayakap niya sa'kin.
"Sabi ko nga kanina, hindi magkakamali ang puso ko pagdating sa taong mahal nito kaya alam niyang hindi si Lori ang nasa katawan na iyon. Hindi rin niya suot ang kwintas na binigay ko sa kaniya upang protektahan siya" sambit niya at sumandal sa upuan habang nag-iisip.
"Tungkol nga pala sa binanggit ng dalawang babae. Hanapin ko daw ang mga alahas na may kakaibang hugis dahil ito ang magbibigay daan sa'kin tungo sa totoo kong pagkatao" pagku-kwento ko sa kaniya.
"Parang narinig ko na ang tungkol jan. I'll ask father about that. Wala ka bang naaalala kung saan mo maaaring nailagay ang mga alahas noong nasa totoong katawan mo pa ang kaluluwa mo?" He asked at pinag-isipan ko.
"Wala akong maalala. I'll inform you about it kapag may naalala na ako" ang sabi ko atsaka ngumiti sa kaniya. "Thank you very much. Should I call you your true name or should I call you Eirles?" Tumayo siya at inalok ang kamay niya upang tumayo na rin ako.
"Sa ngayon, tawagin mo muna akong Eirles dahil iyon pa lang ang nakasanayan kong tawag sa'kin ng mga tao at para na rin makaiwas tayo sa mga taong naghihinala na gumawa sa'kin nito" suggest ko sa kaniya.
"Alright if that's what my Princess wants" tumayo na rin ako para umalis na. "Just remember, don't tell this to anybody. You can't trust them easily dahil hindi natin alam baka kalaban na pala sila" pagpapaalala niya sa'kin.
"I won't" sambit ko tapos ngumiti sa kaniya. "It's good to see you smile again my love kahit nasa ibang katawan ka, I can feel your presence inside" sus nang-uto pa 'to.
"Hindi na ako magtatagal dahil baka oras na para pumasok at ikaw din magtuturo ka pa hindi ba?" Tumango siya atsaka sinamahan niya akong makalabas sa mahiwagang silid.
End of Chapter 35
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...