Chapter 19 - Date?

1.4K 44 0
                                    

Lori's Point of View

Nothing much happened yesterday except I have to go walk Emi. Athan also texted me yesterday that we'll hang out. Right now, he's talking with me on the phone.

"So where are we going? Paano kung may makakita sa'tin?" I asked him while having my breakfast. Cereals na lang ang kinakain ko dahil tinamad na akong magluto ng breakfast ko.

"Walang makakakita sa'tin dahil medyo malayo dito ang pupuntahan natin" he said. I sip from my glass full of milk kahit na may milk na ang cereals na kinakain ko.

"Where will you take me?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Basta. It's somewhere beautiful" pagkakasabi niya na may halong pagmamayabang.
"If you say so" ang reply ko na lang sa sinabi niya.

"See you in an hour" he said with a chuckle. "Wait, what?" Napatayo ako ng 'di oras sa sinabi niya.
"See ya later" tapos tumawa siya at pinatay na ang tawag. Binabaan ba naman ako? Minsan hindi ko rin maintindihan itong lalaking ito. Teacher ba talaga siya o ano?

Binilisan ko ang pagkain ko at naghanap na ng masusuot ko. Natagpuan ko ang bigay ni mama sa'kin na damit noong ika-20 na kaarawan ko.

It's a simple black veil dress at parang pang victorian style din ito na may halong modern na. I'm really into victorian style dresses dahil sa tingin ko ay napakaganda ng mga style na ganito.
It goes down exactly at my knees.

Wala nang ano pa man, naligo na ako dahil baka biglang dumating si Athan. I matched it with a Martin Boots na umaabot hanggang sa bukung-bukong ko. Bigay ito ng pinaka close ko na pinsan, she is a fashion designer too. She's the one that inspired me para mag-aral ng course ko.

Naglagay ako ng kaunting blush on na parang natural lang which I paired with a nude pink matte lipstick. Naglagay rin ako ng Gutsi black strap wrist watch.

Pinalitan ko din ang hikaw ko ng kulay black na parang rose ang design. Nang maisuot ko na ang hikaw at hawak ko ngayon ang bigay ni Coli na hikaw. I still remeber that day, sa araw ng kaarawan ko where everything's just fine.

Narinig kong may bumusinang sasakyan, ibig sabihin ay nanjan na si Athan. Kinuha ko na ang black wristlet pouch ko para magterno sa suot ko na halos lahat ay kulay itim.

"Emi, iiwan muna kita baby. Bantayan mo ang bahay" I kissed him goodbye at siyempre bago ako umalis ay pinakain ko muna sila at naglagay ng pagkain pa nila para mamaya.

I spoil them too much with foods.

Lumabas na ako at nakita kong nakasandal si Athan sa sasakyan niya. He's wearing a navy blue button down long sleeves shirt and black blue jeans.

Dahil sa hindi nakasarang butones ay makikita mo ang isa pa niyang asset, ang kaniyang attractive collarbone. Nakatali pa rin ng pababa ang mahaba niyang buhok na kulay puti. Tinaas din niya ang sleeves ng shirt niya hanggang sa siko niya and I think that made him look hotter.

"Do you like what you see?" He smirked at me at lumapit. Iniripan ko na lang siya but I must say, he's right.

He looks damn hot.

He smirked again at binigyan niya ako ng puting rosas.
"Let's go?" Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong sumakay sa kotse niya. Pumasok na rin siya at sinimulan na niyang paandarin ang kotse niya.

Nilagay ko sa kandungan ang puting rosas na binigay niya sa'kin. Unti-unting lumalayo ang tingin ko sa bahay namin at napapalitan ito ng mga bahay at iba pang tanawin na mabilis lumalagpas.

"Why did you wear something like that?" He asked pero nakatingin pa rin siya sa daan. Lumingon ako sa kaniya at pinagmasdan ng kaunti ang kaniyang mukha.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon