Chapter 3 - Dreams and a Silhouette

3.4K 94 0
                                    

5:30 pa lang ng umaga nagising na ako. Kadalasan, kapag ganito kaaga ako nagigising ay nahihilo pa ko pero sa lagay ko ngayon, I'm perfectly fine.

Siguro napasarap lang talaga ang tulog ko.

I had a nightmare last night at hindi ko alam kung panaginip lang din yung matangkad na lalaki sa tabi ko.

My thoughts came back to reality when my phone vibrated.

There's an unknown number that flashed on my phone's screen.

I read it and it says

'Hi Lori! Did you sleep well? I hope you do.'

Just who is this?

'Who's this? Where did you get my number?'

Reply ko sa stranger na 'to. And my phone notified again.

'Geez. No need to be nervous, by the way, this is Coli. I'll call you within 5 seconds' ah si Coli pala, akala ko kung sino na.

After five seconds, my favorite ringtone played "Osanpo Kyousoukyoku".

That would be embarassing if people heard it but it's my favorite so.. I picked up the call

" Hello Coli, how on earth did you get my phone number?"

Bungad ko agad sa kaniya.

"Chill ka lang Lori, secret na yun kung paano ko nakuha number mo" he chuckled

"Um may kailangan ka ba? Bakit ka napatawag?"

Ang aga niyang magising ha?

"I just want to hear your voice" medyo malungkot niyang sabi.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"S-sige mamaya na lang sa school. Bye!"

Pinatay ko agad yung tawag dahil pakiramdam ko uminit yung pisngi ko at hindi ako sanay na may tumatawag sa phone ko except sa mga relatives ko and mostly when my parents are alive.

Dahil sobrang aga pa, naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas.

I'm wearing a loose shirt and jogging pants with a pair of sport shoes.

Napadpad ako sa isang park malapit sa bahay namin. Dito ako dinadala nila mama at papa tuwing sabado para mag-picnic kami at kung minsan bumibili si papa ng ice cream.

Noong nawala sila, hindi na ako masyadong nakakapunta dito.

Umupo ako sa isang swing at nagmuni-muni.

Ilang minuto ang nakalipas na tahimik nang may maramdaman akong may matang nakatingin sa'kin.

I looked behind me pero wala akong nakita ni isa dahil ako lang ang tao ang nandito sa park.

Shivers ran down my spine kaya umalis na ako.

Bumalik ako sa bahay para mag handa na papuntang academy.

Nagluto na rin ako ng baon ko dahil ayaw kong bumili sa canteen.

Pagkatapos kong kumain ng almusal, kinuha ko ang mga gagamitin namin like fabrics, threads, and measuring tools, at pagkatapos ay pumunta na ako ng academy.

Tama lang ang pag-dating ko dahil after 20 minutes, Ms. Gomez came and we started.

Time flies so fast and it's already breaktime. Makakasabay ko kaya si Coli?

Bigla kong naalala ang baon kong tinolang manok kaya nahiya akong pumunta ng canteen. Pumunta ako sa garden kung saan kami unang nagkita.

Umupo ako sa ilalim ng puno at binuksan ang baonan ko. How I miss eating tinola.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon