Chapter 26 - Last Day

1.1K 39 0
                                    

Athan's Point of View

Nagising ako sa liwanag na sumisilip sa bintana ng aking tinitirahan. Umupo ako at nagmuni-muni ng kaunti sa kama ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang orasan, maaga pa pala. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at parang may nahigaan akong kung ano sa likod ko.

Lumingon ako kung saan ang pinanggagalingan nito at napansing may taong nakahiga rin sa kama ko. Nakatakip ng kumot ang kaniyang buong katawan bukod sa braso niyang nakalabas na nahigaan ko.

Who is this? She groaned in pain dahil sa pagkakabagsak ko sa braso niya kanina. Wait, a girl? Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot mula sa nilalang na natutulog sa higaan ko at para bang nakakita ako ng isang anghel na maningning sa kalangitan.

"Lori?" Nagtataka kong tanong ngunit hindi pa rin siya nagising. Natatakpan ng ilang hibla ng kaniyang buhok ang mala-anghel niyang mukha. Nilagay ko ang mga ito sa likod ng kaniyang tainga. She's so beautiful kahit natutulog siya.

My eyes conquered her face and to its final destination, her lips. You were once my whole world however, it seems like you're my universe now.

Unti-unting lumapit ang mukha ko sa kaniya at para bang may sariling isipan ang katawan ko na inilalapit at pinagtatagpo ang labi naming dalawa. Our lips are just an inch away pero pinigilan ko ang sarili ko.

I can't take advantage of her while she's sleeping! Ano ba ang nangyari kagabi? I headed for the bathroom and washed my face. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin at nag-isip, inalala ko ang mga nangyari kagabi.

Flashback

Matutulog na sana ako sa sofa pero narinig kong sumisigaw si Lori. Damn, nalaman na ba ng kalaban ang lugar na ito?

Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko kung saan natutulog si Lori at sumisigaw pa rin siya. Nasasaktan ako sa nakikita ko, tuwing nakikita ko siyang natutulog at nananaginip ng masama ay 'di ko maiwasang masaktan.

"ATHAN! HELP! HELP!" pagsisigaw niya sa hangin. I quickly went to get her at ginising siya. Sa wakas, nagising din siya kaso nga lang umiiyak siya.

I comforted her but she still doesn't seem calm. Kumikirot ang puso kong nakikita ito ngayon. Tumahan na siya at kumalma, nakayakap pa rin ako sa kaniya para mas kumalma pa siya. Pinahiga ko siya at kinantahan para makatulog ng makahimbing.

Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako. Wala naman akong magawa dahil kailangan niya ako ngayon that's why I stayed by her side, sang until she finally fell asleep. Mabibigat na rin ang talukap ng mata ko at 'di ko namalayan na nakatulog na ako.

Present

Yeah I remember now. Humarap ulit ako sa salamin and washed my face again para mahimasmasan.

Lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa kusina. Ano naman ang iluluto ko para sa umagahan namin? Hindi ako marunong magluto pero kailangan kong magluto para may makain siya.

Does she eat eggs? Well, who doesn't? It's decided, itlog ang iluluto ko. Simpleng sunny side up at hotdog dahil 'yun lang ang mga tanging pagkain ang kaya kong iluto.

May kanin bang naluto? May kanin pa ba na natira kagabi? I don't know how to cook rice! Kaya nga kailangan ko pa rin sila Ebony para magluto sa umagahan ko tuwing umaga. Wait, what's the use of my phone and internet if I don't use it?

I searched through MeTube on how to cook rice at buti naman may nakita akong matino kung paano magluto. I patiently waited for the rice to cook at pagkaraan ng ilang minuto, naluto rin ito.

***

Lori's Point of View

Umupo ako atsaka nag-inat. Nakaamoy ako ng mabango at malinamnam na pagkain, kahit anong pagkain para sa'kin ay mabango. Nasaan nga pala ako? Hindi ko kwarto ito.

Lumabas ako sa kwarto at nakakita ng banyo. It's not my house however, I feel at home and it kinda look familiar. Naghilamos ako at tinunton kung saan nanggagaling ang amoy ng pagkain.

Dinala ako ng pang-amoy ko sa kusina kung saan may makising na lalaki ang nakatayo dito habang naghihintay sa kanin na kaniyang niluluto.

Oh Athan, why do you have to be so sweet? Ayaw ko nang mahulog pa sa'yo lalo pero ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para mahulog ako sa'yo.

I contained my laughter and quietly sat down sa stool. He's wearing an apron while cooking rice? Tumunog na ang rice cooker na pinaglutuan niya at na-excite naman siya. Tinanggal niya ang takip ng rice cooker atsaka naglagay na ng kanin sa dalawang plato na may laman na hotdog at itlog.

I thought mapapansin na niya ako dahil kinuha niya ang catsup pero hindi niya pa rin ako napansin. Finally, haharap na siya dito sa table at ngayon pa lang niya napansin na nandito ako.

"You're up!" He exclaimed. "Sige hindi ako gising! Nakahiga pa ako! See?" Pamimilosopo ko sa kaniya and that made him smile.

I always want to see that smile, his smile is my favorite. Kumain na kami ng tahimik, 'yung hindi awkward na katahimikan.

"I'm impressed" ang sabi ko nang tapos na akong kumain. "Saan?" Tanong niya tapos kinuha ang plato ko. "Sus, maang-maangan ka pa. Sa luto mo!" Tumawa siya sa side comment ko.

"Thank you na lang. Itlog at hotdog lang naman 'yan, nothing special" sabi niya habang nilalagay sa dishwasher ang mga plato. May dishwasher pala ito? Kung sabagay mayaman siya. "There is" dagdag ko sa compliment ko kanina sa luto niya.

"Ano naman?" Tanong niya sa'kin tapos sumandal sa counter. If only I could say what's the reason. "Nevermind. Anyway, wala pala akong uniform" kamot ulo kong pagpapaalala sa kaniya. "Wait, kukuha ako" pumunta siya sa kwarto niya para kumuha.

"Saan galing 'to?" Tanong ko sa kaniya habang suot ang uniform na kinuha niya. "A-ano kasi, akala namin, sa academy papasok si Ebony kaya nagpahanda na kami ng uniform" sabay kamot niya sa batok niya.

"Oh okay. Buti kasya sa'kin" umikot-ikot pa ako na parang bata. "I'm glad it fits you well" sabay sabi niya.

"T-tara na?" Pag-aalok ko sa kaniya. Umalis na kami sa condo niya para pumuntang academy. I must say it's not that interesting AT nakalimutan pa namin na magbaon. Except, lapit ng lapit sa'kin si Eclipse. Akala niya ba hindi ko pa nakakalimutan 'yung ginawa niya sa'kin?

"Bakit mo ako iniwan sa bar?" Diretsahan ko na tanong sa kaniya. Mukhang ayaw niyang sagutin kasi tumitingin siya sa iba pero tinanong ko ulit siya.

"Why did you leave me behind with a man?" This time, I sternly asked her. "S-sorry, tinawagan ako nila m-mama. Emergency daw kasi" palusot niya.

"C-can you please give me another chance? I promise, 'di ko na uulitin 'yun" pasalamat ka mabait ako at fiancé ka ni Athan. "Sige na nga" madali lang naman akong kausap.

The day passed so smoothly at bumalik na ang shop owner kaya may trabaho na ulit ako. When I got home, hinihintay na ako nila Emi. After few hours, dumating na si Athan para turuan ako. Easy na lang ang pinag-aaralan namin.

"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko" bigla niyang sabi sa'kin. "Why?" Nagtataka kong tanong. "This will be the last day I'll teach you" bigla akong nalungkot sa sinabi niya.

"Then I can't get the time to hang out with you again?" Tanong ko sa kaniya. "Yes, that may be possible" malungkot din niyang sabi. "But, I'll find time to hang out with you again. Kung gusto mo, ngayon na!" Suggest niya.

"Pero may pasok pa bukas?" Nag-aalala ko namang tanong sa kaniya. "You have done a good job in Math, Lori. And who says teachers cannot ditch their class?" Sabay kaming tumawa sa sinabi niya.

"Then how about your work? Won't you get fired?" I asked him. "No, I have connections" he smirked at nagtawanan ulit kaming dalawa. We decided to watch movies and he stayed the night with my house. It's like having sleepovers at each other's home. I enjoyed his company.

End of Chapter 26

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon