Lori's Point of View
My hallucinations are getting worse! There are times na nakikita kong maraming nakapaligid sa akin na mga taong nakasuot ng kulay black at parang may sinasabing spell na Latin ang wika.
Tapos kay Athan, halos ulit-ulit kong nakikita na nakangiti siya ng creepy sa'kin at gusto niya akong patayin kaya napapalayo ako ng kaunti kay Athan.
At ngayon naman habang nagkaklase ay may nakikita akong aso na tatlo ang ulo. Kumbaga parang isa itong Cerberus. Kung anu-ano na ang nakikita ko, kailangan ko na atang magpakonsulta sa psychologist.
It's just standing there, hindi gumagalaw, nakatingin sa'kin, fierce na mga aso. Hindi ko na lang muna pinansin ang mga nakikita ko, kailangan kong mag-focus sa pag-aaral ko for Pete's sake! Last na lang ito!
Magpapa-picture na nga kami mamaya na nakasuot sa amin ang toga. Excited na ako but at the same time kinakabahan na ako. Excited dahil makakapagtapos rin ako sa pag-aaral, kinakabahan ako dahil sa mga maaaring mangyari.
The bell rang and the students including me stood up. Kinuha ko ang mga gamit ko atsaka agad na naglakad papuntang pinto. The big dog still stand there.
What am I seeing? I shook my head baka sakaling mawala na ang mga illusions na nakikita ko. It's still in here! Nagmadali akong lumabas ng pinto at tumakbo sa maraming tao.
What the hell, it is following me! Stop Lori, it's just a part of your hallucinations. Tumakbo na ako palabas ng facility para lang makalayo sa kung ano man ang nakikita ko ngayon at hinahabol ako.
Lumingon ako at parang mas nasisiyahan ang asong may tatlong ulo sa ginagawa ko kaya mas binilisan ko ang takbo ko.
Dahil sa hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, may nakabanggaan ako kaya napaupo ako sa sahig.
"Aw... Ang sakit ng pwet ko" pagrereklamo ko. Malakas ang impact nung pwet ko sa sahig, tumalbog ako sa nabangga ko!
"I'm sorry hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko" inalok niya ang kamay niya and it turns out ang nabangga ko pala ay si Athan! "Athan!" Agad akong tumayo at niyakap siya, takot na takot, at para bang wala nang ibang tao sa paligid.
"Bitaw na, baka kung ano pa ang isipin ng iba" bulong niya sa'kin. May mga tao nga na nakatingin sa amin and mostly girls na masama ang tingin sa'kin.
"A-ano sir Athan! Akala ko 'yung kaibigan ko hehe sorry" sinabi ko ng medyo malakas.
Nabawasan naman ang mga matang nakatingin sa'min pero may iba pa rin na nakatingin. Inggit kayo dahil niyakap ko 'yung hot na math teacher? Sorry not sorry, he's mine already.
"What are you thinking?" Nakakunot noong tanong sa'kin ni Athan. "Oh, I'm sorry" I smiled at him with such gleam. "School Counselor!" utos niya sa'kin.
"What?" Pagrereklamo ko sa utos niya. Wala naman akong nagawa dahil baka kung ano pa 'yung isipin ng iba kung hindi ako sumunod sa kaniya. Is he really going to take me to the counselor? Just because of that? I can't believe this guy!
"Pwede ka nang huminto" napaangat ang ulo ko sa sinabi niya. "Huh?" Nalilito kong sabi. "Did you really think I'm going to take you there? That's just an excuse para madala kita dito" natatawa-tawa niya pang sabi.
"Whatever Athan. By the way, wala na ba 'yung sumusunod sa'kin?" Lumingon ako sa kapaligiran ngunit wala akong nakitang asong may tatlong ulo. "What do you mean?" Nagtataka niyang tanong.
"May asong napakalaki tapos may tatlong ulo ang humahabol sa'kin. Well, I guess it was just my imagina- TIO-O-OWN!" Nanlaki ang mata ko nang bigla nasa likod ni Athan ito.
"S-s-sa likod m-mo" nakapikit kong sabi kay Athan. Hindi siya sumagot at tumahimik ang kapaligiran.
"Athan?" Pagkamulat ko ng mata ko ay nakita kong hinahaplos ni Athan 'yung asong may tatlong ulo.
"Nakikita mo rin sila? Nahahawakan pa!" Humarap sa'kin si Athan atsaka ngumiti ng malawak. "Chill ka lang. This is a Cerberus, three headed dog. They might look like they're going to chew you but they're gentle" dinilaan ng isa 'yung pisngi ni Athan at parang ordinaryong aso nga lang sila.
"I think they like you kaya ka nila sinusundan" ang sabi niya sa'kin at lumapit siya sa'kin. "See?" Kung hindi lang tatlo ang ulo nila, talaga ngang aso lang sila na gustong makipaglaro sa kanilang amo. Hinawakan ko ang ulo ng isa at napakalambot ng kaniyang balahibo.
"P-paano naman hindi sila nakikita ng iba at tayo lang ang nakakakita?" Nagtataka kong tanong. "Well, that's how they protect themselves from others. Nagpapakita sila sa gusto nilang tao o 'di kaya ay talagang nakikita sila ng bampira" so they like me? "Tara" pagyayaya niya sa'kin.
"Saan?" Hindi siya sumagot, hinila na lang niya ako at sumunod naman ang aso or should I say mga aso? "Do they have individual names?" Nag-isip pa siya bago niya sinagot ang tanong ko.
"As far as I can remember, they were named Knox, Beau, and Rider" interesting, they have such beautiful names. "They do have an owner, don't they?" Who named them and took care of them?
"Yes they have and that was not very long time ago" in the end sa rooftop din kami nag-stay. "Who is it?" Nabigla ako nang nag-shrink sila na kasing laki lang ng normal na aso at humiga sa tabi ko.
"It was Eclipse" napangiwi ako sa sagot niya. "As you may already know, ang isang Cerberus ay may buntot na ahas, nakakatakot na mga mukha, at may matatalim na pangil. They are different from that type of Cerberus. Maamo sila, may buntot ng normal na aso, at dalawang matalim lang na pangil I mean tigdadalawang pangil sa isang ulo" pagpapaliwanag niya sa'kin.
"Are they bred off somewhere? A true Cerberus and some kind of normal dog?" How are they like this? "Iyan rin ang naisip ni Eclipse! Parehas na parehas talaga kayo!"
"Napadpad kami ni Eclipse sa kagubatan dati habang naglalaro. Nakarinig kami ng mga ungol ng aso. Naisipan namin na tignan kung ano iyon at nakita namin sila. They were covered in blood at nanghihina sila. I think they escaped" pagkukwento niya.
I can't believe this is all happening. I thought they were all just myths pero kita mo naman, vampires and even a Cerberus exists!
"Kahit sa murang edad si Eclipse, inalagaan niya sila at hindi pinabayaan. They also like you just like they like Eclipse" I can feel it too. Hinimas-himas ko ang ulo ng bawat isa sa kanila.
"Kaya Lori, pwede mo ba silang alagaan? Ngayon ko lang ulit sila nakitang ganyan kasaya" nagulat ako sa sinabi niya.
"Please" he looked at me like a puppy does. Nagising din sila at sinamahan si Athan na pakiusapan ako.
"Alright, alright. Sino bang makakatanggi sa tatlong ito? Pero paano 'yung mga pusa ko?" Nag-aalala ako baka mag-away sila. Cats can see something that humans can't with their naked eyes kaya sigurado akong makikita nila sila.
"Don't worry, they got along not long ago" he winked at me. "How?" Namamangha ko naman na tinanong sa kaniya.
"Secret! Kiss muna!" Demanding Athan? "Ayaw ko nga!" Pagmamatigas ko. "Sige na! Bibilhan kita ng pagkain" tinuro niya ang pisngi niya para halikan ko.
"Sasabihin mo din kung paano?" Tumango-tango siya. Lumingon ako sa kawalan para kunwari nag-iisip. "Sige na nga!" Hahalikan ko na sana siya sa pisngi pero hinarap niya ako kaya sa labi ko siya nahalikan.
"Athan!" Hinampas ko siya sa braso. "Halika na, tayo diyan!" Hinila niya ako patayo. "Sasabihin mo na?" Hinampas ko ulit siya. "Secret!" Tapos nilabas niya ang dila niya.
"Ang daya mo talaga!" Hinila na niya ako kahit nagrereklamo ako. Sumunod naman ang bagong pet ko. Know, Beau, and Rider. I will take care of them like Eclipse does.
End of Chapter 41
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...