Lori's Point of View
Late na akong nagising dahil napasarap ang tulog ko, that's why tumatakbo na ako papuntang room. Hindi ako pwedeng mag-absent ngayon dahil absent na ako kahapon.
I'm running down the corridors of the academy nang biglang may bumangga sa'kin."Ouch" hinaplos haplos ko yung pwet ko dahil malakas ang pagkakaupo ko sa sahig.
"I'm sorry miss" ang sabi ng taong nakabangga sa'kin.
Titignan ko na sana ng masama pero nakita ko isang lalaking may mahabang puting buhok na parang kay Athan and what's more, he's gorgeous. Mas gorgeous pa siya sa'kin.
What's with the long hair nowadays?
"Can I help you?"
Inalok niya ang kamay niya at tinanggap ko naman ito. Tinulungan niya akong tumayo at kuhanin ang mga nahulog kong gamit.
"Sorry din, nagmamadali din kasi ako and thank you na rin" Iniabot niya sa'kin ang mga gamit ko and he smiled.
"Walang anuman"
My gosh! Even his smile is gorgeous.
"Ako nga pala si Al--" biglang tumunog ang bell na hudyat na ako'y huli na sa klase.
"I'm sorry pero kailangan ko nang umalis" I awkwardly grinned at him at tumakbo na.
Bakit palagi na lang akong nakakatagpo ng mga magagandang nilalang? At bakit rin palaging pinuputol ng bell ang mga sasabihin nila.
Ms. Gomez was about to go inside pero pinauna na niya ako. Dati si Coli lang ang nami-miss ko pero ngayon, pati na si Athan. I still miss my bonding with Coli pero I don't think mababalik pa iyon.
"Let's talk about the upcoming Halloween party"
I totally forgot about the party. Pwede raw naming isuot ang kahit anong gustuhin namin.
"The event will be held on October 30, and will start from 5:30 in the evening to 3 in the morning. October 30th is Wednesday so on Thursday, we know you'll be exhausted kaya naman wala nang pasok ng Thursday and Friday"
We all agreed with Ma'am. May dinagdag pa siyang mga gagawin namin para sa grades namin.
"Oh and by the way, about sa gown or dress na gagawin niyo, I'll grade it kung gaano ito katibay, and of course kaganda. I'm looking forward to that day. Class dismissed" she said and then she left.
7 more days to go bago ang Halloween party. Pumunta agad ako sa rooftop kung saan kami lagi kumakain ni Athan.
Nang marating ko ang rooftop, wala pa dito si Athan kaya umupo na lang ako at nilagay ko ang isang lunch box sa tabi and that's for him.
Habang kumakain ako, naglalaro ako ng phone ko. Natapos ko na ang kinakain ko pero hindi pa rin dumadating si Athan.
Niligpit ko na ang pinagkainan ko at bumaba na para pumunta sa classroom.
Where is he?
Pumunta na ako sa room niya pero wala rin siya dito. I messaged him and asked where is he pero wala pa siyang reply.
Hinihintay ko ang reply niya, bawat segundo tinitignan ko ang cellphone ko kung nag reply na ba siya pero hindi pa rin.
Hanggang sa nainip ako at nag-isip ng mga bagay-bagay. What was that guy's name from before? Al? His name is Al, masyadong maigsi naman ang pangalan niya.
Isa rin ba siyang estudyante sa academy? He's not wearing our uniform tho. Siguro may binisita lang.
Naalala ko yung pangyayari kagabi, oo nga pala, first time akong kuhanan ng dugo at isa pang bampira.
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...