Lori's Point of View
Nakaupo ako ngayon sa kama ko at wala pa akong balak na gumalaw. Emi meowed at me and that means gutom na siya. Napilitan akong tumayo para pakainin ang pusa ko.
Naghilamos muna ako para magising na ako tapos nilagyan ko na ng cat food at gatas yung pinagkakainan ni Emi.
"Kain ka lang jan Emi" hinaplos haplos ko yung likod niya and he purred while eating happily. Habang kumakain pa siya, sinamantala ko nang naligo.
Paglabas ko ng banyo, bigla siyang napatingin sa'kin at nag meow. I stared at him in awe. He's just so adorable kaya naman hindi ko na napigilan pa na kuhanan siya ng litrato and then I posted it on my social media.
"Huwag kang pupunta kung saan-saan kung lalabas ka. I will leave some food for you to eat whenever you're hungry so that you won't starve I'll be back by lunch time" He meowed.
"That's a good boy" I put some cat food in his bowl and water para hindi siya madehydrate and then I kissed him goodbye.
Nandito na ako sa room namin and after a minute, dumating na si Ms. Gomez. Parang may pasa siya sa bandang pisngi niya.
"Good morning class!"
Tumayo naman kaming lahat para batiin pabalik si Ma'am. Pagkaupo ay nagbulungan ang mga kaklase ko.
"Are you wondering why I have bruise on my cheek?"
Everybody answered yes including me. Bakit nga ba?
"Don't worry guys, nahulog lang ako sa hagdan, how fool of me. Anyway, did you start your sketch sa gagawin niyong gowns and tuxedos?" Iniba ni ma'am ang topic.
I started to sketch my own gown nung nasa detention room ako when I'm with sir Athan.
Why do I think about him everytime?
Kailangan ko na lang niyan is more fabric. I'm going to start to save money again para sa mga fabrics, ang mahal pa man din ng ibang fabrics lalo na kung high quality.
"You can start making your own gown. From now, wala muna tayong masyadong gagawin except for activities na gagawin natin. We'll start designing our school for the upcoming events like the Halloween party. Sa Halloween party natin, kailangan ay naka maskara and yes there will be dancing, costume contest and other festivities. We'll start decorating at the auditorium and then the walls of the corridors, rooms, and lastly sa garden. Is that clear?"
Pagkatapos itanong ni ma'am yun, tumayo na siya.
"Crystal" ang sagot naman namin.
"Very good. Class dismissed" shortly after she said that, umalis na siya.
'Meet you at the cafeteria ;)' Coli messaged me.
I smiled at his message, with matching wink pa. I went to the canteen or cafeteria whatever we want to call this place. I saw him sitting at one of the stools, he spotted me and waved at me.
Tumakbo naman ako papunta sa kaniya at umupo sa isa pang stool sa tabi niya.
"How have you been, Princess?" Tapos inakbayan niya ako.
Feeling ko pulang pula na yung mukha ko dito dahil sa ginawa niya, hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. I don't know what's on my mind lately. Kapag kasama ko siya lagi akong ganito.
"I-I'm f-fine" I answered him stuttering.
Mukhang nakaramdam naman siya kaya tinanggal niya yung braso niya sa balikat ko. At last, nakahinga na ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...