Lori's Point of View
It's Friday again today, parang kahapon lang 'yung Monday. Nakatulog ako ng maaga kagabi kaya maaga rin akong nagising.
'Yung iniwan kong mga sinulat kong tanong sa isang papel ay mayroon nang mga sagot.
Nasusunog ba ang vampires sa araw?
At ang nakalagay na sagot dito ay 'No, vampires can roam freely kahit matamaan pa sila ng direct sunlight'. Wow, I didn't expect na sasagutin niya ang mga tanong ko.
Nasusunog ba ang balat ng vampires pag nadikitan ng silver?
And he answered 'No, bagkus ay isa pa ito sa pinakaginagamit naming mga alahas'.
Do vampires shape shift?
At ang sagot naman ay 'Yes, we can shape shift and take any forms we want'. What if bampira pala ang pusa ko? Silly me, that's not gonna happen.
Maaari bang makapanakit ang mga bampira? If yes, how?
At ang sagot naman niya ay simpleng 'yes' lang. Bakit hindi niya sinagot ang tanong ko na how? And last but not the least, what will I call you? Ngunit ang sagot lang niya ay 'just call me your savior'.
Savior? Nah.
I have no time to think about silly things right now. Kailangan ko nang maghanda para pumasok. Wala pang reply si Athan, bahala siya.
Sumimangot ako nang maisip ko nanaman ang lalaking iyon. Saan kaya napadpad 'yun bakit hindi pa nagrereply?
"Bantayan mo ang bahay Emi. I love you furbaby" I kissed Emi's forehead at panggigigilan ko pa sana siya pero kailangan ko nang umalis.
I was about to ride my bike pero may bumusinang kotse. Nang tignan ko kung sino ito, si Athan pala. Hmph. Bahala siya jan hindi ko siya papansinin.
Binaling ko ang atensiyon ko sa bike ko at sumakay dito, kunwari ay hindi ko siya nakita at wala akong narinig. Nilampasan ko lang siya at pinadyakan ang pedal ko para makaalis na.
Akala ko ay hindi siya susunod pero huminto ako para tignan ang nasa likod ko, sumusunod pala siya. Ugh ano bang gusto niya? Tuluyan kong hininto ang pagpadyak ko sa pedal ng bike ko at hinintay ang kotse niyang tumapat sa bike ko.
Palapit siya ng palapit at sa wakas ay huminto ito sa harapan ng bike ko. Binaba niya ang bintana ng kotse niya at bumungad ang nakakaasar niyang nakangiting mukha. Inirapan ko siya at parang nagtaka ang mukha niya.
"Notice me Lori!" Pagpapapansin niya pero iniba ko ang tingin ko. Instead na nakatingin ako sa kaniya, nakatingin ako ngayon sa daan.
Bumaba siya sa itim niyang kotse at lumapit sa'kin. Kung anong paglapit niya sa'kin ay lumalayo naman ako sa kaniya hanggang sa hawakan niya na ako sa kamay para pigilan ako sa paglayo sa kaniya. "Lori, wait!" Pumipiglas ako sa pagkakahawak niya para makalayo. "Humarap ka sa'kin!" Utos niya pero patuloy pa rin ang pagkalas ko sa pagkakahawak niya. Hanggang sa siya na mismo ang nagharap sa'kin, hinawakan niya ang balikat ko at hinarap niya ako sa kaniya. Sinimangutan ko muna siya bago ko hinarap ang mukha ko sa kaniya.
"Are you mad?" He asked but I didn't answered him. What do you think Athan? I've been messaging you yesterday, tinatanong ko kung nasaan ka pero wala kang sagot. If I could just blurt my thoughts out but I can't.
"I have to go, may klase pa ako" tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko pero binalik niya ulit ito. Bakit ba ang kulit mo?
"It's not being makulit but I'm asking you, are you mad?" He asked again. How does he know? Can he read my mind?
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...