Lori's Point of View
"Lori?" Kalabit sa'kin ni Coli. "Yes?" Lumingon ako sa kaniya. Kanina pa niya ako kinukulit. "Can I love you?" Abay biglaang tanong naman ata 'yan.
"W-Why?" Nautal kong tanong sa kaniya. "Do I still need to explain why?" Ngiti niya. Suko na ako sa kakulitan ng lalaking 'to. "W-wag na siguro" yumuko ako at tinuloy ang pagsusulat. Nagsusulat si Athan sa board ngayon at siyempre ayaw ko nang bumagsak ulit, I take notes.
"Look at me!" Pangungulit ni Coli. Lumingon ako sa kaniya and he nearly kissed me sa lips, buti nakailag ako. I glared daggers at him kasi kanina pa siya nangungulit pati na rin nung nagdi-discuss si Athan.
"One more time Mr. Ulrick and you're going to the guidance office" pagbabanta sa kaniya ni Athan. Napatingin sila Cindy sa'min pati na rin si Eclipse na para bang iritang-irita.
Kanina noong nagpakilala si Eclipse, parang wala lang kay Athan. Siguro dahil na rin para magmukhang professional siya. I'm so proud of him. Ngiting tagumpay naman si Coli dahil nagtagumpay siya sa pang-aasar kay Athan.
"Okay, so who can answer this mathematical equation?" Nagtaas ako ng kamay pati si Eclipse. She called for Eclipse para sumagot siya sa harap.
So, nandirito na ang fiancé mo, hindi mo na ako papansinin? Nagsimangot ako dahil lang sa hindi niya ako tinawag. Nagseselos talaga ako kahit hindi naman tama ang magselos dahil sila ang itinakdang maging magkasama.
Naiirita na ako dito, gusto ko nang umuwi. Bumalik na si Eclipse sa upuan niya at tinignan naman ni Athan kung tama ba ang sagot niya.
"Okay naman pero may kulang. Who can help miss um Crinamorté na sumagot sa board?" Tinaas ko agad ang kamay ko at tinawag na niya ako this time. Para akong ewan na nakangisi habang nasa harap. I can feel somebody na sinasaksak niya ang likod ko pero hindi literal na saksak.
"Tapos na sir" inabot ko kay Athan ang chalk at bumalik na ako sa upuan ko. I feel so proud sa sagot ko dahil tinuro na ni Athan sa'kin 'to.
"Very good" some of our classmates clapped pwera lang kay Cindy. "Good Job!" Sinenyasan ako ni Coli. "Thank you!" Bulong ko pabalik sa kaniya.
I'm so proud of myself naman ngayon, minsan lang ako maging ganito. Natapos din ang discussion ni Athan and it's science time na.
"Hi Lori!" Napalingon ako sa nagsalita. "Hello Eclipse" bati ko pabalik sa kaniya. Nanliliit na tuloy ako sa sarili ko. "Pwede mo bang ituro kung saan ang room natin sa science?" She asked. "Pwede naman!" Lumapit siya sa'kin at ginabayan ko siya papunta sa room namin.
"Mukhang nagiging close kayo?" Tanong ni Coli. "Shut up Luo" reply ni Eclipse sa kaniya. Luo? Akala ko ba cauliflower din ang tawag niya kay Coli? Siguro nag-iba na.
"Why so serious?" He taunt her na ginaya niya ang line ni Joker. "Just please, nag-uusap pa kami ni Lori. Right, Lori?" Tumingin siya sa'kin na proud na proud.
"Ah eh o-oo" ano 'to? Na amnesia lang nag-iba na ugali? Still, mas mabuti nang pakitaan ko siya ng magandang asal so that I won't get on her bad side. "Tara!" Naglakad na ulit kami tungo sa room and at last, narating din namin.
***
Ang bilis lang ng oras, medyo naiirita na rin ako dahil palaging lumalapit si Eclipse sa'kin. Lapitin ako ng mga makukulit na tao.
I have a bad feeling, parang may nararamdaman akong kakaiba kapag kasama ko si Eclipse. Nagseselos lang ba ako sa kaniya o iba pang dahilan? I just shrugged it off at sasakay na sana ako sa bike ko para umuwi.
"Sabay tayo!" Saan galing itong babaeng 'to? Biglaang sumusulpot? "May pupuntahan pa kasi ako" nagkamot ako ng batok but she insisted.
Alright, wala pa naman ang shop owner kaya wala pa akong trabaho."Sige na nga. Pero, kailangan kong umuwi bago mag alas singko" pagbigyan ko na, baka kulitin ako hanggang daan. In the end, hindi ko pa rin nagamit ang bike ko papunta sa sinabi niyang pupuntahan namin dahil walang carrier sa likod at hindi ko siya maisakay. Sa wakas, nakarating din kami sa destinasyon namin.
"A bar?" I asked kahit obvious na. "What? Kailangan din natin na magliwaliw kahit minsan!" I have a bad feeling about this. "Pasok ka ng malaman mo" hinila niya ako papuntang loob.
"Naka uniform pa rin ako! Paano kung hindi tayo papasukin?" Palusot ko sa kaniya. "Girl, 'wag masyadong nag! Besides, hindi naman na 17 below!" She has a point somehow pero ayaw ko pa rin pumasok. Hinila na niya ako sa loob kahit ayaw ko.
It smells alcohol and cigarette that makes me want to puke. I also see people grinding at each other, ang laswa! Mayroon pa lang ganito sa katanghalian?
"Eclipse! I want to go home!" Sigaw ko sa kaniya dahil sobrang lakas ng sound system. "What?" Mukhang hindi niya ata narinig. Pinaupo niya ako sa isang stool at gayon din siya.
"Two shots of vodka please!" Order niya sa bartender. "Comin' right up!" At nagsimula nang kumilos ang bartender. "Wait Eclipse, I don't drink" ang sabi ko sa kaniya.
"You don't drink?" She looks so surprised. "Except lang nung uminom ako ng butterbeer?" Sagot ko na parang tanong. "Come on girl, butterbeer lang nalasing ka na?" Pang-aasar niya. Pigilan niyo ako! Masasapak ko 'to.
"Then it's decided. You should drink" pagpipilit niya. "Sige isa lang" pumayag na lang ako dahil wala na akong choice. Hindi niya ako lulubayan kung hindi ako papayag. Binigay na ang shots sa'min at iniangat na niya ang shot niya.
"Come on! Drink it just like this!" Ininom niya ng diretso yung vodka. Nag-aalinlangan pa akong uminom pero kinuha ko na rin at ininom ko ng diretso. I flinched sa lasa ng alcohol.
"See? Hindi naman mahirap 'di ba?" Tanong niya pa atsaka nag-order ulit. "Wait 'di ba sabi mo isang shot lang?" Tanong ko sa kaniya. She sticked her tongue out at me at pinagpatuloy niya ang pag-order. I really have a bad feeling about this.
Binigay na ng bartender ng dalawang baso ng alcohol. "Drink up!" Utos niya atsaka uminom. Ininom ko na lang ito para makauwi na ako. I'm starting to feel dizzy, the alcohol's kicking.
"Eclipse I really need to get home" she's not listening, nag-order pa siya ng alcohol. Ngayong araw pa lang kita nakilala pero bakit feeling mo close na tayo? Eclipse, iba ka sa sinabi ni Athan.
He said that you're soft and kind, nakalimutan mo na rin ba ang dati mong ugali? My vision's blurry at nakayuko ako sa table habang tinitignan si Eclipse na may kausap sa phone. After that, hindi ko na alam ang nangyari.
End of Chapter 23
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...