Lori's Point of View
Wala naman akong naging problema sa bago kong mga alaga. Tama nga si Athan, magkasundo ang mga pusa ko at mga aso ko.
Pinakita rin sa akin ni Athan ang picture nila dati noong napulot ni Eclipse ang tatlo at sobrang cute nila!
Malapit na ang graduation namin kaya ay nagiging busy ang mga teachers sa pag-organize nito. Madalang na lang kaming magkita ulit ni Athan sa loob ng academy.
Nagkikita naman kami sa pag-uwi, in fact sabay kaming umuuwi, pero busy pa rin siya. Pumupunta ako sa unit niya at minsan naaabutan ko siyang natutulog na kaya sinisiksik ko na lang siya sa higaan niya.
I am planning to surprise him since it might be the last time I'll get to be with him. This is the last chance I have. I'll ask him!
"Are you free tonight?" I asked him habang inaayos ang damit niya. "No, why?" Medyo naiirita niyang sagot. He's stressed out. "Nothing, don't overdo it okay?" Sa totoo lang nalulungkot na rin ako dahil minsan nagiging cold na rin siya sa'kin pero alam ko na hindi pa rin nagbago ang pagmamahal niya sa'kin.
"I miss you" hindi ko namalayan na nasabi ko sa harap niya ang mga katagang iyon. Lumambot naman mukha niyang nababalot ng mga linyang hindi nararapat sa mukha niya. He kissed me on my forehead at niyakap ako.
"I'm sorry cupcake. Sorry dahil minsan hindi ko sinasadyang nagiging cold sa'yo. I love you" he cupped my face at hinalikan ulit ako sa noo. "I understand. Just don't overdo it" this time ako naman ang humalik sa pisngi niya.
"Oh no what time is it already?" Tumingin ako sa orasan at malapit na nga. "Let's go" pagyaya ko sa kaniya at tumango naman siya.
Kahit gaano pa katagal akong maghihintay para makauwi siya mamaya basta't masurpresa ko lang siya.
Kaming mga estudyante ay wala na halos ginagawa. I chose to help teachers kung ano man ang pwede kung maitulong sa kanila.
"Ms. Sandoval?" Lumingon ako at nakita ko si Ms. Gomez. "Yes ma'am? How may I help you?" Tumakbo ako palapit sa kaniya.
"Can you help Sir Le Voux in designing the auditorium?" Natuwa naman ako sa utos niya. "Yes ma'am!" Aalis na sana ako at pupunta sa stage kaso pinigilan niya ako.
"Bakit po?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. "Be careful every time. There are rumors that girls are being kidnapped and killed these days. Also, be careful of who you trust. They might be the reason of your downfall" pagbabanta niya sa'kin tapos umalis na.
Bigla naman akong nanamlay sa sinabi niya. Welp, at least makakasama ko si Athan. "Hello sir Athan!" Mukhang nagulat pa siya sa presensya ko. "B-bakit ka nandito?" Naguguluhan niyang tanong.
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...