Lori's Point of View
"Goodmorning sleepyhead" tapos pinisil ko ang ilong ni Athan. Humiga ako sa tabi niya at siniksik siya.
"Gising na, nagluto na ako ng makakain" panggigising ko sa kaniya. "Hmm?" Minulat niya saglit ang mga mata niya at humarap sa'kin pero pinikit niya ulit ito.
"Ang hirap mo talagang gisingin" tatayo sana ako ngunit pinigilan niya ako. "Stay" utos niya sa'kin kaya wala akong nagawa. "Why?" I asked and then I snuggled into his arms. Hindi siya umimik, bagkus pinalupot niya ang braso niya sa likod ko.
It's so warm, ang sarap sa feeling na kasama mo 'yung taong mahal mo.
"I love you, Athan" nahihiya kong sinabi sa kaniya. Tumingala ako para makita ang mukha niya pero nakatingin na rin pala siya sa'kin.
"Ang cute mo cupcake" pinisil niya ang pisngi ko. "Cupcake? Wala ka man lang reply sa sinabi ko" simangot ko sa kaniya. "Yep. We'll call each other cupcake. What was it again?" Tanong niya. Kung sabagay cute naman, kinikilig ako.
"Ang alin?" Tanong ko pabalik sa kaniya. "Ano 'yung sinabi mo kanina? 'Di ko narinig" tanong niya habang nakatingin sa'kin.
"A-ano" utal-utal kong sabi. "Nahihiya ka? Magtatampo ako sa'yo sige ka" pagbabanta niya sa'kin. Kahit kailan talaga itong lalaking 'to.
"I-I love you, A-Athan" sinabi ko ulit na nauutal. "Ano? Hindi ko narinig and what's the magic word?" Pang-aasar niya. Kinurot ko muna siya sa tagiliran bago sabihin ulit.
"I said I love you, c-cupcake" ang sabi ko atsaka binaon ang mukha ko sa dibdib niya. "Very good" ang sagot lang niya kaya kinurot ko ulit tagiliran niya.
"Ouch! That hurts cupcake!" Mas lalo ko siyang kinurot dahil dun. "Alam ko na, ayaw mo pang sabihin kung anong gusto mo 'yun lang naman pala" ang sabi niya. "Ano 'yun?" Napaangat ulo ko sa kyuryosidad. He stole a kiss at ngumiti.
"I love you too, cupcake. More than anyone" hinaplos-haplos niya ang buhok ko at hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niya.
OH. MY. GOD!! Athan bakit ka ba ganiyan? 'Yung puso ko!
"Let's sleep for a little longer, okay?" Tumango na lang ako at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Niyakap niya ako at nagsimula siyang kumanta ng Lullaby.
My goodness, ang swerte ko kay Athan. He's just so sweet, charming, and handsome and... Lahat na, na sa kaniya. Both of us dozed off to sleep after all wala namang pasok ngayon.
Flashback (Before Athan's Birthday)
I messaged mimi that I will not go to work today kasi kailangan kong pumunta sa birthday ni Athan and thank goodness pinayagan niya ako.
Now, ano na ang gagawin ko? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula! Kaya hindi ako bibili ng birthday gift niya, kasi ipambibili ko ng damit ko. I should go fix myself but before that I need to find a suitable dress.
Oh wait, no! I have an idea! Instead of buying expensive dresses, naisip ko nga pala binilhan ako ng bestfriend ko dati sa college kung saan ako nagsimula as a parting gift.
I miss her so much, hindi na kami nakakapag-usap. Kumusta na kaya siya? Kasama din ba 'yun sa mga nalipat na gamit ko o naiwan sa bahay 'yun? Para makasiguro, pumunta muna ako sa bahay kung saan ako lumaki. I'll miss this place.
Nang buksan ko ito, parang wala lang nagbago except sa mga bagay na nilipat sa condo ko. Nakakapagtaka na wala pa ring kumukuha o ibang tumitira dito sa bahay.
Pumasok ako sa kwarto ko at nakitang maayos pa rin ito. Mayroon pa akong maraming nakalimutan dito! Akala siguro ni Athan 'yun lang 'yung mga gamit na pagmamay-ari ko.
BINABASA MO ANG
His Property
RomanceHer parents are greatly in debt with him. Namatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident, so she worked and studied hard, day and night, para lang mag-survive. Sa kaniyang last school year, he came back para kuhanin siya. Hindi siya pumayag...