Chapter 8

153 3 0
                                    

Mamaya pa'y sinalansan niya sa kabilang dulo ng duyan ang dalawang throw pillows at nahiga habang ipinagpatuloy ang pagbubuklat ng magazine. Nagsimula na siyang maghikab.

Ang pagod niyang katawan at isip ay hinila siyang pumikit. Nang bumagsak sa sahig ng duyan ang magazine ay hindi na niya iyon na malayan pa

Hindi niya matiyak kung ano ang nagpagising sa kanya. It must be the soft howling of the wind: o ang ingay ng pagaspas ng mga dahon na hinihipan ng hangin Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Napahugot siya ng hininga nang mamulatan niya si James na nakaupo sa kabilang bahagi ng duyan.

Napabangon siyang bigla. Her eyes wide as she sterd at him. G-gaano ka na katagal nariyan? He shrugged "Fifteen...twenty minutes.

Nilinga niya ang paligid. Hindi na niya matanaw ang araw kahit sa may bandang dagat. W-what time is it?

Alas-kuwatro."
"I' slept that long! Hindi siya makapaniwalang halos anim na oras siyang nakatulog. At ni hindi niya namalayan nakatulog siyang talaga.

Isang anino ng ngiti ang nasa sulok ng mga labi nito at napahugot ng hininga si Kathryn.

Mula kaninang matagpuan siya nito sa dagat ay masungit na ito.

You were tired. At masarap matulog dito sa duyan. Malamig dahil masarap ang hangin. And you missed lunch. Gusto sana kita gisingin pero hinayaan na kitang makapagpahinga." At nang manatili siyang nakatitig dito ay dinugtungan nito ang sinabi.

Nilagyan mo ba ng ointment ang mga gasgas mo sa mukha?"he said sofly.

Napakurap siya. Kauna-unahang mababang tono na pinakawalan nito sa kanya. But she blinked her tears back. Silly of her. S -salamat.

Tumayo mula sa duyan kahoy si James at bahagyang umuga ang duyan. Ipahahanda ko ang late lunch mo kay Sabel. No...no. There's no need. Marami akong nakain kaninang umaga. What I need is...a cell phone Yes! Maari ba akong humiram ng cell phone?"

Natigil sa paghakbang si James. Ah yes. Nabanggit Manang Ana na hindi ka nakatawag dahil sira ang linya.

Sanhi iyon ng malakas na ulan at hangin kagabi." Dinukot nito sa pantalong maong ang cell phone at iniabot sa kanya. Are you sure about lunch?

Hindi agad nakasagot si Kathryn. Maraming gwapo artistang lalaki siyang hinahangaan. But she was never mesmerized, at walang makakalapit man lang sa lalaking ito. Narrow hips nice butt and muscled thighs and legs.

The man was a walking danger.
Umangat ang mga kilay ni James sa pagkatulala niya "He."

She binked Y-yes thank you." Inabot niya cell phone mula rito. Si James ay tuluyan nang pumasok sa kabahayan.Kathryn groaned silently. She was nuts.

Then she dialed their landline. Nakadalawang subok siya ng pag-dial at saka pa lang nag-ring sa kabilang linya Naka-anim na ring bago may sumagot. Si Rhona.

Hello, Rhona."
Ano oras ang dating mo mamaya?" tanong kaagad nito. Rhona listen. Kahapon pa ako nakabalik sa Pilipinas. Narito ako sa...sa Pagudpud---"

Pagudpud?" bulalas nito na pumutol sa sinasabi niya. Ano ginagawa mo riyan? Magkasama ba kayo ni Gregor?

Hindi kami magkasama Gregor, aniya na tumigas ang tinig. Kung sakaling tumawag siya sa iyo ay huwag mong sasabihing nagkausap tayo. Tulad ng sinabi mo'y mamaya pa ako darating. Saka ko na ipaliwanag sa iyo, nanghiram lang ako ng cell phone.

Sunduin mo ako rito. Kayo ni Ate Lea. And please, Rhona, wala kayong pagsasabihan kung saan kayo pupunta. Huwag kayong mag-eroplano. Rent a car..."

H-hindi ko naiitindihan. Bakit namin kailangang magrenta ng sasakyan?

Para hindi ka mapagod sa mahabang pagmamaneho." Upang hindi makilala ni Gregor ang sasakyan kung may mga tao siyang nag-aabang sa iyo. She wanted to tell her but held herself.

The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon