Hindi pa siya naka-recover sa pagkabaril sa kanya ay heto at ni-ransack naman ang bahay namin.
Ang silid nila ni tatay ang maraming nasirang mga gamit. Siya man ay hindi rin agad makatulog. Maraming oras sa buong magdamag ang inukol niya sa pag- iisip tungkol kay Lea at sa ginawa nito.
Mahirap pa ring tanggapin ng isip niya na ito ang naging dahilan ng pagkamatay ng tatay niya at ng iba pa.
Kailangan mo ng pahinga, anito.
Isa pa'y mag-aalas-diyes pa lang naman.Sinulyapan nito ang panlalaking relo sa may arko ng dingding patungo sa dining room.
He wascrouching and seemed to be curious about the fish. Naisip ko tuloy na magpagawa rin ng fishpond sa loob ng bahay ko sa Pagudpud...."
Nilingon ni Kath ang kasambahay at nagpagawa ng kape rito at saka lumakad patungo kay James. Hindi mo kailangan, James.
Napakalaking at napakalawak mg fishpond mo roon. Ang karagatan mismo.
At sari-sari ang mga isda iba't ibang kulay. Mula sa pagkakatalungko ay tumayo si James.
Hinagod siya ng tingin. A mixture of desire and warmth crossed his eyes.
Hindi maraming babae ang magandang tingnan kapag bagong gising.
You are one of those who look warm and beautiful in the morning upon waking up.
Umangat ang kilay niya. At marami kang babaeng nakikitang bagong gising?
He laughed. Nanghuhuli, Miss Bernardo? An embarrassed smile came out of her lips. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pasalubong kay Maring at kinuha ang tasa ng kape mula rito.
Ibinaba ni James ang wala nang laman tasa nito sa coffee table at pagkatapos ay inilagay ang forefinger sa ilalim ng baba niya at tinaas iyon.
He eyes scanned her whole face. You still have that wortied look... Umiwas siya ng tingin.
Hindi mo maiaalis sa akin. Hindi pa nahuhuli si Gregor. At kagabi, isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kahit hatinggabi na ay kung anu-ano ang naririnig ko sa labas ng bahay. Para bang may nagnanais pumasok.....
Napahinga siya ng malalim. Kung hindi nga lamang dahil sa mga bakal na ikinabit kahapon ay baka natakot ako.
Biglang naging alerto ang anyo ni James. Suddenly his expression changed. He looked dark and letral.
Si James man ay may narinig kagabi sa labas. Maghahatinggabi may naramdaman siya. Nais niyang magpalit ng anyo subalit kinakabahan siyang baka tulad niya, ay nagising din si Kath at posibleng malabasan siya sa anyong lobo.
Hindi na iyon pag kakataon lamang kapag nakita siya nitong anyong lobo. Wala na sila sa Norte.
Hindi niya gustong alamin kung ano ang narinig niyang nagsisikap na makapasok.
May naaamoy siyang hindi niya mawari. Hindi niya kayang bigyan ng pangalan.
Natitiyak niyang tao ang nasa labas subalit----napailing siya.
Nagpatuloy ang ingay na narinig niya. Umiikot iyon sa buong kabahayan. Pero kahapon pagkagaling nila ni Kathtyn ng banko ay lihim niyang sinuri ang mga bakal. Mahusay na klase at matibay ang pagkakakabit.
Bomba lang marahil ang kayang magpatibag niyon. At nakapagtakang si Lea pa talaga ang namili ng mga ganoong uri ng bakal na dapat gamitin.
Naalala niya ang kisame. Iyon ang nagpangyari upang bumangon siya at lumabas ng silid. Bagaman hindi madaling gawing magtuklap ang bubong ay hindi naman imposible.
Binuksan niya ang lahat ng ilaw sa buong kabahayan at naupo sa sulok na bahagi ng sala kung saan hindi siya makikita.
Nais lamang niyang maipahiwatig na kung sino man ang nasa labas ay gising sila at nakahanda.
He had no gun. Pero hindi alam iyon ng kung sino mang nagtatangkang pumasok.
Doon huminto ang ingay. Nagtagal pa siya roon nang mahigit sa kalahating oras bago muli siyang nagbalik sa silid niya nang makita na wala na ang kung sino mang nagnanais makapasok.
Y-you've heard that, too, komento ni Kath sa pananahimik niya. Nagbuntong-hininga siya at saka tumango.
Natitiyak kong kung sino man ang mga umiikot sa bahay mo kagabi ay natitiyak na wala na rito ang mga alahas.
O baka naman sinuri nilang mabuti ang paligid na posibleng hinukay ng tatay mo. So, obviusly the wanted you.
Hindi sila naniniwalang hindi mo alam kung saan itinago ng tatay mo ang mga iyon.
Pero iyon ang totoo! Hindi ko alam marahil naisip ni Tatay na mamatay siya kinabukasan at mapag-uusapan pa namin..."
Ang ano mang isasagot ni James ay napigil sa biglang pagbukas ng silid ni Rhona.
Pupungas-pungas pa ito. Kanina pa raw ako tinatawagan ni Mark bandang alas-nueve.
Hindi ako magising-gising...she said guilty. Actually, it was the phone ringing that woke me," ani James na nilingon ang landline sa may end table sa dulo ng sofa.
Nang labasin ko'y hustong huminto ang ringing. Sa bahay daw ni Lea tayo magtungo at hihintayin niya tayo roon, patuloy ni Rhona.
Did he tell you why? Umiling si Rhona."Maligo lang ako sandali.
Wala pang isang oras ay nasa baranggay na sila kung saan nakatira si Rhona.
Kinabahan si Kathryn nang makita ang dalawang patrol car sa tapat ng inuupahan nitong apartment.
Lalo na nang makitang maraming tao ang naroroon na malamang ay nakiusyuso.
Hindi pa man naipaparada nang husto ni James ang sasakyan nito ay nakababa na siya at nakiraan sa mga tao inuupahan ni Lea sa maraming taon.
Natanaw niya si Mark Magbanua sa pinto ng silid ni Lea at halos takbuhin niya ang patungo roon.
A-ano 'ng nangyari? "tanong niya. "Hindi mo gustong makita ito, Katryn," anito at akma siyang pipigilan.
Subalit tinabig niya ito at pumasok sa silid. Tinakpan niya ang bibig niya bago pa siya mapasigaw nang matuunan niya ang hindi nais ni Magbanua na makita niya.
Si Lea ay pahalang na nakahiga sa kama nito, nakabitin ang mga binti. Walang buhay. Dilat ang mga mata at nasa hindi tamang anggulo ang ulo.
Ang bahagi ng leeg nitong nakahantad ay luray-luray. Ang dibdib nito ay wasak.
Indak na humakbang siya paatras. Napigil lang iyon nang maatrasan niya ang dibdib ni James sa likuran niya kasabay ng pagsigaw ni Rhona.
Hinawakan ito ni Magbanua at iginaya palayo sa silid. Let's get out of here..."bulong ni James sa kanya sa mariing tinig at inakay siya palabas at hinawi ang mga naroroong tao na inaawat ng mga pulis na makapasok sa bahay.
Ipinasok siya nito sa loob ng sasakyan. Hindi panaisasara ni James ang pinto sa bahagi nito ay natanaw na nilang pareho sina Magbanua at Rhona na papalapit.
Binuksan ni Magbanua ang likuran at pinasok ang nasisindak pa ring si Rhona.
Ano ang nangyari? Tanong ni James pagkatapos buksan ang windshied sa bahagi nito.
May nag-report sa presinto kaninang umaga lang. Kagabi raw ay narinig ng marami ang malakas na sigaw ni Lea.
Pero hindi na raw naulit iyon. Kaninang banda alas-otso ay may kapitbahay na nakapunang bukas ang pinto ng bahay niya at naisip na usisain sana ito kung ano ang nangyari kagabi...."
He left his sentence hanging. Huminga ito nang malalim.....
BINABASA MO ANG
The Wolf & The Beauty
WerewolfTumakas si kathryn sa lalaki naka takda papakasalan niya, dahil sa isang lihim ng pagkapatay sa kanyang ama... Sapag takas niya magtatagpo ang landas nila ni James magkakagusto siyo dito ganoon din si Jems. May matutuklasan si Kathryn na lihim...