Ibinalik na niya sa cardle nito ang telepono. May ilang sandali siyang nakatayo roon na hindi malaman ang gagawin at iisipin.
Pagkatapos ay tila wala sa sariling lumakad siya palabas sa balkonahe.
Tulalang naupo saduyan, niyakap ang isang throw pillow at saka umiyak ng umiyak.
Ano ang gagawin niya ngayon na hindi siya masusundo ni Rhona?
Rhona was traumatized twice. She must have suffered nervous breakdown. Nasa ganoon siyang ayos nang mapansin niya si Manang Anna na lumabas, inabutan siya nito ng kahon ng tissue paper.
May maitutulong ba ako?"
She couldn't even speak. Nagsikip lalo ang lalamunan niya sa ipinakitang pakikiramay ng matandang laging masungit sa kanya.Umiling lang siya at humugot ng tissue sa kahon.
Hapon na nang magbalik si James sa villa, Manang Anna kaagad ang kinausap niya.
Anong oras dumating sundo ni Kathryn, Manang Anna?" he asked. Sinadya niyang umalis ng bahay upang hindi niya makita ang pag-alis nito.
Labis na ang epekto ni Kathryn sa damdamin niya. Hindi niya gusto ang nagyayari.
Hiniling ni James sa pinsan na magpakita bilang lobo dahil malimit na itong hinapin ni Kathryn.
Subalit nang may pananabik na yakapin ito ni Kathryn kanina sa pier at gumanti ng pagdila sa mukha ng huli si Daniel ay hindi siya makapaniwala sa bayolenteng damdamin na umusbong sa dibdib niya.
Gusto niyang daluhungin ang lobo sa matinding panibughong naramdaman niya, at nang hanapin niya si Daniel pagdating nila sa bahay ay wala ito.
Kailangan niyang magpalamig ng ulo bago siya muling kantiyawan ng pinsan.
Walang sumundo sa kanya, James, sagot ni Manang Anna. Hinanap ka niya paglabas niya ng guest room.
Ayos na yata ang telepono sa sala dahil nagamit niya. May nakausap siya at malamang na hindi maganda ang balita.
Tulala siyang lumabas sa balkonahe at nakita kong umiiyak...
Napatitig siya sa matandang babae. Nilabasan ko siya ng tissue paper at umaasang akong magsasabi siya, pero nagpasalamat lang at muling umiyak..."
She paused."Nang muli ko siyang tingnan ay nakita kong nakatulog ang pobre...."
Sinulyapan James ang relo Ala-una y media ng hapon. Magpahanda ka ng pagkain at kapag gising na siya'y ipalabas mo sa veranda."
Mabilis siyang tumalikod at naiwang nakasunod ng tingin sa kanya ang matandang babae.
Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama niya nang malamang nasa villa pa ito.
Na hindi ito nasundo. He'd been standing behind closed glass doors for more than twenty minutes just watching her sleep.
Ito ang ikalawang pagkakataon pinagmamasdan niya itong natutuloh, at may init na gustong mag-umapaw mula sa dibdib niya.
Her lips slightly parted. Ang buhok nito ay banayad na nililipad ng hangin palayo sa mukha nito she looked tired, bothered, even in her sleep.
There were even dried tears in het checks.
Kanina ay narinig niyang umuungol ito nagliligalig. Muntik na niya itong labasin at gisingin subalit muli itong pumayapa.
BINABASA MO ANG
The Wolf & The Beauty
WerewolfTumakas si kathryn sa lalaki naka takda papakasalan niya, dahil sa isang lihim ng pagkapatay sa kanyang ama... Sapag takas niya magtatagpo ang landas nila ni James magkakagusto siyo dito ganoon din si Jems. May matutuklasan si Kathryn na lihim...