Chapter 14

123 3 0
                                    

Pagpasok niya sa guest room ay dinatnan niya roon si manang Anna na kasulukuyang inilalapag ang jeans blouse, at bra niya.

      Magandang  umaga po," bati niya.  Napalabhan at napatuyo na itong damit mo. Maari mong gamitin ano mang oras," anito sa walang emosyong tinig.

Salamat po."

  Malinis na rin ang sneaker mo." Niyuko nito ang ibaba ng kama  at naroon ang Keds niya.

Kung nagputik iyon kahapon ay nag balik na ang sneakers sa dati nitong kulay, pula.

  Pauwi ka na raw ngayon..." It was more of a statement.

Opo. Salamat po sa pagtanggap ninyong lahat sa akin."

  Hindi kumibo ang matandang babae at lumabas ng guest room.

  Nagpahinga siya ng malalim. She had this feeling that the old woman didn't like her. Tinungo niya ang banyo at naligo.

  Nang maisip ang ginawa ni James kanina sa dagat ay napaungol siya. The sensation was overwhelming.
 
  Hindi siya makapaniwalang pinahintulutan niya si James na gawin iyon sa kanya.

  A man she had just met! Ano na lang iniisip nito sa kanya?

   Sinikap niyang alisin sa isip iyon. Tinapos ang pagliligo at saka ibinihis ang mga damit niya. Pati na ang sneakers niya.

   Sinulyapan niya ang relo sa side table mag-a-alas-nueve na.

   Kahit pa hindi mabilis mag-drive ang driver ng car rental ay malamang na nasa norte na ang mga ito.

   Kailangan niyang tawagan si Rhona upang maituro niya ang address sa villa.

   Paglabas niya sa guest room ay tuloy-tuloy siya sa  kabahayan. It was very quiet. Kahit ang lobo na humiwalay sa kanya nang pumasok siya sa guest room ay hindi niya matanaw.

   Lumabas siya sa kusina. Naroon sina Manong Ted, Manang Anna, at si Sabel at kasalukuyang  nag-aalmusal.
 

   Niyakag siyang kumain ng mga ito.

   Thank you. May ideya po ba kayo kung  saan ko makikita si James?

   Magkasama sila ni Daniel sa farm. Kaalis lang may darating yatang mamakyaw sagot ni Manong Ted.

  Ano pong oras ang balik nila?"

   Nagkibit ng mga balikat si Manang Anna. Bago marahil magtanghalian."

    Lihim siyang napaungol. Tumalikod at lumabas ng kusina  patungo sa sala.

Palakad-lakad siya at hindi malaman ang gagawin.

Gustuhin man niyang magalit ay hindi niya magawa.

She was disrupting these people's lives. Makikisuyo lang siya gamitin  ang cell phone ni James.

   Kailangan niya itong hantayin kung anong oras man ito makakabalik mula sa farm.

Kung sakali nasa norte na sina Rhona at Lia ay natitiyak niyang maghihintay ang mga ito ng tawag mula sa kanya.

They could park somewhere. Sa isang restaurant kaya at doon hintayin tawag niya She prayed na hindi pa nakakarating sa Sarat ang mga ito.

    Bumalik siya sa guest room at dahil puyat siya  sinikap niyang itulog na lang ang paghihintay. Subalit bumangon din siya at muling lumabas ng guest room.

    Tinungo ang landline sa may malapit sa hagdan. Sana ay hindi na sira ang linya.

  Natitiyak niyang naroroon na ang stay-out nilang kasambahay. Kahit paano ay malalaman niya kung wala na roon sina Rhona, at ate Lea

The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon