CHAPTER 21

134 5 0
                                    

Si James ay mabilis na lumakad patungo sa dilim. Unti-unti niyang ibinalik sa dati ang pagpapalit ng mga mata niya.

Kahit ang mga kuko niya ay marahas niyang ibinaon sa barndilyang bakal ng balkonahe.

What's wrong with him? Bakit hindi niya magawang pairalin ang  pagpigil sa sarili sa babaeng ito?

Walang babaeng nagpangyari upang puksain nang husto ang pagkalalaki niya, maging ang kalahati ng pagkatao niya.

Sa dagat ay halos fumating siya sa puntong hindi na niya mapigil ang sarili. Nais niyang angkinin si Kathryn.

He was stupid to kiss  her. He closed his eyes. He could still taste her in his mouth.

Pumasok sa isip niya ang lalaking sinusundan siya patungo sa men's room.

Minabuti niyang huwag nang tumuloy roon kundi sa likod ng building. Sinundan siya ng lalaki at hindi niya kailangang magpalit ng anyo dahil naunahan niya ito.

Hinawakan niya ito sa leeg at inangat mula sa lupa hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Natitiyak niyang hindi ito iiwan ng kasama. Dahil kung magkaganoon ay  mahihirapan siyang humabol sa tumatakbong van dahil narin sa pag aalalang maraming commuters ang makakakita sa kanya. This isn't good, he thought to himself. Hindi niya gustong kumuha ng atention. Sa Laoag ay malamang na natag puan na ang dalawang bangkay ng mga tauhan  ni Gregor.

Bukas ay laman  ng mga tabloid ang dalawang lalaki pinatay niya.

Ang isa  ay isang ordinaryo krimen lang bagaman hindi ordinaryo krimen lang  ordinaryong matagpuan itong durog ang vocal cords.

Iyon ay kung may magpapasuri sa midico legal nito. Subalit ang lalaking niluray niya ang leeg ay kukuha ng atensiyon.

Pagpipiyestahan ng mga tao ang paraan  ng  pagkamatay nito.

Sa maraming taong lumipas ay wala siyang natatandaang pumatay siya. There was no need to do that.

Kilala siya bilang isa sa pinakamayaman sa Norte, kung hindi man ang pinakamayaman, dahil sa kanyang mga negosyo.

Iginagalang siya kahit ng mga kilalang pulitiko sa bayan nila.

He could handle ordinary robber. Pero kahit alinman sa masamang loob ay hindi sumubok na pasukin ang villa niya.

They must have thought his villa to be impenetrable, which in more ways than one was true.

At ngayon dahil kay Kathryn ay dalawang lalaki na ang napatay niya.

Easy, iwan mo siyang lutasin ang sarili niyang problema. Nariyan si Magbanua. At may kapasidad si Kathryn na kumuha ng security. Even last night, Kathryn thought of hiring a mercenary,ang solusyong unang pumasok sa isip niya.

Subalit agad iyong kinontra ng kanyang isip. He was already involved. He involved himself. Maari namang ihatid lang niya ito sa airport at ikuha ng ticket pabalik

Sa Manila. But he opted to stay with her. At kung nagkataong hinayaan niya itong mag- isang sumakay sa eroplano, sino ang nakakaalam kung ano gagawin dito ng Gregor na ito?

Hindi mo na malalaman pa iyon, come the voice at the back of his head.

But I chose to be involved! kontra ng kaibilang isip niya.

Pinukaw ng babaeng ito ang protective instinct niya sa hindi niya malaman sa kadahilanan.

She was too young to be on her own. And her sister was even younger.

Ang tanging may gulang ay ang stepmother. Subalit si Rhona man ay higit na mahina.

Dahil alas-onse pasado na nang magising ang dalawang babae ay tanghali na rin silang nakaalis ng Makati.

   Nananghalian muna sila sa isa sa mga restaurant sa Greenbelt. Gamit ang Montero Sport ni James na nakaparada lang sa parking space sa building ay nakarating sila sa Malabon ng ala-una na halos ng hapon.

Nang ipaparada ni James ang sasakyan nito sa gilid ng driveway ay natanaw na nila ang kotse ni Kathryn sa loob ng bakuran.

May nakita rin siyang delivery truck. Sinalubong sila ni Magbanua.

Sa SM ko na lang in-oder ang mga kama at ilang kagamitan kahalili ng mga nawasak. Miss. Bernardo, anito.

Hindi magandang kahoy tulad ng mga nasira, subalit saka nalang ninyo palitan ang mga iyan.

Pansamantala lang naman. Nagpalagay narin ako ng bakal. Hindi basta napapasok. Iyan ang mga uri ng bakal na ipinakabit ng tatay mo sa tindahan.

Sinulyapan nito ang mga tao na nakakabit ng mga rehas sa bentana.

This is ridiculous, aniya na umiling at nagbuntong hininga.

Bakit kailangang pati ang pinto ay may bakal?

Actually, si Lea ang nagsabing palagyan ko ng makapal na bakal sa pinto. Iginiit niya. And it made sense, ang pinto ninyo ang unang winasak ng mga masasamang loob.

Natakot si Lea para sayo." Si ate Lea? Nasa loob siya?

Tumango si Detective Magbanua. "Kanina pang umaga. Narito na siya pagdating ko at pinangasiwaan ang trabaho ng mga tao."

Maraming salamat , Detective," aniya at muling sinulyapan ang mga bakal na ang ilan ay nakakabit na sa mga bintana.

Binati ni Magbanua si James. Nag-uusap ang dalawang lalaki samantalang pumasok na sa kabahayan si Kathryn habang iniiwasan maapakan ang mga bakal at nakakalat sa daanan.

Natagpuan niya si Lea sa kusina na naghanda ng fresh orange juice kasama ang kasambahay.

Ate Lea!"

Narinig ko ang pagdating ninyo kaya nagpatimpla na agad ako ng juice dito kay Mating, anito.

Ilang beses itong tumikhim. Ang pagnanais niyang yakapin si Lea ay napigil dahil sa kakaibang ikinikilos nito.

Ni hindi ito nito sinasalubong ang tingin niya at agad itong lumipat ng pwesto nang umikot siya sa mesa.

Sa wari iniiwasan siya. Are...you all right, Ate Lea?" tanong niya.

Pinatatawagan kita kay Rhona pero  hindi ka niya makontak.

Baka nataong walang baterya ang cell phone ko.

  Walang ....problema sa akin, Kathryn. Ikaw ang inaalala ko..."

Kathryn hinted fear in her voice. She couldn't blame her. Ang laking gulat siguro nito nang makitang sinira at winasak ang mga kagamitan sa loob ng bahay na posibleng pagtaguan ng mga alahas.

Sinabi ba sa inyo Detective Magbanua ang nangyari sa akin sa Sarat noong isang araw?

Bahagya lang itong tumango. Inaasaha  niya itatanong ni lea kung bakit nasa norte diya gayong kahapoon pa lang siya dapat uuwi mula sa ibang bansa.

Subalit hindi ito nagtanong at sa halip ay minadali si Maring sa ginagawa. Naglabas din ito ng puto na binili sa bayan.

Siya namang pagpasok nina James, Rhona,at Magbanua sa komedor.

Nang limingon siya kay James ay nhinitian niya ito.

Bakit ba kakaiba ang pakiramdam niya tuwing nasisilayan ito? Kung wariin ay may paruparong naglalaro sa dibdib niya.

Naroon ang pananabik na hindi niya mawari gayong kung tutuusin, sa nakalipas na maraming oras ay magkasama sila.

Kahit noong hindi pa niya natutuklasan ang kasamaan ni Gregor ay wala siyang natatandaang nakadama siya ganito. Ate Lea si James Raid.

Siya tumulong sa akin para makauwi ako rito.  James si ate Lea." How are you, Lea..." Inabot ni James ang kamay niya kay Lea at alanganin nitong tinanggap iyon at binawi rin kaagad ang kamay at inayos ang mga kakanin sa mesa.

Masarap ang puto namin dito,"ani Kathryn.

The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon