Pagkatapos nilang maghapunan sa isang Japanese restaurant na bukas ng beinte-kuwatro oras, courtesy of James, ay ipinagamit ni Kathryn ang kotse niya kay Mark Magbanua paowi ng malabon. Nagbilin din si James na pangasiwaan nito ang pag-ayos at paghalili sa mga nawasak na kasangkapan.
Kapag nakapagbanko ako bukas ay papalitan ko ang binigay mo kay Magbanua," aniya rito.
Hindi iyon sinagot ni James. Nagpahatid sila sa condo ni James sa Makati bago nagtuloy umuwi sa Malabon si Magbanua.
Kung ang villa ni James sa Pagudpud ay rustic ang interior ay ultra modern naman ang condo nito.
Immaculate white ang wall paint. A mixture of pale gray and deep brown naman ang mga kasangkapan.
Salamin ang buong dingding ng living room at nakatanaw sa buong siyudad.
Rhona occupied one bedroom,at dahil madaling-araw na rin halos, at sa labis na stress at pagod sa nangyari sa nakaraang araw ay agad na nagpaalam si Rhona na gusto na nitong magpahinga.
Maliban sa guest towels toothbrush, at shampos and hair conditioner ay wala nang iba pa sa silid na iyon na ipinagamit sa kanya ni James.
Kalahati lamang ng banyo sa guest room ng villa ang banyo ng silid.
Gayunman napakalaki pa ring maituturing at tila iyon hinango mula sa home magazines.
Hindi makuha mahiga at magpahinga ni Kathryn. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya sa balkonahe.
Nasa ikadalawampung palapag ang condo sa building na iyon at napakalakas ng hangin sa balkonahe.
Tinanaw niya ang mga iyon lights ng siyudad. Madaling-araw na gayunman ay may mga bahagi ng siyudad na sa wari ay hindi natutulog.
Gulung-gulo ang isip niya. Gusto niyang mahuli ng mga alagad ng batas si Gregor at panagutin sa pagpatay nito sa itay niya at sa iba pang empleyado ng MJ Jewerly.
Habang nakalaya ito ay hindi siya matatahimik.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang sa sulok ng mga mata niya na puna niya ang palabas ni James sa balkonahe na nakapaikot sa mga silid ng condo.
Alas-dos pasado na, bakit hindi ka pa natutulog? tanong nito at humakbang palapit sa kanya.
Humarap siya at sinandal ang likod sa barandilya ng balkonahe.
Mahaba oras din akong natulog sa Pagudpod. Nakapagpahinga ako kaya siguro hindi ako antukin pa.....
Hinagod siya nito ng tingin. Isang anino ng ngiti ang nanungaw sa mga labi nito.
I never thought my T-shirt would look good on a woman..."
Wala sa loob na niyuko niya ang sarili. Kamiseta nito ang pantulog na ipinahiram ni James sa kanya at ganoon din kay Rhona
BINABASA MO ANG
The Wolf & The Beauty
Hombres LoboTumakas si kathryn sa lalaki naka takda papakasalan niya, dahil sa isang lihim ng pagkapatay sa kanyang ama... Sapag takas niya magtatagpo ang landas nila ni James magkakagusto siyo dito ganoon din si Jems. May matutuklasan si Kathryn na lihim...