Matikman nga. Hindi nito pinansin ang tinidor at dinampot ng isa at kumagat at nginuya. Ikiniling nito nang bahagya ang ulo at nginitian siya.
Masarap nga." Si Rhona na ang nag- alok na maupo ang dalawang lalaki habang inihanda ni Maring ang puto at juice sa mga ito.
Si Lea ay lumabas ng komedor. Nagkatinginan sila ni James. Sinundan niya ito palabas.
Inabutan niya ang matanda sa dulo ng sala, nakatayo malapit sa fish pond ng tatay niya.
Nakayuko sa mga isda roon, gayunman, kung ang anyo nito ang pag-uusapan ay natitiyak ni Kathryn na wala roon ang isip ng nakakatandang babae.
Nang maisip ang fishpond ay napahinto si Kathryn at kapagkuwa'y inabot mula sa lagayan ang pagkain ng mga isda at sinabuyan ng pagkain ang mga ito.
Kapagkuwa'y isa-isang binilang ang mga isda. Wala bang namatay sa mga Koi? "tanong Lea sa tila maiiyak na tinig.
"Mahal ng tatay mo ang mga alaga niyang iyan. Hindi niya gugustuhin may mamatay sa mga iyan..."
Marahil ay wala, lulutang ang mga iyan kung patay na."
Ipinagpatuloy niya ang paghahagis ng pagkain sa mga isda. May...may sasabihin ako sa iyo, Kathryn," anito mayamaya, iniyakap ang mga braso sa dibdib.
She frowned at the old woman. Parang ibang Lea ang nakikita niya.
Tingin din pati niya ay parang namamayat ito. Maputla. Matagal na niyang binabati ito na uminom ng vitamins dahil laging parang kulang sa dugo.
Ngayon ay parang tumanda pa ang tingin niya rito. Kunsabagay ay naging iba si Lea mula nang mamatay ang tatay niya.
Ibinalik ni Kathryn sa lalagyan ang plastic container ng fishfood. Tungkol saan ,Ate Lea? Ano nga ba ang nangyari sa iyo at ngayon ka lang nagpakita? Nagpaospital ka ba?
Sa wari ay hindi naririnig ni Lea ang huling tanong niya. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. A-alam mo bang mahal ko si Julio?" Isa iyong pahayag sa halip na tanong.
Nanginginig ang tinig nito at natiyak ni Kathryn na labis nitong ininda ang pagkamatay ng tatay niya.
Napansin ko nang nakaburol si Tatay..."banayad niyang sabi.
Matagal ko na siyang mahal," patuloy nito sa gumaralgal na tinig.Inalagaan ko siya sa puso ko simula pa lang nang mga unang taon ko rito sa inyo.
Umaasang mapansin niya ako..." May mga luhang naglandas sa mga pisngi nito. Kinasusuklaman ko si Rhona nang pakasalan siya ng tatay mo.
Hindi ako makapaniwalang nabale-walang lahat ang pag-asam ko...
Hindi malaman ni Kathryn kung paano ito aaluin. Wala marahil salita ang sasapat sa nasaktang puso nito.
Nagpatuloy ito. Dahil doon....dahil doon ay... Dahil doon ano, Ate Lea?"
Lea bit her lower lip. Pinahiran ng hawak pa ring kitchen towel ang mga luha.
Wala sa loob na itinuon ang paningin sa mga isdang nagkakagulo pa rin sa pagkain.
Nahikayat ako ni Gregor. At p-pumayag ako sa gustong mangyari ni Gregor....na looban ang tindahan..."
Lumipad sa mukha nito ang mga mata ni Kathryn. Had she musheard her?
Napabulalas ng iyak si Lea. P-patawarin mo ako, Kathryn.
Subalit maniwala kang hindi ko gustong mamatay si Julio. Si Rhona ang gusto kong patayin nila.
Subalit iniharang ng tatay mo ang sarili at sa kanya tumama ang mga bala. Hindi nila binalak patayin si Julio----"
BINABASA MO ANG
The Wolf & The Beauty
WerewolfTumakas si kathryn sa lalaki naka takda papakasalan niya, dahil sa isang lihim ng pagkapatay sa kanyang ama... Sapag takas niya magtatagpo ang landas nila ni James magkakagusto siyo dito ganoon din si Jems. May matutuklasan si Kathryn na lihim...