CHAPTER 29

168 4 0
                                    


Welcome back, nakangiting bati ni Daniel at mahigpit siyang kinamayan.

Pilit ang ngiti niya. "Sana'y bakasyon ang dahilan kung bakit naririto akong muli, Daniel, she said.

Hindi iyong parang ako pa ang kriminal na nagtatago."

Sinulyapan ni Daniel si James na ibinaba ang bagahe niya sa may puno ng hagdan.

Walang makapananakit sa iyo rito, Kathryn. Hindi siya sumagot. Pumasok sa isip na ito man ay isang wolf.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay napakahirap tanggapin ng isip niya ang katotohanang iyon. Pati na rin ang posibleng totoong pagkatao ni Gregor.

Manang Anna,"ani James sa katiwala. Sa silid sa tapat ko ninyo ilagay ang gamit ni Kathryn. Iyon ang gagamitin niya."Kunot ang noong nilingon ni Daniel ang pinsan. May problema ba?

I will tell you later." Tiningnan nito si Kathryn. Sumama ka kay Manang Anna sa itaas. At kung gusto mo ng gatas bago ka matulog ay sabihin mo kay Manang."
"Thank you." Para sa lahat ang pasasalamat niya at nahahapong dinundan si Manang Anna sa pagpanhik sa malaking hagdan.

Malalaki ang pasilyo sa ikalawang palapag. Isang metro at kalahati ang lapad. Ayon kay Manang Anna ay mayroon iyong apat na malalaking silid. At ang bawat silid ay may sari-sariling toilet and bath.

Napahinto siya sa isang bahagi ng dingding at tiningnan ang isang life-size na larawang nakasabit doon.

Ang mga magulang ni James..."
Tumango siya. James' father was pure Romanian. Tulad ni James ay magandang lalaki.

Gayunman, humalo na rito ang dugong Pilipino ng ina nito. Magandang babae ang ina nito. Nakangiti at tila buhay na buhay sa larawan.

Ano ang pangalan ng papa ni James? "she asked. "Malcom..." sagot nito at nagpatuloy sa paglakad sa pasilyo. Isang silid sa kaliwa ang binuksan nito.

Ito ang magiging silid mo...." Nilingon siya ni Manang Anna at pagkatapos ay itinuro ang isang silid na nilampasan nila.

Iyang kabilang pinto ay ang silid ni Daniel. Tumango si Kathryn. Hinayon ni Manang Anna ang pinakadulo ng pasilyo.

Iyon ang silid ni James. Kasunod ng sa iyo. The old woman paused for a moment, then sighed helplessly.

Kung ano mang panganib ang dala mo ay natitiyak kong hindi ka pababayaan ng dalawang lalaki.

Labis mong nakuha ang loob nila. Hindi ko sila ninais na idamay sa problema ko, Manang Anna" she said firmly.

Hindi iyon ang ibig kong sabihin, "wika ng matanda. Idinamay nilang kusa ang sarili nila sa iyo.

Sana man lang ay hindi masaktan si James. Ipinasok nito ang maliit niyang bagahe sa loob ng silid.

Hindi siya sumagot dahil hindi niya matiyak kung ano ang sasabihin niya. Sa halip ay isa-isang tiningnan ni Kathryn ang mga larawang nakasabit doon.

Natitiyak niyang si James ang mga larawang nakasabit doon. Natitiyak niyang si James ang larawang kasunod ng mga magulang.

Marahil ay noong binatilyo pa ito. Napangiti siya at pagkatapos ay sumunod na sa matandang babae.

Nais mo bang dalhan kita ng isang basong gatas?"tanong ni Manang Anna nang nasa labas na uli ito ng pinto.

Umiling siya."Hindi na po. Salamat." Magandang gabi."

Night..." Isinara niya ang pinto at nagbuntong-hininga. Siguro ay talagang nag aalala lang ang matandang babae para sa mga alaga nito.

Ang silid niya ay higit na malaki kaysa sa guest room sa ibaba. Mataas ang ceiling kaysa pangkaraniwan na lalong nagbigay rito ng impresyong malaki.

The wall hand a pale peach paint. Puti naman ang pintura ng ceiling.

Queen-size ang kama at bulaklakin ang bedsheets at punda ang mga unan na peach ang dominating color.

Ang mahabang closet ay sliding ang salaming pinto. May study table at wrought iron grill ang pinto palabas sa balkonahe.

Mula sa salamin na naka-encase sa wrought iron grill ay natanaw niya ang dagat.

Ang dalawang malalaking bintana ay may rehas din at may mga nakagapang na bougainvillaea mula sa hardin sa ibaba.

Pinaghalong pula at puti ang mga bulaklak, natanaw niya iyon sa araw noong naroon siya.

Sinadya iyong pagapangin doon. Sa imported magazine lang niya nakikita ang mga ganoong uri ng bahay.

Karaniwan na ay ang mga bahay at cottages sa ibang bansa. And James' house was like a fortress. Binuksan niya ang mga bintanang salamin at pumasok ang sariwang hangin. May air-condition unti ang silid subalit hindi niya kailangan iyon.

Mahangin at malamig ang silid niya. Mula sa sahig ay itinaas niya ang kanyang maliit na bagahe. Maaga pa naman. Alas-diyes pa lang ang ibinabadya ng relo sa bedside table. Isasalansan niya ang ilang damit niyang dala at pagkatapos ay maliligo siya.

Limang blouse at ilang T-shirt ang dala niya at tatlong denim jeans, dalawang capri pants, dalawang summer dress, at ilang undergarments ang dala niya.

Naisip niyang maghagis sa bagahe niya ng dalawang bathing suits pero naisip niyang hindi na lang. Magagamit niya ang mga bathing suits na laan ni James para sa mga guests nito sa villa.

Nagsimula siyang mag- unpack. Nagha-hanger ng mga damit niya at nagsalansan ng mga undergarments.

Pagkatapos ay pumasok siya sa banyo at nag shower. Nakapulupot sa buhok niya ang tuwalya at nakasuot siya ng bata de roba at lumabas ng banyo at dumeretso sa balkon.

Tinanggal niya ang tuwalya mula sa buhok niya upang natural na matuyo ng malakas na hangin. Itinuon niya ang paningin sa kadiliman sa labas.

Natanaw niya ang dagat, ang tila pilak na bula ng alon kapag humahampas sa dalampasigan. Ang buong paligid ay malaki ang kaibahan sa siyudad na kinalakhan niya.

Kapagkuwa'y napahugot siya ng hininga. Bulto ng tao ang nakikita niyang nasa baybayin at nakatanaw sa dako niya.

Wala iyon doon nang una niyang suyurin ng tingin ang paligid. Wala rin siyang napansin taong nanggaling sa villa at nagtungo sa beach. Alas-onse pasado na.

Malamang na tulog na si Manong Ted lalo at pagod ito sa pagmamaneho nang sunduin sila mula sa Laoag airport.

At hindi siya maaring magkamali, sa layong iyon at sa kabila ng dilim ay natitiyak niyang da dako niya ito nakatanaw. She had a twenty-twenty vision. Muli siyang napahugot ng hininga nang tumaas ang mga kamay ng tao sa baybayin na parang tila ito kumakaway sa kanya.
Kathryn...!

Tinangay ng hanhin sa pandinig niya ang pangalan niya. Isinigaw iyon ng tao mula sa baybayin. Sindak na napaatras si Kathtyn pabalik sa silid niya.

Malakas niyang isinara ang pinto ng veranda. Pagkatapos ay tinungo ang pinto ng silid niya at binuksan iyon.

The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon