CHAPTER 34

189 5 0
                                    

   Please, James." Tumaas ang paningin niya sa dalawang lalaking paparating. Mga pulis iyon na dalawang araw nang nakabantay sa villa.

  Naramdaman na ni James ang presensiya ni Gregor sa villa nang gabing iyon. Sadya lang ipinanatag ni James ang loob niya. But all the time, James was aware of someone's presence around the villa. Kaya naman nagpatawag ito ng mga pulis upang umaligid sa villa sa araw at gabi.

  "Ipaubaya natin sila sa mga alagad ng batas." Pagkarinig ni Gregor sa sinabi niya ay lumingon ito.

   Sinenyasan nito ang kapatid. At bago pa man lang makapagbigay ng babala ang mga pulis ay tinalon ni Marva ang dalawang pulis sa pagkabigla ng mga ito.

Ni hindi nakuhang humugot ng baril ang dalawa. Sa isang kisap-mata'y bumulagta ang dalawang pulis.

   Parehong bali ang mga leeg.
Pagsawain mo, Marva, ang sarili mo sa dugo ng dalawang iyan," utos kay Marva na hindi pa man sinasabi ni Gregor ay nakasipsip sa leeg ng isa.

"Kathryn was horrified. Kung hindi niya aawatin ang sarili niya ay baka mawalan siya ng malay sa sindak. She was seeing a real vampire! A bloodsucking vampire. Tumakbo ka sa villa, Kathryn,"utos ni James.

"Hindi kita iiwan!"tanggi niya. Natanaw ang tumatakbong lobo patungo sa dako nila.

   Daniel no! "hiyaw ni James nang makitang sinusugod ng isang lobo si Marva.

   Sa pagkabigla ay hindi kaagad nakakilos si Marva. Umaagos pa sa bibig nito ang dugo nang sagpangin ito ng lobo sa balikat. Gumuhit sa paliid ang matinis na sigaw ni Marva. Gayunman ay nagawang balyahin ng vurdalak ang lobo at humagis ito.

   Subalit muli ring dumaluhong ang lobo. Sa leeg ng vurdalak nakatauon ang pansin ng lobo. Nasagpang nito ang leeg ni Marva at hindi iyon binitawan.

   Subalit higit na malakas ang vurdalak. Nang makabitaw ang lobo ay may bahagi ng  laman ni Marva ang natangay nito. Humiyaw na susugurin nito ang lobo. Halimaw na ang anyo nito. Subalit naroon na si Lukas bago pa nito magawan ng pinsala si  Daniel.

   Nakita ni Kathryn na namangha si Gregor sa pagpapalit ng anyo ni James habang tinatalon nito ang dako ng  bumagsak na lobo.

  Hindi marahil inaasahan iyon ni Gregor kaya hindi agad ito nakakilos ng parehong sagpangin ng dalawang lobo ang leeg ng dibdib ni Marva.

   Nanlaban ito at ang isang paa ng lobo ang mariing nahawakan nito at malakas na ibinalibag iyon sa buhanginan.

  Umunggol ang lobo at hindi nakatayo.

  Isang malakas na angil ang pinakawalan ng malaking lobo. Tinakbo niyon ang nakahandusay na mas nakakabatang lobo. Si Marva ay tumalon sa ere at akmang hahawakan sa leeg ang malaking lobo nang mula sa kung saan ay isang pana ang bumulusok at tumama sa tapat ng puso nito.

  At bago pa ito makakilos ay nakatalon na patungo rito ang may - ari ng pana at buong - lakas na diniinan iyon at tumagos sa likod.

  Hindi!" malakas na hiyaw ni Gregor nang makita ang unti-unting paglaho ni Marva. Sa pagkasindak ni Kathryn, unti-unting naging abo ito humalo iyon sa buhangin.

  Nag-iba ang anyo ni Gregor sa matinding galit. Dadaluhungin nito ang pumatay sa kapatid subalit iniharang ng malaking lobo ang sarili.

   Nagpanghamok ang dalawa. Sindak na nakamasid si Kathryn. Ang bagong dating ay muling nagbala ng palaso sa pana nito subalit mabilis itong hinawakan sa kamay ni Kathryn. Julia huwag! Baka ang lobo ang tamaan mo. Please attend to the wounded wolf! " utos niya sa kapatid.

  And Kathryn was right. Dahil hindi makakuha ng tamang anggulo si Julia. Sumunod ito at nilapitan ang nakahandusay na lobo.

Umiiyak si Kathryn. Ilang beses nang bumalandra sa buhangin si James sa anyong lobo. Ilang beses na rin itong tumama sa haligi ng pier. At galit na galit si Gregor sa pagkamatay ng kapatid. Halimaw na ang anyo nito.

   Naglabasan ang malalaking pangil nito at sinisikap nitong sunggaban ang leeg ng lobo. Nahagip ng malaking lobo ang leeg ng vurdalak subalit nakakapit din si Gregor. Nagtatagisan ng lakas ang dalawa. At nakikita ni Kathryn na unti-unting nagagapi ang malaking lobo. Anytime the vurdalak would rip the wolf's neck from its body. Kathryn was hysterical to be able to think clearly. Dinampot niya ang palaso mula sa naabong katawan ni Marva at akmang itatarak iyon sa likod ni Gregor.

But Gregor saw her. Hawak nito sa isang kamay ang leeg ng lobo at malakas nitong tinabig si Kathryn na bumagsak sa buhangin kasama ang palaso. Umangil nang malakas ang malaking lobo sa ginawa ng vurdalak kay Kathryn. But the big wolf was bleeding and weakening.

Ang batang lobo ay nagsikap bumangon upang tulungan ang malaking lobo. Ang pana ni Julia ay nakasipat na.

   The big wolf growled loudly at the younger wolf, wanting it to back down.

  Nang sa pag-ikot ni Gregor ay natamaan ng sinag ng panghapong araw ang nakasabit sa dibdib nito dahil nahantad iyon nang dakamain ng lobo ang dibdib nito at napunit ang suot nitong itim na polo.

   Napasinghap si Kathryn. Eksena sa sala sa bahay niya ang kumislap sa isip---nang yakapin siya ni Lea;
"...ang kuwintas...ang kuwintas ni Gregor,Kathryn..."
   Hindi niya naintindihan ang sinasabi ni Lea nang hapong iyon dahil sa galit niya rito.

   Subalit nang makita niya ang pagkislap ng kuwintas ay naalala niya ang sinabi nito. Lea wasn't able to penetrate Kathryn's mind that day. Pero isa ang tiyak, binalaan siya nito mula kay Gregor.


   And for whatever it was worth, may kinalaman ang kuwintas na iyon upang masugpo si Gregor. Tumayo siya at tumakbo palapit.

"Gregor, please!" sigaw niya. "Sasama ako sa iyo ituturo ko ang mga alahas,bitiwan mo ang lobo!"

  Sandali natigilan si Gregor. Nag-echo sa paligid ang  malakas na angil ng lobo bilang pagtutol. Nilingon ni Gregor si Kathryn na sinamtala ang pagkakataon at dahan-dahang lumapit.

"I know you will come to your sensen,Kathryn..."nakangising wika ng halimaw.

   Halos magkasabay na dumaluhong ang  dalawang lobo sa vurdalak. Muling malakas na binalya ng vurdalak ang batang lobo na nagpipilit abutin ang leeg ng vurdalak.

   Come to me, Kathryn. At titirhan ko ng buhay ang lobong ito,"anyaya ni Gregor.

Nagkunwari si Kathryn na hahawakan sa braso si Gregor. Subalit nang madikit ang kamay niya sa braso nito ay itinuloy niya iyon sa dibdib nito biglang dinakma ang kuwintas at ubos-lakas na hinablot iyon. Nang mapatid ang kuwintas ay mabilis na umatras palayo si Kathryn.

  Humiyaw si Gregor. Nabitawan nito ang lobo." Papatayin kita! Ibalik mo sa akin ang---"

   Hindi ito nakuhang makahakbang upang sugurin si Kathryn. Sinagpang ng lobo ang dibdib nito upang tuluyang lurayin subalit unti-unti nang nalulusaw ang vurdalak. Tulad ni Marva ay unti-unting naging abo ito at humalo sa buhangin.

   May ilang sandaling sindak na nakamasid ang lahat sa  ginawang pag-agnas ng vurdalak.

Ang lobo ay bumagsak sa lupa. Sakapalang natinag mula sa pagkakatulala si Kathryn. Humiyaw na dinaluhong niya ang lobo habang unti-unting nagpapalit ito ng anyo si Daniel.

  Parehong tadtad ng sugat ang dalawang lalaki. Nang hindi kailangan utusan, sinunog ni Manong Ted ang  katawan ng dalawang pulis.

The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon