Tumakas si kathryn sa lalaki naka takda papakasalan niya, dahil sa isang lihim ng pagkapatay sa kanyang ama...
Sapag takas niya magtatagpo ang landas nila ni James magkakagusto siyo dito ganoon din si Jems. May matutuklasan si Kathryn na lihim...
Bakit hindi niya iyon naisip kanina? Nagpadaig siya sa takot para kay James. Kailangan niyang muling makatakas patungo sa mga makakapal na damuhan.
Tutal, kapag napasakamay siya ni Gregor ay sasaktan din siyang tiyak nito.
Nang lumakad ang lalaki patungo sa unahan ng van at patuloy sa paggamit sa cell phone nito ay sinamantala ni Kathryn ang pagkakataon.
Mabilis niyang binuksan ang pinto ng van at tumalon palabas kasabay ng pagtakbo.
Putang-----! Itinutok ng lalaki ang baril sa kanya subalit nagpatuloy sa pagtakbo si Kathryn patungo sa makakapal na damo sa madilim na bahagi ng airport.
Inaasahan na niyang tatama ang bala sa katawan niya subalit mahaba-haba na ang natatakbo niya ay hindi nagpaputok ang lalaki.
Then she heard a muffled scream and a snarl. Doon siya huminto at lumingon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang malaking aso ang nakakubabaw sa lalaki at sagpang ito sa leeg. Napamulagat si Kathryn.
Ni hindi niya makuhang gumalaw man lang kahit mangahulugan iyon ng buhay niya.
Another wolf? Or another huge dog?
Sindak siyang nakatayo roon ng ilang mahahalagang sandali nang maisip na kailangang awatin niya ang malaking aso.
Stop! Stop it!" awat niya. Bagaman hindi niya matiyak kung may tinig na lumabas sa bibig niya.
Marahil ay narinig siya ng malaking aso dahil tila nakakaunawang huminto ito sa pagsagpang sa leeg ng lalaki.
The huge dog looked her way. Binitiwan nito ang wakwak na leeg ng lalaki at tumakbo palayo.
Sa mismong damuhan tinutungo ni Kathryn kanina at tuluyang nawala sa dilim.
Sindak na tinitigan ni Kathryn ang lalaking nakahandusay sa lupa.
Kahit madilim ay natitiyak niyang wala na itong buhay.
Ilang beses siyang huminga nang malalim at tumingin sa paligid. There was no one in sight. At nasa madilim na bahagi sila ng parking lot.
Napakislot pa siya nang marinig niya mula sa PA system ang pagtawag sa mga pasaherong Maynila.
Saka pa lang siya tila nahimasmasan sa sindak. Lakad-takbo ang ginawa niya pabalik sa building.
Ang pagmamadali niya ay itinuring ng mga naroroong security na paghahabol sa flight niya. Sa loob ng waiting area ay tuloy-tuloy siya patungo sa men's room.
Subalit bago siya makapasok ay isang lalaki ang hunawak sa braso niya.
Panlalaki ang CR na ito Miss..."
"May....may titingnan lang akong kasama ko. Kanina pa siya sa loob. N-nagtatawag na ng pasahero...." ninenerbiyos niyang sabi.
Nang bitiwan siya nito ay tinakbo niya ang papasok sa men's room.
Nagulat pa ang isang lalaking naroroon. Isa-isa niyang binuksan ang mga cubicle subalit wala roon si James.
Hindi malaman ni Kathryn kung ano ang dapat niyang maramdaman.
Maliit lang men's room at wala roon si James. Kasimbilis ng pagpasok niya ang paglabas niya mula roon.
Muntik na siyang mapasigaw nang mabunggo niya ang isang matipunong dibdib.
"Hey...."Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat. Nanlaki ang mga mata niya nang pagtingala niya ay ang hinahanap niya. J-James?"
Bakit para kang nakakita ng multo?" anito, amusement on his lips..
Sukat doon ay niyakap niya ito nang mahigpit. Banayad siyang hinila ni James sa may gilid dahil nakaharang sila sa daan.
Muling umalingawngaw ang final call sa PA system. Kumawala siya S-sa atin na ang flight....aniya sa nanginginig na tinig.
Let's go." Pagkatapos ay inayos nito ang backpack, hinawakan siya sa braso at inakay patungo sa departure gate. Then he stared at her."Dapat bang mawala uli ako nang ilang sandali para mayakap mo ako nang ganoon? "he teased.
The smile he give her was heartstopping. Hindi siya kumibo at ikinawit niya ang braso niya rito nang mahigpit. Nagpalinga-linga.
Umaasang ano mang sandali ay makikita ang kasama ng lalaking napatay ng malaking lobo.
Marahil sa mga sandaling ito ay hindi pa natatagpuan ang lalaki sa may malapit sa damuhan.
"W-where have you been?" Sa CR at nang lumabas ako ay dumeretso ako sa booth at bumili ng bottled water. Pagbalik ko ay wala ka na sa upuan mo.
Inisip kong ikaw naman ang nagtungo sa ladies'room." Then James frowned at her. "Something is wrong? It is as if you're in shock or something." Huminga siya nang malalim.
"Sa.....sa eroplano ko na sasabihin...." Paano kang nakatakas?"tanong ni James nang nakailaw na iyong sign na maaari nang kalasin ang seat belt.
Pero walang nag-abala sa kanilang dalawang magkalas ng seat belt.
Again....t-there was a dog....must be a wolf," aniya sa tinig na bahagya pa ring nanginginig bagaman nang umangat ang eroplano sa lupa kanina ay saka pa lang siya nakahinga nang maluwag.
The...the wolf killed the man." Her voice was just above wisper. Kapagkuwa'y nilinga niya si James nang may maisip.
Ang lobo mo? Hindi ba siya kasamang naghatid sa atin at hindi ko lang napansin? Baka hindi rin napansin ni Manong Ted na bumaba ang lobo?
" Did it look like my wolf? Isinandig niya ang ulo sa headrest. " I don't know. It was dark. Ang tanging masasabi ko ay mas malaki ang....yes! It was bigger than your wolf. I am not sure though....
She looked at him. Puno pa rin ng takot ang mga mata niya. Ang buong akala ko'y sinaktan ka ng kasama niya.
Sinabi ng lalaking sasaktan ka kung hindi ako sasama nang tahimik."at nag- alala ka sa akin? His tone was a little bit amused.
But a certain tenderness crossed his eyes. Kaya ba ganoon kahigpit mo akong niyakap nang makita mo ako dahil nag-aalala ka sa akin?
"l was worried, James. Hindi ko ikinakaila iyan at hindi mo ako kailangang tuyain. Kung napahamak ka'y hindi ko mapatawad ang sarili ko. Idinamay kita ."
Itinaas ni James ang kamay niyang hawak nito at hinagkan. Hindi kita tinutuya, Kathryn.
Hindi ako sanay na may babaeng nag-aalala sa kaligtasan ko maliban kay Manang Anna. And I'm touched." Kathryn shivered a lettle. Cold?
Umiling siya.S-sinagpang ng malaking aso ang leeg ng lalaki.... Tinakpan ng kaliwang kamay niya ang bibig upang hindi makawala ang hikbi.
Humigpit ang pagkakahawak ni James sa kanan kamay niya. Idinikit nito ang bibig sa tainga niya." Calm down, Kath. The dog saved you. Kung kanino mang aso iyon dapat tayong magpasalamat..
I know.... I know," she said almost hysterically. Pero hindi mawala sa isip ko ang pagsagpang niya sa leeg ng lalaki at kahit madilim ay nakita ko ang pagkaluray---"
Alisin mo sa isip mo! James said firmly." You are safe and that is all that matters. And remember that the man you thought the dog killed could be one of those men who murdered your father..."
Naisip ko na iyan. Hindi mo lang maiaalis sa isip ko ang masindak.. Huminga siya nang malalim. Ipinagpasalamat kong madilim at hindi ko talaga nasaksihan ang ginawa ng aso. Yet it wasn't so dark that I couldn't use my imaginations.
And when I ran from the scene I know in my heart that the man was dead.....