Ang lugar na ito ay bahay- bakasyunan lamang para sa mga tagasiyudad."
"Maaari," anito tinanaw ang dako pa roon ng dagat. "Dahil itinuturing nilang nagbabakasyon lamang sila sa isang magandang lugar.
This is not their home."
Exactly what I am saying. Sa mga tao sa siyudad ay bakasyunan lang ito.." he said drily.Tumalikod na si James at lunakad patungo sa dulo ng pier. "
Huwag ka nang bumalik sa dagat.By the time na nakapagbihis ka ay nakahanda na ang hapunan. Natitiyak kong gutom ka na dahil hindi ka nagtanghalian."
"I love it here, James! " sigaw niya rito. "I wish you'd invite me back kapag naayos ko na problema naming magkapatid."
Sandaling huminto paghakbang si James pero hindi lumingon. Kapagkuwa'y muling nagpatuloy.
ALAS-ONSE na ng gabi ay nanatiling nasa balkunahe sa labas ng sala si Kathryn. Puno ng alalahanin ang isip habang nakatingin sa kadiliman sa labas.
Bkit narito ka pa sa labas ng balkonahe? Malamig ang hangin.. "Ibinalabal nito sa kanya ang isang afghan.
Nilingon niya si James. Naglaho ang kamig na kanina pa niya iniinda. "Thank you. Busy tone ang telepono sa bahay mula pa kanina.
At voice prompt ang sumasagot sa cp ni Rhona. Umaasa akong nakaalis na sila kanina pang alas -siete o alas- otso..."
Magpahinga ka na, Kathryn. Malamang niyan ay nasa daan na ang dalawa. Baka nasa bag niya ang cell phone at hindi naririnig.
It happens. Besides, kung nakaalis na sila ay wala ring sasagot sa telepono ninyo sa bahay."
Napilitan siyang ngumiti. "I ve been thinking about that, too."
Nakatitig ito sa kanya at hindi niya makuhang umiwas ng tingin. Tila magneto ang mga mata nito na humihigop sa kanya.
May ilang beses siyang humugot ng hininga. Bakit ayaw mong amining nagkita na tayo sa Bucharest? Sa coffee shop..."
Bahagya nitong ikiniling nito ang ulo. "Dahil hindi ako nakatitiyak kaninang umaga kung ikaw nga iyon...."
"Pararaanin ko iyang dahilan mo," she said smiling a little. Muli niya itong tinitigan. Muli niya naramdaman ang kakaibang tambol ng dibdib niya tuwing nagkakalapit sila.
Kung ang pagbabasehan ko ay ang description nh manager ng hotel sa Bucharest at ang hotel physician ay malakas ang kutob kong ikaw ang nagdala sa akin pabalik sa hotel at nagligtas sa mga mug----" She stopped in medsentence,a little bit perlex.
"What?"untag ni James.
Ngayon ko lang naalala. Nang hapong iyon bago ako nawalan ng malay ay may narinig akong angil. Yes! I think... I think the gutural sound that I heard was from a beast....a dog must be."He smiled. "You and your imaginations. Hindi dahil dinala ka ng alaga kong lobo patungo rito ay aso na rin ang narinig mo nang hapong iyon."
She wrinkled her nose and conceded reluctantly. "Yeah, maybe you're right."
She stared at him curiously. "Saan nanggaling ang alaga mong lobo? Allowed bang mag-pet ng ganoon dito sa Pilipinas?"
Sa Romania," he said simply. "Matulog ka na. Pagdating ng mga babae rito ay aanyayahan ko silang magbakasyon nang ilang araw dito."
Umangat ang nga kilay niya. " Really? Rhona will love it." And you?"She dimpled at him. "I told you, I am loving it here, James." Lumakad siya patungo sa salaming pinto.
" Good night."
MAG-UUMAGA na nang makatulog si Kathryn. Maliban sa mga isipin ay naririnig niya ang mahaba at nakapangingilabot na alulong ng isang aso.
Hindi ordinaryong alulong, at kung hindi siya nagkakamali ay may naririnig siyang kadena at parang may nais kumawala.
Ang wolf ba ito at nagnanais kumawala?
She was in a strange place and a guest in a strange house.With strange sound. Kinabahan at natakot siya. Hindi madali ang matulog. Nang huminto sa pag-alulong ang aso/lobo ay saka siya nagpatangay sa antok.
Gayunman ay maaga pa rin siyang nagising. Diyes minutos makalipas ang ikalima ng umaga.
Halos dalawang oras lang ang itinulog niya. Samaguguluhang isip niya ay magdamag na nakaantabay siya sa pagdating nina Rhona at Lea ngayong umaga.
Hinawi niya ang makapal na kurtina at tinanaw ang dagat. Gusto niyang ubusin ang umaga sa paglalangoy sa dagat sa huling pagkakataon.
Hindi siya nakatitiyak kung magkikita pa silang muli ni James pagkatapos ng araw na ito.
May paghihinayang siyang nadarama. Gayunman, sinikil niya ang damdaming iyon. Ang sabi nito ay iimbitahin niya ang madrasta at si ate Lea na magbakasyon nang ilang araw dito mamaya pagdating ng mga ito.
Oh, she wanted that. Pero kailangang tapusin niya, nila Rhona at Lea ang kaso nila kay Gregor.
Kailangang maipahuli niya ito sa mga alagad ng batas. Pagkatapos niyon, kapag nasa kulungan na si Gregor at bukas pa ang imbitasyon ni James, then that would be the right time to accept his invitation.
Binuksan niya ang closet at pumili roon ng bathing suit. Isang hibla lang ang pagitan sa two-piece. Anyway, napakaaga pa.
Malamang ay tulog pa ang lahat. Naghubad siya at isinuot ang pampaligo. Pagkatapos ay kumuha ng tuwalya at itinapis at lumabas.
Dumeretso siya sa back entrance at binuksan ang pinto. Nagtaka pa siyang hindi na iyon naka-lock.
Marahil ay gising na ang mga katiwala at si sabel.
Mabilis niyang nababa ang maraming baitang patungo sa baybayin. Ilang sandali pa 'y naglalangoy na siya sa dagat.
It was so early in the morning. Ni hindi pa halos namamanaag ang araw sa silangan subalit hindi malamig ang tubig sa dagat.
Gusto niyang languyin ang yate usisain iyon pero inawat niya ang sarili. Hindi niya gustong abusuhinang kagandahang-loob ng magpinsan.
BINABASA MO ANG
The Wolf & The Beauty
Lupi mannariTumakas si kathryn sa lalaki naka takda papakasalan niya, dahil sa isang lihim ng pagkapatay sa kanyang ama... Sapag takas niya magtatagpo ang landas nila ni James magkakagusto siyo dito ganoon din si Jems. May matutuklasan si Kathryn na lihim...