CHAPTER 17

130 4 0
                                    

Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala, hijo. Lalo at nakikita at nararamdaman kong naakit ka sa babaeng iyan. Alam mo ba ang konsekuwensiya kapag nalaman niya tungkol sa iyo?"

Saka ko na iisipin ang bagay na iyan, Manang Anna."

Ngayon ka lang naakit nangganyan sa isang babae James. Labis akong nag-aalala.

Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa matandang babae. Ito na ang nag-alaga sa kanya mula noong maliit pa siyang bata. Ito at ang asawang si Ted ay parehong pinsang malayo ng mama niya sa magkabilang panig. Kung saan naroroon ang mama niya ay naroroon ang mga ito.

Hindi niya matiyak kung kailan nagsimulang malaman ng mag-asawa ang lihim ng kanilang pamilya.

Marahil mula narin sa mama niya. Gayunman ay nanatiling tapat ang mga ito. Natitiyak niyang ibibigay ng mga ito ang buhay para sa kanila ni Daniel.

Bakit mo naman nasbi iyan? Ano ba ang tawag ninyo sa mga babaeng isinama ko na rito?"

Pinaglalaruan mo lang sila, James, at tama lang naman salapi mo lang ang habol ng karamihan sa mga iyon."

Oops. Naiinsulto ako niyan," He grinned. Alam mo ang ibig kong sabihin," anito." Nalimutan mo na ba si Nadine?

Sandali siyang natilihan. Nawala ang ngiti sa mga labi. Huwag na nating siyang pag-usapan, Manang.

Ipaghanda na lang ninyo ako ng extrang damit.

BOSS, narito kami ni Lauro sa Laoag airport ngayon. Namataan namin si Kathryn---"

Ibalita mo sa akin kapag hawak ninyo siya Josue!"putol niya sa sinasabi ng tauhan.

Eh, boss...h-hindi namin siya masunggaban. May kasama siya..

May kasama!? "sigaw ni Gregor sa cell phone niya. Saan kukuha ng kasama iyan? Sino?

Hindi namin kilala ang lalaki, boss nakaupo sila at naghihintay ng flight nila."

Anak ng.....! Gagawin ninyo ang iniuutos ko sa inyo, Josue.

Kung hindi ay mananagot kayo sa akin. Gamitin mo ang tsapa mo! Dalhin ninyo sa akin si Kathryn.

Isang lalaki lang iyang kasama niya. Huwag ninyong sabihing hindi ninyo kaya iyan! Pinutol niya ang linya.

Gregor pov....

Nagpalakad-lakad siya sa loob ng silid. Sumisingasing siya sa galit. Itinawag lang sa kanya ng mga tao niya sa Malabon na nahalughog na ng mga ito ang bahay subalit wala ang mga alahas?

Si Kathryn lamang ang susi roon. Hindi siya nakatitiyak kung hindi nga alam ni Kathryn kung saan itinago ng tatay nito ang mga alahas.

Pero kaya nitong tukuyin at isipin ang maaring pagtaguan ng mga iyon.

Sumingit sa isip niya ang itinawag lang tao niya sa Laoag lalaki?

May kasama lalaki si Kathryn! Nakahanap kaagad ng makakatulong. Nagsusumingasing siya sa paninibugho.

Okininana! But I don't want to kill her. I want her. I need her. Kailangan q ang kayamanan ng tatay niya ang mga ari-arian at pera ni Julio Bernardo sa banko ay aabot tiyak ng isandaang milyones.

Kailangan ko ang salaping iyon. Nabulilyaso ang plano niya sa mga alahas.

Na lalo pang nabulilyaso sa hindi inaasahang pagdating ni Kathryn sa Sarat. Kung buhay man ngayon sina Julio at Alvin ay natitiyak niyang mapapatay rin niya.

Napakadali para sa kanyang nakawin ang mga alahas na iyon sa gabi kung hindi lang sana tinalo pa ang central Bank sa uri ng bakal na nakakabit sa mga bintana at pinto.

May isang alarma sa tindahan na si Julio at Alvin lang nakakaalam ng code.

Huminga siya nang malalim kapirasong aberya lang. Pasasaan ba't mahuhuli ng mga tauhan niya ang babaeng iyon.

Sino ang kaaway mo? Tanong ni Marva na pumasok sa silid niya. Kapag nagagalit ka'y lumalabas ang totoo mong anyo.

Natanawan sa airport sa Laoag si Kathryn. May kasamang lalaki.

Umangat ang mga kilay ni Marva. Oh." Kung sino man ang lalaking iyon papatayin ko siya!"

Wala na siyang dapat ipangamba. Nasa loob sila ng waiting room at naghihintay ng eroplano nila. Inihatid sila ni Mang Ted sa airpot sa Laoag.

Sila ni James. Hinayan niya ng tingin ang men's room. Nagpaalam si James na sasaglit lang doon. She smiled. Hindi siya makapaniwalang sasamahan talaga siya nito hanggang sa Malabon.

Naisip niya si Lea. Nag-aalala siya dahil wala itong kasama kung ito man ay naka- confine sa ospital.

Si Rhona ay nasa ospital pa rin and would be discharged tomorrow. James suggested that they would stay in his condo considering that the house in Malabon was in total disarray.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may maupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

Kasunod niyon ay ang pagkaramdam niya may nakatutok sa tagiliran niya.

Huwag kang gagawa ng ingay. Kathryn," wika nito. Baril ang nakatutok sa tagiliran mo. At unang mamatay ang kasama mo kapag pumalag ka."

S-sino ka? Ano ang.... kailangan mo sa akin? She wondered why she had to ask. Alam niya kung sino ang lalaking ito at ang lalaking marahil ay posibleng nakaabang kay James sa men's room.

 
 

   Tumayo ka nang walang ingay at lumabas. Bilis! Nang tumayo siya ay kasabay niya ito at agad siyang inakbayan ng lalaki.

   Nahihintakutang nilingon niya ang men's room at baka sakaling matanaw si James. Idinamay niya ito! Paano kung ang taong nag-aabang dito ay saktan din ito?



   Huwag kang magtangkang manlaban, Kathryn. Tinitiyak ko sa iyong papatayin ng kasama ko ang kasama mo na pumasok sa CR.


   Sa mga sandaling iyon ay hindi siya nag-aalala para sa sarili niya. She was wirried about James. Halos kaladkarin siya nito palabas ng airport building patungo sa parking area.

   Sa may dulo at madilim na bahagi ng parking lot.

Naroon ang isang itim na van na malayo ang pagkaparada kaysa sa karamihan. Bagaman walang ibang sasakyang naroroon sa lugar na iyon dahil madilim na at ang katabi niyon ay damuhan.

   Gustong maiyak ni  Kathryn. Sa kabila ng ginawa niyang pagtakas ay mahuhuli rin pala siya ng mga tauhan ni Gregor,at idinamay pa niya si James. Sana ay walang malubhang nangyari dito. Sana ay siya na lang ang tangayin ng mga ito.




   Binuksan nito ang pinto ng van. "Pumasok ka sa loob at huwag kang magtatangkang tumakas! "utos nito.

   Muli nitong isinara ang pinto at tumayo roon at sa wari ay nakabantay. Nakatanaw ito sa may airport building.

  Muntik nang mapahagulhol si Kathryn nang malakas. Hinihintay nito ang kasamang lumabas at posibleng sinaktan si James.


     Mamaya pa'y inis na dinukot ng lalaki ang cell phone sa bulsa nito at may tinawagan subalit sa wari ay walang sumasagot dito. Nakikita ni Kathryn mula sa tinted glass ng van ang galit sa mukha ng lalaki.

   Palakad-lakad ito habang patuloy sa pagtawag sa kasama. Naiinip na tiyak ito sa paglitaw ng kasama.

  Kung anu-anong masasamang kaisipan ang nakabalatay sa utak niya.

  Naroong nakahandusay sa loob ng men's room si James, o di kaya ay sa loob ng toilet cubicle at duguan.

   She didn't think this man would kill her. Kailangan siyang buhay ni Gregor para maituro ang mga alahas.

  At kung papatayin man siya upang wala testigo sa ginawang robbery at murder ng mga ito ay maririnig ng mga security ang putok ng baril. Kukuha ito ng atensiyon.....

The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon