I wear my sweetest smile as I saw an old man in a wheel chair, staring at the children playing. He didn't notice me so I walk and jump in front of him.
Tumawa ako nang makita ang bahagya niyang pagkagulat na nasapawan din agad ng tawa. Umupo ako sa bench sa gilid niya.
"Elle, apo ikaw pala,"nakangiti niyang sabi.
Hinagod ko ang tingin ko sa kanya. He changed a lot.
"Kumusta ka na?"
Tinitigan ko muna siya sandali bago sumagot. " As always,"
Nagkibit-balikat ako.
"Sabihin mo sa'kin ang nangyari, apo," his voice is just so comforting.
Ilang sandali lang ay umiiyak na naman ako. Halu-halong emosyon ang nangibabaw sa akin. Kinuwento ko sa lolo ko ang lahat ng nangyari pagkatapos ko siyang bisitahin noon hanggang ngayon, wala siyang ibang ginawa kundi makinig at hagurin ang likuran ko.
"Lo, I'm tired."
Sinulyapan niya ako.
"Patience, apo."
Tinanaw niya ang mga batang naglalaro, nakangiti siya ngunit hindi saya ang nakikita ko roon.
"Ang saya nila, sa tingin mo alam na kaya nila ang mangyayari sa kanila?" tanong niya. Huminga siya ng malalim bago magpatuloy. "Sinusulit nila ang panahong meron sila. Ang iba ay pinipilit maging masaya at may tanggap na ang mangyayari sa kanila. Lahat ng mga narito ay may malala ng sakit at lahat din ay gustong mabuhay."
Natigilan ako. "Lolo."
"Himala nalang ang hinihintay namin para gumaling," malungkot ang boses niya ngunit puno ng pag-asa.
Bumuntong hininga ako. Natuyo na ang mga luha ngunit may nagbabadya pa rin.
He grab my left hand and touch my wrist. It has a scar on it.
"Do you know the value of life?" He said it very slowly. "Life is meaningful, you can only understand it if you learn to live with it."
Umangat ang tingin ko sa lalaking naka-hospital gown na lumapit sa amin ni Lolo. May kasama siyang nurse sa likod. Nakangiti siya at maliwanag ang mukha. He must be a patient too.
"Lo, tara na po. Hinihintay na po tayo sa loob," sabi nito at hinawakan na ang wheel chair ng Lolo.
Inayos ko ang sarili at tumayo bago siya niyakap.
"I love you, Lo. Please take care of yourself," bulong ko at kumalas sa kanya.
Inabot ko ang regalo ko sa kanya. Pinagawa ko ito para sa kanya. A two wooden heart in a silver bracelet.
Lumambot ang puso ko nang makita ang maganda niyang ngiti nang isuot ko 'yon sa kanya.
Bago sila umalis ng kasama niyang nurse ay nagpaalam muna siya sa akin. Ang lalaking kasama nila ay inutusan ni Lolo na ihatid ako palabas.
Naglalakad na ako palayo at hindi ko napigilan ang lumingon pabalik. He's waving his hand as he wore the most sweetest but also a saddest smile I've ever seen.
Ngayong araw na ito, hindi ko akalaing ang ngiti ay kayang magbigay ng maraming kahulugan at pahiwatig gaya ng nakikita sa mga mata.
Lumingon ako sa lalaking kasabay ko nang pinatong nito ay kamay sa likod ko, mahinang inakay para magpatuloy.
He said something. Lagi ko itong naririnig sa kanya pero kahit kailan ay hindi ko napagtuunan ng pansin.
Ngayon lang.
"Elle, I want you to keep living."
_______
Chinimiea
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Teen Fiction"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...