Chapter 11

22 5 3
                                    


"Elle!"

Napahinto ako sa kalagitnaan ng paglakad. Mula sa corridor sa 2nd floor ng HUMSS building nakita ko silang kumakaway sakin. Nakaupo sila sa damuhan sa field, nakasilong sa malaking puno. Naging tambayan na rin nila ang tambayan ko.

Medyo malayo ang field sa building namin pero sa boses pa lang ni Salli ay hindi na yata kataka-takang marinig sila. Sumenyas ako saka bumaba at pumunta sa kanila.

"Antagal mo, gutom na kami, oh," malungkot na reklamo ni Gino pagkalapit ko. Umupo ako.

"Bakit?" Nagtaas ako ng kilay. "Ako ba ang may hawak ng pagkain mo?"

"Aruy!"

"Sunog!"

That was a joke. Pero umawang ang bibig ko nang yumuko siya at pagkaangat ng ulo ay malapit ng tumulo ang isang luha.

I panicked. How come he became so sensitive?

"H-Hey, I was--"

"Hala ka, Elle! Pinaiyak mo."

"Lagot, kanina pa yan gutom eh."

"N-No. Hindi ko naman sinasadya. Biro lang."

"Ang sama mo." Suminghot siya at humikbi. "Palibhasa 'di alam ang pakiramdam ng nagugutom."

"Tama, nagdurusa na tayo tapos siya walang pakialam. Nananaray pa,"dagdag ni Draquen na nagkunwaring malungkot din.

What the freaking fudge?

Kumunot ang noo ko habang papalit-palit ng tingin sa dalawa. Pareho silang nakatitig at mukhang malungkot. Umiling na lang ako at kinuha ang food container na may lamang panglunch ko.

"Tss..."

To be honest, I don't usually pack food for lunch, I buy food in the cafeteria or eat somewhere. I eat here in the field, in the comfort room, or in cafeteria alone. It just changed when they started to exist in my world. My surrounding lit up colors whenever I'm with them.

I realized that they are just tripping me when they burst out laughter. Right, they love seeing me annoyed. Lalo na si Draquen na laging pasimuno. Parang hindi mabubuo ang araw nang hindi ako nakikitang nakasimangot.

He will always say: "Mas mabuti nang nakasimangot ka at naiinis, kaysa naman sa mukha kang robot."

Gaya ng nakasanayan nila, nagdasal muna kami bago kumain. Joy lead the prayer.

"Guys, nakalimutan ko sabihin kahapon. Our club adviser divided the club members into groups. By six kaya may makakasama pa tayo sa pagperform. Magbabanda tayo," sumubo siya ng kanin. "Mamaya malalaman ang kanta. Chat ko na lang."

"Ano ba yan. Diba theater musical tayo? Bakit may banda? Tapos may sayaw pa na di naman kailangan. Pahirap eh," dinig kong reklamo ni Draquen na nasa harap ko.

"Hindi ka nakikinig kay Sir," siniko siya ni Joy. "Diba nga binago ng council ang club? Upgraded na. Musical club na nga dapat hindi na theater pero doon pa rin tayo since doon na ang nakasanayan at walang available na facility. Hindi pa alam ng karamihan kaya big surprise ang performance natin kung nagkataon," malumanay na paliwanag ni Joy. Saka niya pa lang ata na-gets at magsasalita na sana nang may tumalsik galing sa bibig niya.

Lahat kaming nakakita ay napaungol sa diri. It's disgusting!

"Hindi ka ba aware sa "Don't talk when your mouth is full" ha?!" Asik ko. Muntikan ng mapunta sa pagkain ko ang isa sa mga tumalsik.

Ew!

Afterwards, we end up laughing.

Ito pala ang pakiramdam ng makawala sa limitasyon sa ibinigay sa akin ng magulang ko. Ang pakiramdam na makawala sa sariling mundo. Kung nag-iilusyon na naman ako, hinihiling ko na sana manatili na lang ako rito. Ayoko ng umalis. I will trade everything for this feeling.

Sometimes, I wake up in morning worrying that all I've felt was just a dream. That they are just my wild imagination pero totoo sila. Nakapasok sila sa buhay ko, pinintahan at pinaliwanag nila.

But then... my other self always contradict.

They were just a vast of moment, a blink of an eye and a particle of color in this colorless world.

Kumbaga isa lang silang mabilis at magandang na pangyayari na sandali mo lang mararanasan dahil sa huli ay babalik ka pa rin sa kung ano ang tunay mong mundo, ang tunay na ginagalawan mo.

"Oh, shit,"minura ko ang sarili at pinunit ang isang papel. "Focus, Elle. Please, focus!"

Paulit-ulit kong pinupukpok ang noo gamit ang nakakuyom na kamao. I am really frustrated. Kinalma ko ang sarili at konting kumbinsi pa bago nagbasa ulit at nagsulat sa notebook. Hindi ko na namalayan na dahan-dahan na palang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

I can't understand it. Bakit may luhang tumulo?

"You stupid. Wag kang mag- inarte. Study."

Tinanggal ko muna ang suot na reading glasses at pumikit ng mariin. Narinig ko ang marahang pagbukas ng aking pinto, pero nang lingunin ko yun ay pasara na at kamay nalang ang nakita ko. Si Dad.

Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto ko. Nakasarang bintana, madilim at lampshade lang ng study table ang liwanag sa kwarto. Punong puno ng academic books at sticky notes reminders tungkol sa school ang makikita sa mesa. A few encouraging quotes but doesn't help for me. This is my world.

-

"Bravo! Your voice is amazing!"

Pumalakpak si Sir Roy matapos kong kantahin ang line ng kanta na binigay niya sakin. We are already starting to practice our band. At nalaman ko na si Mia pala ang tinutukoy ni Salli na kasama namin. Well, wala lang naman yun sakin, akala nila magagalit o maiinis ako pero I'm being casual. Chill lang.

"You sure ayaw mo maging main vocal?" Tanong ni Salli sa tabi ko pagkaalis ni Sir para tumingin sa ibang grupo. "Palit tayo. Ang ganda talaga ng voice mo, smooth but powerful."

Ngumiti lang ako. "No, thanks. I don't want too much attention."

Umalis ako at bumaba muna ng stage. Kinuha ko ang bottled water sa bag at tumungga.

"Uh, excuse me," lumingon ako sa babaeng nagsalita sa kanan ko. "Elle, right?"

She was welcomed by my blank stare.

"Yes. Bakit?"

Parang nahihiya pa siya, hindi ko siya kilala pero pamilyar ang mukha niya dahil member din siya ng club. "Napanood ko ang practice niyo kanina. I was stunned by your voice, hindi ako makapaniwala na may ganoon kang boses. Ang ganda..."

Bahagyang tumaas ang kilay ko.

"Thanks," I said it casually.

Hindi pa rin siya umaalis at kunwaring nagulat. " Welcome! I was just wondering... sabi kasi ni Sir halos nakuha mo raw ang mga nota sa mga lines mo, matagal ka na bang kumakanta?"

I knew it. "My mother enrolled me in a voice lesson nung bata pa ako then my grandpa taught me few years ago."

"Oh! Thanks! Ang galing mo kasi. I wish I could be like that. Sige," Tumalikod na siya at pumunta sa kumpol na babae na nag-aabang sa kanya.

Tumalikod ako at umirap. Akala niya mauuto niya ko, I can sense envy and insecurity in her voice. Siya ata yung napagalitan ni Sir kanina for some reasons.

Mayroon talagang mga taong inggitera at maninira. Mangangarap na magkaroon ng buhay na tulad ng iba. But if I were them? I would never wish to live as the almost perfect and the outstanding student, Elle Ain Reyes.

Mali sila ng kinainggitan. My life sucks.

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon