Chapter 26

16 3 0
                                    

How long will you endure? How deep is your passion for someone? Paano mo mahahanap ang kaligahayan nang walang nasasaktang iba?

Through the years, I was terrified of the disappointments I might get then I realized that it doesn't matter if they will felt that way. As long as you accept yourself, you know what makes you young and free, their opinion won't matter.

But it's my Dad. Siya na lang ang natira sa akin. Nang mawala ang mommy ko ay sobrang nadurog ako pero noong nasundan iyon ng pagkamatay ni Lolo, pakiramdam ko ay pinagkaitan na ako ng mundo. Si Dad na lang ang nandyan kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa kaniya.

Doon natutunan ko ang isang bagay...

If you love, you suffer. If you treasure, you lost. If you only endure what will be the outcome? Some says happiness, peace and freedom but I say nothing. You can't keep enduring while doing nothing. Hindi pwedeng maghintay ka ng magandang bunga kung wala ka namang ginawa na makakatulong dito. Hindi pwedeng maging masaya ang isang tao nang walang ginawang pagbabago sa buhay niya.

Hindi pwedeng magtiis lang dahil baka huli na ang lahat para isiping hindi na mapapalitan ang landas na binigay sayo.

"You are such a disgrace!" Galit niyang sigaw kasabay ng malakas na sampal na tila bumingi sa tenga ko. Halos mawalan ako ng balanse habang hawak ang kaliwang pisnging dinapuan ng kanyang kamay. Mabilis na nanikip ang dibdib ko kaya akmang lalagpasan ko ulit ang aking ama pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at binalik sa pwesto.

Pero hindi sa lahat ng oras ay gagawin mo kung anong pabor sa kanila. Maikli ang buhay at kapag naubos ito ay maaaring huli na ang lahat para pagtuunan ang sarili mo. Binuhay ako sa mundong ito hindi para kontrolin kundi bumukadkad. Tulad ng isang napakagandang bulaklak sa pagsikat ng araw o bahagharing lumalabas matapos ang maharas na ulan.

If you only keep enduring you get nothing. You also have to fight and be brave while doing it.

"Anong sinabi ko?! Ha! The Ramirez' declined my proposal! You should've done better! You ruined everything, you fool!"

Habang nakayuko ay marahan akong bumuga ng hangin upang pigilan ang hikbi at papatulong luha. Sinubukan ko ulit maglakad.

"Dad, please... Not now, I need to rest--"

"Huwag mo akong tatalikuran! Elle, sumusobra ka na! Simpleng gawain ay hindi mo magawa? At natutunan mo pang sumuway? Iyan ang natutunan mo sa mga hampaslupang kinaibigan mo! Mga walang kwenta!" Pagalit niyang saad. Umangat bigla ang mukha ko at tiningnan siya. Doon lumalabas mula sa kung saan si Tita Rina at agad na dinaluhan si Dad.

"Hon, what's this? Kakarating lang ni Elle, let her rest first." Nakahawak siya sa braso nito habang sinusubukang pakalmahin. Only that Dad seems had reached his limits. "Hon?"

"Hindi, Rina. Masyado na siyang nasanay na sumuway kaya kailangan ng leksyon," matalim ang mga titig niya sa akin. "Nakakahiya ka, Elle. Habang todo ang pagmamalaki na binibigay ko sa mga kaibigan ko tungkol sayo heto't natututo ka ng magrebelde! You ditched that party for your useless camping? Unbelievable! Hindi mo alam ang kahihiyang natanggap ko habang ikaw ay nagpapakasasa sa bundok na 'yon. At hindi ka pa nadala-- you even ignored my calls!"

Yes, I did that. Iyon ay dahil gusto kong makalimot kahit sandali lang.

Huminga ako ng malalim. Sinalubong ko ang galit niyang mukha.

"W-Why Dad? Why is it so important that you have to slap me? Why is it so important that you forgot that I also have my own life, I also need to be free, to please myself not only you and everyone around me?" Humihikbing bulalas ko. Tuluyan ng tumulo ang mga luha. "Is it too much to ask for happiness? I am too suffocated, to drowned and heaven knows how I want to give up... I am you daughter, Dad... Y-You have to understand me. Am I asking too much?"

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon