Chapter 25

8 2 0
                                    


Masigabong palakpakan ang namutawi sa buong theater room. Kasabay nito ay ang pagyuko ni Mia at ng partner nito tanda na tapos na sila sa pagkanta.

Kami naman ay nakasilip mula sa sulok at doon nanonood. Medyo kinakabahan ako lalo na't hindi ako sanay sa ganito at napakaraming tao sa labas. Akala ko ay mga bata lang pero may iilang magulang at mga staffs na galing pa atang hospital.

Speed, right? Today is our final performance as a musical club and probably the best experience we've ever had before graduating.

Matagal namin itong pinaghandaan. Frustration, tiredness, at excitement ang inialay namin para mabuo ang bagay na ito. Para sa mga bata, para magbigay pag-asa.

"You ready?"

Napalingon ako sa gilid ko. Nakatayo si Sir Roy doon pero nakaharap sa mga audience.

Dahan-dahan naman akong tumango nang nakangiti, tinatago ang nerbyos. "Oo naman, po. I'll do my best."

"Dapat lang, ilang beses kitang napagalitan kaya umayos ka ngayon...kundi..." natatawang lumingon siya sakin. "Biro lang."

Masyadong naging mahirap sa'kin nitong mga nagdaang araw. Masyado akong nilamon ng emosyon habang pilit kong ginagawa ng natural ang bawat kilos ko. I remember there were times that I was too spaced out to forget where am I or who was I'm talking with. Siguro'y kasama na roon ang perwisyo ni Sir Roy habang nalulutang ako.

"Elle Reyes! More emotions!"

Halos mapatalon ako nang marinig ang sigaw na 'yon. Nasa baba ng stage ang guro at nakapawemang na nakaharap sa akin. Binalingan ko siya bago ang ibang nag-eensayo rin. Bumuga ako ng hangin samantalang siya ay nasapo ang noo.

"I'm sorry po, I was just spaced out."

"Ilang araw ka ng ganyan. Sabihin mo, may problema ba? Hindi mo ba kayang i-handle ang kanta?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Napayuko naman ako. "Maghahanap agad ako ng ipapalit sayo--"

"No," putol ko. "Kaya ko po, hindi lang talaga ako nakafocus ngayon."

"Sigurado ka?"

"Yes, Sir."

"Then, you should practice more on your expression. Hindi 'yong pilit o di kaya'y hindi mabasa. Pinili kita rito sa role na 'to dahil alam kong babagay sa boses mo, ito na lang talaga ang kulang. Tandaan mong emosyon ang labis naghahatid ng mensahe sa mga manonood," paalala niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya itong sinabi sa akin." Malinaw na ba tayo?"

Tumango ako.

"Magpahinga ka muna. Babalik ako mamaya."

Bumuntong hininga ako nang nakaalis na siya papunta sa ibang kumakanta at pinuna ang pagkakamali nito. Mas naging strikto na kasi si Sir, sineryoso niya ang bawat araw na narito kami sa theater room para magpractice lalo na't ilang araw ay gaganapin na ang performance. Hindi na rin ganoon kaabala sa academic dahil pinasa na ang dapat ipasa at pahabol nalang ang binibigay ng mga professor para matapos ang ginagawang grades.

Nakikita ko rin ang nag-aalalang tingin ng mga kaibigan ko na binigyan ko lang ng tipid na ngiti.

Madalas ko pa rin silang kasama pero ganoon yata ako kalungkot para minsan ay nahahawa ko na sila. Bagay na pinakaayaw ko.

"Congratulations," bungad ko nang makasalubong si Mia. "You were awesome."

Gaya ng inaasahan ay mukhang nagugulat pa rin siya sa mga biglang pakikipag-usap ko. Natawa ako sa inasal niya.

"T-Thank you, uh, Elle," alanganin siyang ngumiti. "Ikaw rin galingan mo."

"Of course," ganti ko.

"Uh, ano..."

"Still nervous? Am I too intimidating?" Napagawi ang ulo ko sa kanan at bahagyang tumawa na parang hindi makapaniwala.

Matagal ko na rin iyong tanong sa sarili ko. Halos lahat ng nakakasalamuha ko ay pare-pareho ng reaksyon. Ngayon isa na si Mia. Am I too much?

Konting konti na lang ay iisipin ko na na ganoon kalakas ang alindog ko. natawa ako sa isip-isip ko. This is what Draquen's conceited attitude did to me! Nahawa na ata ako.

"You know what?" Naningkit ng konti ang mata ko sa kanya. "I'd realized that maybe... you're right. May ginawa ka pa rin namang kasalanan sa akin kaya siguro tama lang yung sampal na binigay ko noon. I still hate you," biro ko sa huling pangungusap.

Napaangat siya ng tingin sa akin.

"What?"

"Hmm," tumango-tango ako. "Kumusta na pala kayo ni Mark?"

Doon siya napangiti. "Ayos naman. Masaya kami."

"Wala pang away?"

"Minsan, pero mabilis maayos."

"Can't wait for you two to split up," ngiwi ko. Syempre ay biro rin iyon. Nanlaki ang mata niya sa akin, parang hindi makapaniwala.

"Don't tell me you haven't move on?"

"Hell! No way, I just wanna see him cry."

"Gaga ka talaga!" Tumawa siya ng konti na ginantuhan ko rin." Sa tingin ko ay mas gusto ko na ang Elle ngayon. You were better!"

And at last I see the light...
And it's like the fog has lifted
And at last I see the light
And it's like the sky is new
And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything looks different

"You think so?" Napagawi ang mata ko sa stage kung saan si Lisa ang kumakanta. Suot nito ang mahabang lila na damit pambabae at gintong wig habang dinadama ang kanta.

Sa kabila ng panlalaki niya niyang boses ay labis pa rin ang aliw ng mga manonood. Natutuwa ako para sa kanya. Imagine how he beg for that role, he almost kneel to our music club adviser just allow him to sing that song.

Sabi niya pa dati. "Sir! Kahit isang beses, iparanas nyo sa'kin maging babae! Gagandahan ko ang outfit ko promise!"

Siya talaga ang nagdadala ng ingay sa kabila ng seryoso naming practice.

"Yes, so..." napalingon ulit ako sa kaniya. Nagtaas ako ng kilay ng maramdaman na naman ang alinlangan ni Mia. "Uh, friends?"

Mabilis akong tumango at ngumiti. "Sure!"

"Now, I really think you deserve the role Sir gave you!"

Now that I see you....

Umalis na si Mia at mula sa backstage ay nakita kong naroon si Mark na agad sumalubong ng yakap sa kanya. Nakangiti ko silang tinanaw.

"Loves."

Natauhan lang ako nang lumapit si Draquen sa akin at umakbay. Naramdaman kong inamoy niya ang buhok ko. Madalas niya itong ginagawa nitong nakaraang araw. Nasanay na rin siyang tawagin ulit ako ng 'Loves'. His endearment for me.

"You look good on that Jasmine's outfit..."

Kumurap ako at binaba rin ang tingin sa suot. "Thanks."

"You ready?"

Huminga ako ng malalim. Yes.

"Let's rock this hard," tumango ako sa kanya.

Ngumisi siya ng malapad sa akin na ginantihan ko rin.

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon