Chapter 21

19 2 0
                                    

Tamad akong nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Clyde. Ang nirereto sa'kin ng magaling kong ama, nakasandal ang ulo ko sa bintana at hinayaan siyang magsalitang mag-isa. Parang hindi siya nawawalan ng topic, kahit na halatang wala akong interes ay patuloy pa rin siya.

I'm sure masaya siyang kausap at maging kaibigan, he's not boring. Sa madaling salita ay walang problema sa kanya liban sa katotohanang ibinubugaw ako sa lalaking ito. Iyon ang nakakagalit, ayaw ko ng ganoon.

Nagbabyahe kami ngayon patungo sa paaralan ko, sinundo niya pa ako sa bahay para ihatid dito.

"Can you shut up? Naiinis ako, Kuya," I emphasized the last word but still looking at the window. Lumingon ako sa kanya nang hindi siya umimik, he looked so amused. Umiling nalang ako at inabala ang sarili sa cellphone.

As much as I don't want to be rude but I just can't help it. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon, dapat ay rumespeto ako pero hindi ko magawa, this is different on Mark's case dahil buo talaga ang loob ni Dad na itali ako sa lalaking 'to!

Tinatawag ko siyang "kuya" para naman matauhan siya na sobrang tanda niya na para sa akin.

Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse ng ilang minuto. Until he burst out a laughter like he heard the funniest word in the world. Bahagya pa akong nangamba dahil nagmamaneho siya.

"S-Stop laughing! Baka mabangga tayo!"

"I can't help it! I thought you're a good little angel just like what your Dad said!" Halos hirap na siya huminga pero natatawa pa rin. Doon ko napansin na kaunti na lang pala ay nasa tapat na kami ng university. "Looks like he doesn't know you well."

Huminto na kami pero hindi pa rin ako lumalabas.

"You're old. I don't like you," diretsa ko habang nakatingin sa kaniya.

Lumingon siya at tumaas ang kilay saka tumango- tango."Really?"

"Oo, kaya itanggi mo na ako sa kanila."

"No one rejects me like that," parang sinabi niya iyon sa sarili saka ngumisi sakin. "I guess you already like someone else."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Just do it... Kuya!"

Ayon at natawa na naman siya, "No, tell that to your Dad. Siya ang lumapit sa amin."

Of course, I know that!

Bumuga ako ng hangin, kumuyom ang mga nakatago kong kamao. Nagpapasensya.

"Bakit parang wala kang pake? Do you want to be tie with someone you didn't love? Bakit hindi ka tumatanggi sa kanila!" Naramdaman kong nangilid ang luha sa mata ko habang nagpipigil ng galit at nakatitig sa kanya.

Pansin kong natigilan si Clyde at ilang ulit na napalunok bago umiwas ng tingin.

"Why?Ayoko sayo!"

"Dahil alam kong tatanggi ka, noong una kitang makitang nakatitig sa Daddy mo alam kong makakaya mong mag-isa. I know that it is your fight with your Dad, so I won't meddle," lumingon ulit siya at may inabot nang panyo mula sa bulsa niya. "Huwag mong ipamukhang ayaw mo sakin dahil ayaw ko rin sayo. You are so young. You're not my taste and my girl is much prettier than you."

Hindi ko alam kung nang-aasar siya o seryoso pero naginhawaan ako. Hindi ako nainsulto. Bata pa lang ako ay alam ko na sa sariling kong maganda ako at maraming nagkakagusto sa mukhang 'to. Halos hindi ko na nga mabilang ang mga sumubok manligaw!

"Kung may nagugustuhan ka, ba't ka pumayag dito?" Tanong ko.

"She just broke up with me. I'm giving her space."

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon