Chapter 5

57 16 27
                                    


It was nearly six o'clock when I got home. Nagtaka ako dahil madilim ang loob ng bahay, binuksan ko na lang ang ilaw sa sala bago umakyat at dumiretso sa kwarto.

Tinanggal ko lang ang sandals ko saka humilata na sa kama. Wala sa sariling napangiti ako habang nakatitig sa kisame. I really had a great time talking with Nanay Rose. Hindi na pala siya nakapag-asawa at itinutuon na lang ang atensyon sa pag-aalaga ng mga pasyente sa hospital. Kaya ganoon na lang ang saya niya nang dumalaw ako.

Mahigit dalawang taon na rin noong huli akong dumalaw doon; ilang araw matapos mamatay ni Lolo para balikan ang mga alaala naming dalawa. Now, I've already moved on.

Kanina rin pagkatapos kong bumisita sa hospital ay dumiretso ako sa cementery kung saan nakahimlay si Lolo at Mommy. Dinalaw ko sila at kinumusta.

Bigla akong tumayo, binuksan ang bintana at kinuha ang upuan sa study table saka naupo roon at pinagmasdan ang langit.

A memory flashed in my mind.

"Mom! Why do stars shining so bright? And only appears at night?" I asked her as she comb my hair. We were sitting at the bed with the windows wide open.

Then she hugged me and planted a small kiss in my forehead.

"Because stars tells us the beauty of darkness as well as the moon at night."

"Really?!"

"Yes Sweetie, it also reminds us our love ones. Kaya naman kapag na-miss mo kami o ang mga friends mo, just think that they are also looking at the sky as you are," she said it sweetly.

Gumaan ang pakiramdam ko sa alaalang 'yon at nakangiting tumingala.

"Mom, I missed you so much," pagkasabi ko noon ay kusang tumulo ang luha ko.

Pinunasan ko 'yon.

"Mom, I think Dad is already crazy, I don't know him anymore," mapakla akong tumawa. Lagi akong  nagsusumbong kay mommy noong bata pa ako pero simula ng mamatay siya ay ngayon lang ulit ako nagsumbong.

It's ridiculous to think that I'm afraid that she will worry in heaven if she sees me crying and tell her my struggles.

Natigilan lang ako nang makitang nagv-vibrate ang phone ko. Kinuha ko yun mula sa kama at sinagot.

"Where are you?" Panimula ni Dad.

"Sa kwarto, kakarating ko--"

"In my office, now." Then he hang up.

Doon ko napansin ang text message niya kaninang five pa.

Inayos ko muna ang sarili bago lumabas at dumiretso sa office ni Dad na katabi lang ng kwarto niya.

Akala ko ako lang mag-isa rito. Inantay niya pala ako.

Maingat akong kumatok sa pintuan bago dahan-dahan itong binuksan. Tumambad sa harap ko si Daddy na seryosong nakaupo sa office table at may binabasang papeles.

"Dad," basag ko sa katahimikan. Saka niya palang ako tiningnan sa mata.

Napayuko ako. Nakita ko sa dalawang matang iyon ang pagkadismaya at galit. Muli ay tinanong ko na naman ang sarili.

"Why do you think I call you here?"

"I don't know."

Halos mapatalon ako nang bigla niyang hinampas ang lamesa.

"Worthless!"

Pumikit ako ng mariin.

"Mark broke up with you? Alam mo kung gaano kaimportante ang mapalapit sa kaniya para pumayag ang parents niya na mag-invest, what did you do?"

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon