Chapter 7

49 15 10
                                    

Umaga nang maabutan ko si Dad at kuya Richard sa dining at nagbebreakfast which is odd. Minsan ko lang sila makasabay sa umaga dahil maaga ako sa school or maaga sila sa work. Even Tita kahit siya ang maaga at dito lang sa bahay dahil pinipili kong hindi siya maabutan. Ang maid lang ang naghahanda ng food ko dahil nakasanayan na madaling araw pa lang ay kakain na ko.

"Good morning," halos bulong ko nang maupo sa hapagkainan.

Kumuha ako ng sunny side-up at isang hotdog pati rice bilang umagahan ko. Binati ako ni tita na nginitian ko naman.

"Sige kumain ka pa, anak, I cooked all of this," sambit niya.

Anak...

Natigilan ako sa pagsubo at umangat ang tingin sa kaniya. Nakita ko kung paano siya nagulat sa sarili niyang sinabi saka mabilis na umiwas at binaling ang atensyon sa batang anak.

What did she just said?

Umiling ako at winaksi na 'yon sa isipan.

"Good morning, ate,"nangibabaw ang maliit na boses ni Marco na puno pa ang bibig ng pagkain. Sinulyapan ko lang siya.

"Bakit andito ka pa?" biglang tanong ni Daddy ngunit nasa pagkain pa rin ang paningin.

I unconciously look at my wristwatch, 7:00 a.m then turn to him.

"8 o'clock ang start ng pasok namin ngayon, Dad. May program kasi sa school," malumanay kong tugon.

"Really,what's that?" Si Tita Rina na nakatingin na sakin.

This is ackward. I know she's just to get close to me, like she always do if there's chance and I keep on ignoring her efforts. Hindi siya katulad ng ibang step-mother na mapagkunwari, ako lang talaga ang problema but I never voice it. I'm just being casual.

Nag-isip ako sandali kung sasagot pa ba ako pero sa huli ay pinili ko ang magsalita. "Booths po para sa mga clubs na pwedeng salihan at sports."

Pagkatapos noon ay tumahimik ulit, ilang minuto pa nang nagsalita si Dad.

"Anong sasalihan mo?May gusto ka ba?"

I was caught off guard, I didn't expect him to be interested in our current topic. He look up at me and wait for my reply.

This is odd.

I talked to myself. Ano nga ba ang gusto ko?

An image suddenly popped in my mind.

"Actually, There is one," mabilis kong sabi, bahagya rin akong nagulat sa tono ng boses ko. It sounds like I'm excited and nervous. Tumaas ng kaunti ang kilay niya. "A musical club, Dad."

"That's great! I didn't knew you had a talent, Elle," masayang sabi ni Tita Rina. Napalingon ako sa kanya at ngumiti.

She likes it so maybe... there's a chance that Dad will.

I will take risk.

Yes, I just ate what I said to Draquen. Nagpalusot ako at tumakas pero ang totoo ay 'yon ang gusto ko, matapos kong pag-isipan ng isang buong gabi. Interesado ako sa club na iyon.

"I thought it was going to be journalism or be a part of student council," bumalik na ulit siya sa pagkain.

Natigilan ako sa sinabi niya, bakas ang disappointment doon at tila nawalan na ng interes. It can't be. He's expecting wrong.

"Walang koneksyon sa strand na kinuha mo. And since when did you like arts? Baka maging sagabal."

Sinubukan kong dumipensa. "But Dad, hindi naman laging may meeting and event. Besides, I can manage everything well."

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon