"Good morning, Elle."I never thought a smile could make my surrounding stop for a second. Parang bumagal ang lahat ng ilang segundo at pagkatapos ay bumalik ulit nang maramdaman ang panibagong hampas ng baklang nasa tabi ko lang.
Napaaray na ako ng malakas at kagulat-gulat na roon lang siya natauhan. Nakatulalang napatingin sa akin at sa braso ko.
"Andito ka pa pala?"I rolled my eyes then arched a brow. Someone just forgot my presence after hitting me.
Dumapo ang tingin niya sa nakaakbay sakin at kitang-kita kung paano lumandas ang mata niya sa kabuoan niya Draquen bago tumingin sa gawi ko. Umikot muli ang mga mata ko.
What's wrong with him? Tss, gays. Nakakita lang ng panibagong gwapo ay nalimutan na naman ako. Wait, did I just said Draquen's handsome? Yes, he is, but so annoying.
"Hala! Sorry, akala ko... teka, paano ba to. Elle, I thought... argh! Hindi ko sinasadya, girl."
"O-Okay lang."
"Bakla, ang plastic mo," biglang sabat ng kasama ko pero biglang tumawa habang nakatingin sa akin. "Pero mas plastic itong kasama ko. Ang galing magkunwari."
"Ay! Totoo?"
Agad na sumama ang mukha ko nang pareho nila akong pinagtawanan. Mabilis pa sa alas quatro ang paghampas ko kay Draquen na mas lalo lang lumakas ang tawa at nang-asar pa lalo.
"Elle, biro lang," biglang amo niya pero natatawa pa rin. "Bati na tayo, achuchu..."
Napaurong ako sa biglang lapit nang mukha niya at pinahaba ang nguso. Ang mata niya ay puno na naman ng kalokohan. He keeps on saying "achuchu" like freak? Is he kinda treating me as a puppy?! What a shameless freakin' guy. Hindi na nahiya na dumikit sa akin habang pinagtitingan na kami ng ibang tao. I even heard Lisa's hysteric scream for us.
Gustong-gusto mo naman?
It was a voice from the corner of my mind. Agad na bumilis ang pinting ng puso ko at uminit ang aking mga pisngi. No!
Tinulak ko siya.
"Whatever," irap ko bago lumakad paalis. Sakto namang nakasalubong ko si Gino na mukhang kararating lang.
"Oh, morning," bungad niya na may kasamang ngiti nang huminto sa tapat ko. Pinasadahan niya ako ng tingin. "Ready na ba ang lahat? Ano oras daw tayo mag-peperform?"
"I think hapon pa pero pinagprepare na tayo dati. Baka kasi magsimula ng tanghali."
"Ah," he paused. "Si Salli?"
"In the backstage," sagot ko. "Why?"
Nakahabol na si Draquen at nalaman ko 'yon nang dumantay na naman ang mabigat na braso sa balikat ko at bahagyang hinaplos ang bumbunan ko.
Tinikom ko ng mariin ng mga labi at nagtiim bagang. I looked at him and using my flat voice, I spoke. "Stop it, hindi na ako natutuwa. Ang aga- aga nasisira ang araw ko! Ayaw kitang makita."
Halos mapapikit ako sa inis nang makita na naman ang arte niya, pinalungkot ang mga mata at mukhang batang nagpapaawa. Agad na umamba ang kamao ko sa kanya nang makita na naman ang paparating niyang mahabang nguso.
Ngunit napatanga ako nang hinila niya iyon patungo sa mala pato niyang labi. Literal na nalaglag ang panga ko at uminit ang buong ko.
What? Is? This?
Freakin' hell!
He smirked until he let out a teasing smile. "Kilig ba?"
Napakurap ako ng dalawang beses.
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Teen Fiction"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...