"Most of the time, loneliness, sorrow and pain found in the dark but there will always a flicker that reminds you the beauty of darkness." -chinimiea
__
Nanatili akong nakatitig sa bintana ng bus habang nakatanaw sa mga schoolmates kong nasa labas pa. Maaga akong dumating at kanina pa tulala rito. Naglalakbay na naman sa kawalan ang utak ko.
Today is our three days and two nights camp. Buong grade 12 ay makakaranas nito bago magtapos sa pag-aaral, pero dahil sobrang dami ng seniors, hinati kami ng venue, ang hindi ko lang alam ay kung saan kami pupunta.
I should feel the excitement but I couldn't. I didn't slept good for the last two weeks. Masyadong magulo ang mga nangyari nitong nakaraan. Naging busy ako sa mga tambak na research at requirements, nagsimula na rin ang practice sa performance na sinasabi ni Sir Roy samantalang patuloy pa rin ang ama ko sa pambubugaw sa akin. They are already planning an engagement party! Hindi man lang tinanong ang opinyon ko o ang nararamdaman ko, grabe, hindi na talaga ako makapaniwala sa ama ko. Naiiyak na lang ako sa katotohanang baka ay gusto niya na akong umalis sa bahay dahil hindi sapat ang silbi ko para mapakinabangan niya, nakikita niya lang ang halaga ko sa ganoong bagay. Gustong gusto ko na talaga lumaban pero duwag pa rin talaga ako. Idagdag mo pa sa Draquen, I tried to avoid him but fate already do that, hindi ko na siya madalas makita, madalas ay hindi namin siya kasama nila Salli sa hindi ko alam na dahilan.
Everything happenned like a whirlwind."Teh."
Nagulat ako travelling bag ko na biglang bumasgsak sa kandungan ko. Kasabay noon ay ang pag-upo ng baklang si Lisa sa tabi ko, may bitbit na agad itong junkfoods at chocolate bars.
"Tabi ako, ah?"
Napailing na lang ako at huminga ng malalim. "Sure, nagpaalam ka pa, nakaupo ka na nga oh."
Tinawanan niya lang ako, bumalik ako sa dating ginagawa nang inalok niya ako ng pagkain. Umiling ulit ako.
"No, kakatooth brush ko lang."
"Ay ganon? Pag nakatooth brush bawal kumain?" Nagsalubong ang kilay ko sa pamimilosopo niya, sabay pa sa pagkuha siya ng isang bahagi ng earphone ko. "Pashare teh... Ay walang music? Hindi nakasaksak? Ano ba yan!"
"Hey!"
"Tahimik mo na nga tapos hindi pa wala pang music. Magdadasal ba tayo?"
"Tumabi ka ba rito para magreklamo?" Siniringan ko siya. "Maingay ka."
"Eto naman! Biro lang, ang dilim kasi ng aura mo, masyado kang tulaley to the moon and core. Ilang beses na kaya kitang tinawag kanina," matinis niyang sabi, natigilan naman ako ng kaunti bago humingi ng paumanhin na tinanggap niya agad. "Makikichika rin ako, 'lam mo na."
Tumango-tango ako. "Just don't be so loud. Baka makaabala tayo."
"Hayaan mo sila, mamaya ay may sarili na rin yang mundo."
Ngumiwi ako sa kanya bago binalik ang tingin sa bintana. Halos puno na ang bus kaya nagsimula na itong umandar, gaya nga ng sinabi ni Lisa ay kanya-kanyang ingay ang namutawi sa loob. Minsan ay sinasaway ng guro hanggang sa tumigil na lang ito dahil sa hindi mapigilang kwentuhan. Isa si Lisa sa mga iyon na may matinis na boses, panay ang kwento niya sa akin na pinakinggan ko na lang.
Kahit ang earphone ko ay sinaksak niya na sa phone niya at nagpatugtog ng hindi pamilyar na kanta.
Hinayaan ko na lang siya pero habang tumatagal ay nagiging maa maingay pa siya. Paang walang pake na baka marinig siya ng mga pinagchichismisan niya o ng mga kaibigan nito.
"Alam mo teh, ang papabols talaga ni Andrew! With oozing abs at sparkling sweat, olala!"
"Tapos anlandi naman ni Mareng Tin kung makalapit kay fafa ko akala mo girlfriend! Hay, mas maganda pa ako sa kanya, no."
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Teen Fiction"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...