The sembreak came. My friends and I are still communicating through internet, though we're seeing each other sometimes to bond. Noong nakaraan, pumunta kami sa amusement park.
"Tara! Doon tayo sa Roller coaster!"
Hila-hila nila ako patungo sa iba't ibang rides, wala naman akong nagawa kundi ang sumunod at sabay na humanga sa mga nakikita namin.
"It's my second time here..." usal ko.
Sabay pa silang napalingon sa akin noon, sabay silang nagulat at nagbigay ng parehong salita. Sino ba namang hindi magtataka kung sa tanang buhay mo na nakatira sa lungsod na may isang malaking amusement park, mayaman pa at mapera, ay pangalawang beses pa lang dito.
"Hindi ko na maalala ang una, I was with my parents back then, at ngayon kayo na ang kasama ko."
Sandali silang natahimik hanggang sa binasag lang ni Draquen. "Ako nga first time pa, eh! Sakitin kasi ako dati, kaya hindi ako makapunta."
At bumalik rin sa dati. Maingay at masaya, halos sinakyan namin lahat at pumasok pa sa haunted house nila. It was fine until I saw my Tita Rina with Marco and Dad.
What a coincidence...
Nakaupo sila sa bench habang madungis na kumakain ng ice cream ang kapatid ko. Kakalapit lang ni Dad na may dala namang balloons. They were so happy and perfect.
I don't know what to feel nor react.
Hindi nagtagal ang titig ko dahil napansin ako ni Tita at Marco. She smiled at me and tried to call my name when I shooked my head. Tipid lang akong ngumiti bago tumalikod sa kanila at sumunod sa mga kaibigan kong abala sa pagbili ng snacks namin.
I just don't want to ruin their moods. Besides, I'm here for my friends, I should enjoy my day with them.
Sinikap kong ibalik sa dati ang pakiramdam ko bago sila nakita. I was trying hard to act normal when Draquen approached me.
"Sila ang pamilya mo 'di ba?"
Sigurado ako. Nakita niya. For a guy whose always beside me, observing my every action, teaching me, I shouldn't be surprise.
Medyo creepy siya 'di ba?
Nakaupo kami bench habang ang mga kaibigan namin ay sinubukang sumakay sa tinatawag nilang space shuttle.
"Yeah," bumuntong hininga ako habang nakayuko.
"Nakita ko na dati ang papa mo sa picture, nakuwento siya ng Lolo mo. Sabi niya, ito raw ang pinakamabait at mapagmahal niyang anak."
Napalingon ako sa kanya habang siya ay nakatitig na sa akin.
"Really? I don't thinks so..."
"Baka hindi mo pa talaga siya kilala. Baka may dahilan kung bakit siya ganyan sayo. Ang bawat tao ay may iba't ibang emosyon na kayang ipakita base sa nararamdaman nila sa taong kaharap."
Gusto ko sanang umangal. I know my Dad! Pero alam kong kahit sarili ko ay kokontrahin ako.
Nanatili akong tahimik. "Baka akala niya gusto mo ang lahat ng desisyon niya para sayo. Lahat ng magulang ay hangad ang nakakabuti sa anak. Gagawin nila ang lahat para sumaya ito."
Hindi ko na alam. Masyadong naging magulo ang Daddy ko para maintindihan ko pa.
"Lumaki akong ina lang ang nag-aaruga at hindi nakikita ang tunay kong ama. It's a long story but Mom chose to hide me from my father, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan. Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang magkaroon ng ama. You're lucky, you had one with you."

BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Fiksi Remaja"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...